Phase 38

96.4K 3.5K 751
                                    

Phase 38




Nagising ako na masakit ang katawan, parang binugbog ang ilang parte ko na hindi ko mapigilang mangiwi. I opened my heavy eyes slowly, I don't know how did I fall asleep knowing...

Namuo ang panibagong luha sa aking mga mata nang maalala ang huling alaala, lalo pa nang mabungaran ko si Elos sa aking tabi. He was sitting beside my leg, watching me with his unusual puffy eyes while holding my hand. Kahit masakit ang katawan ay sapilitan akong naupo para haplusin ang aking tiyan.

It feels empty that I instantly cracked into tears, binawi ko ang kamay kay Elos at umiling ng ilang beses habang umiiyak. Hinaplos ko ang aking tiyan paulit-ulit habang nananalangin sa lahat ng santo na sana'y manhid lang ako kaya hindi ko maramdaman, na sana'y wala akong masamang balitang marinig.

"How's our baby?!" I cried agitatedly.

Hindi siya sumagot, huminga lang siya ng malalim at nagyuko ng ulo habang binabawi ang aking mga kamay upang mahawakan. My heart wrenched dreadfully, bumagsak ang mga balikat ko at mahigpit na hinawakan ang aking tiyan.

"No! I didn't lose my baby!" sigaw ko habang umiiyak.

Mabilis ang pagpasok nila Mommy, Daddy at Tito Jaime sa silid. Sumunod din si Eldora Villareal, lahat sila'y nakitaan ko ng simpatya at kalungkutan, nanginig ang buong kalamnan ko habang humahagulgol. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa walang sawang pag-iyak, panay ang mahinang paghila ni Elos sa aking kamay upang patahanin pero hindi noon magawang pakalmahin ang pagkadurog ng puso ko.

Even without the answer, I knew I lost it... I lost my baby... and it's fucking painful!

My lips trembled, suminghap ako at nagyuko ng ulo. Nagwawala pa rin ang palahaw ko ng iyak sa buong silid, hindi ko alam kung matatapos ba ang sakit na dulot ng pagkawala ng magiging anak ko, sana...

"Elos, please... please, hindi. Hindi ko siya nawala, 'di ba?" pagod kong hagulgol habang hinihila siya sa t-shirt.

He looked at me and smiled sadly, making himself to look stronger than anyone here. Lumapit siya para ikulong ako sa kanyang mga bisig, but it didn't less my pain even a bit. My heart is just breaking and killing me completely to hell of torment.

"We didn't lose our baby, he or she will be your angel around." he whispered weakly.

Doon ako lalong humagulgol, iyon ang kumpirmasyon. Mabilis kong pinaghahampas ang sarili ko na agad pinigilan ni Elos na mariin. Hinawakan niyang magkasama ang dalawa kong kamay at muli akong hinila para yakapin ng mahigpit, I heard him sob as he buried his face on the side of my neck. Kahit na matigas siya ay ramdam ko ang kanyang panloob na kahinaan ngayon.

Hindi lang sarili ko ang sinaktan ko, pati na rin siya dahil sa kapabayaan ko. Kahit sila Mommy ay dinig ko ang paghikbi, piniling lumabas ng ilan sa kanila at si Mommy ang natira kasama si Eldora Villareal. I cried in vain, gusto kong magwala sa lahat-lahat. I want to kill myself for being irresponsible while carrying my angel, ako ang pumatay sa kanya. Ako ang may kagagawa noon, kung hindi ako nagpadala sa aking galit ay hindi ko mawawala ang anak ko.

"Leave me alone, please..." basag ang boses kong sambit.

Mom went to me, pigil ang luha nang hawakan ang kamay ko.

"Anak, please, calm down."

Nilingon ko siya sa basag na ekspresyon. "Calm down? Paano ako kakalma sa pagkawala ng... fuck! Leave me alone, I don't want anyone here! Mommy, please!"

Nakayuko ang ulo ni Elos pero ang mga mata ay tinatantya ang aking kilos, tumango si Mommy habang tahimik na lumuluha. Sinulyapan niya si Elos na tila may usapan sila roon bago lumabas, hinawakan siya ni Eldora Villareal at inalo sa likuran, sabay silang nawala sa silid.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon