Phase 29

91.3K 3K 1.1K
                                    

Phase 29


My mind is shadowed, lalo pa ang dala ng alak sa aking sistema. Dumadagdag ang kabigatan sa dibdib ko ng pait at kirot, pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng mga hita ko. I want to talk angrily but I'm scared, gusto ko siyang sigawan at kagalitan pero umurong yata ang aking dila sa oras na ito kaya nananahimik na lamang.

Kung hindi pa tumunog ang cellphone ko ay baka nakatulog na ako sa kamanhidan at sakit ng ulo ko, si Eero ang tumatawag kaya walang pagdadalawang isip kong sinagot iyon.

"Ametrine!" Singhap niya. "Where the hell are you? Nalingat lang ako saglit ay nawala ka na! Nasaan ka?" halos pagalit niyang tanong.

Suminghot ako.

"Eero..."

"Where? Don't just Eero me! I'm fucking worried! Sinong sinamahan mong sasakyan? Fuck it! I'm sorry for saying that. I mean, someone saw you. Sinong kasama mo?"

Kumurap-kurap ako, parang piniga lalo ang dibdib ko sa sobrang guilty. I shouldn't have went out, e, 'di sana ay hindi ako nasundan ni Elos! I'm sure hindi naman niya ako susundan kung pinuntahan ko si Eero! Why the fuck I got dumb?

"I-I'm fine, Eero."

"Met, I'm already driving. Can you please tell me your way? I'll follow."

Lumabas ang mahinang hikbi sa akin. I'm so fucking guilty and I don't even no why! Pero siguro dahil nasanay na ako sa Eero na nag-aalala sa akin tuwing nawawala ako tapos ngayon ay iniwan ko pa roon ng walang pasabi. Kahit kabado ay nilingon ko si Elos na tahimik ang pagmamaneho at nakaigting ang panga, his brows were furrowed.

"I-I'm alright, kunin mo si Cheena at iuwi sa amin, Eero. Doon na lang tayo mag-usap."

Nagmura siya at narinig ko ang paghampas sa manibela roon. Huminga siya ng malalim, pakiramdam ko ay pagod siya.

"Is it your fucking seascape, Ametrine?" he said in a weak whisper.

Kumunot ang noo ko, hindi makapagsalita sa naging tanong ni Eero. My lips trembled and I gasped, Eero sighed massively and I could clearly feel the sadness there. Gulat pa ako na alam niya, paano niya nalaman?

"Magiging maayos ka ba, Met?" he asked again. Napahikbi lang ako. "Oh, shit. Wipe your tears, sabi ko huwag kang magpapakita na umiiyak ka riyan dahil lalo lang lalaki ang ulo niyan. He's not worth it." malamig niyang dagdag.

Napatango ako sa sarili, pinunasan ko ang basang pisngi at lumunok. He sighed again. Napansin ko ang pagsulyap ni Elos at nagbuntonghininga.

"I'll see you later, stop crying." huling sinabi niya, nanginginig ang aking kamay na binaba ang tawag at tumingin na lamang sa labas ng bintana.

Sa bahay na lang ako magsasabi ng nangyari. Hindi ko alam kung bakit ako narito, ganoon na ako katanga kanina para mag isip pa ng tama.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko habang inaayos ang ilang hibla ng aking buhok na nagulo sa pagkakatali. I feel so stinky, ang buhok ko ay malagkit dahil hindi naman gaanong nabanlawan sa tubig kanina. Kung hindi ko pa tinali ay baka nakakadiri na akong tingnan.

I gasped massively and looked at him when he drove past away from our village.

"Doon ang village namin!" Singhap ko sabay turo sa nalalayong village namin dahil patuloy siya sa pagmamaneho.

Hindi ko dapat inasahan na alam niya kung saan man iyon pero narinig naman niya ang sinabi ko, a? Bakit patuloy pa rin siya sa pagmamaneho!

"I know. Just sit down and let me explain something." he said seriously.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon