Phase 14

100K 3.5K 1K
                                    

Phase 14


"I get it, I get it." tawa ni Mommy ang narinig ko pagkapasok palang ng pintuan.

I smiled when I saw her playing chess with her boyfriend in the living area, nakangiti rin ang nobyo niya habang napapailing dahil sa kanilang nakakatuwang argumento tungkol sa chess.

Siguro, heto ang katotohanan na kahahantungan ng lahat-lahat ng nangyari sa buhay namin bilang pamilya. I realized more that happiness comes out after the sadness and pain we felt, Mom deserves this as Dad deserves to be happy, too. With their own lives and world now. Ako naman ay mabubuhay na sa sarili ko, kaya ko ng alagaan ang sarili ko na wala nilang gabay.

They have done their parts raising me so well like this, they already fulfilled the complete family in my life. Kaya ako narito at nakakaintindi ay dahil pinunan nila ang lahat ng pangangailangan ko, mula sa pag-iisip at pagbubukas ng mga mata para sa bagay na nakatakdang mangyari habang nilalakad ang daanan patungo pa sa mas malalim at mas malayo na buhay.

"Metry, honey! You're home!" sigaw ni Mommy nang makita ako, tumayo siya para lumapit.

"Hi, mom."

Sinalubong ko siya para yakapin at halikan sa pisngi, she did the same on my forehead. I smiled at Tito Jaime who's now watching us while smiling.

"Good evening, Tito." bati ko sa kanya.

He nodded and smiled. "Good evening, hija. Kumain ka na ba? Nagluto kami ng Mommy mo para sa hapunan."

Lumapad ang ngiti ko at sumulyap kay mommy sa aking tabi na ngiting-ngiti rin at parang hindi iyon mawawala sa araw na ito.

"Okay, I'll just take a quick shower and change. Sasabay po ako sa dinner." maligaya kong sinabi.

Tumawa si Mommy dahil sa excitement ko.

"So cute, my honey! Okay, I'll set the table now. Be quick, Ametrine." aniya.

Ngumisi lang ako at nagpaalam na para makaakyat sa silid.

This isn't the first time we'll be together in dinner, pero pangalawang pagkakataon palang ito at sayang naman kung palalampasin ko. Iyong una kasi ay hindi pa ako masyadong kumportable kaya buong gabi kaming pormal sa isa't isa, hinahayaan ko lang sila ni mommy para sa sariling oras nila.

This is a good start, Ametrine. Let's be happy from now on and the nexts.

Gaya ng sinabi ko ay naligo ako at nagpalit ng kumportableng damit para sa hapunan, Elos called me and I put it on loudspeaker while brushing my hair in front of the mirror and listened to his deep sweet voice.

"I'll have dinner downtown with the team, is it okay?" he asked.

I heard laughters on the background. Nagkukwentuhan ang mga kaibigan niya tungkol sa babaeng modelo, iyon ang dinig ko.

"Why not okay?" natatawa kong tanong.

He chuckled. "Maybe you want me to just have my dinner at home, I'll do that."

Namilog ang mga mata ko at suminghap, I can't believe him! Seriously? Why would I stop him having dinner with his team? Isn't it too possessive if I do?

"Elos! Baliw ka ba? Bakit naman kita pipigilan sa mga ganyang bagay? You can do that, as long as you're not doing wrong or flirting with another girl then it's all right!" I said, chuckling.

"May mga babaeng kasama, some Tourism students here. Is it still okay?" he sighed.

Uminit ang mukha ko at marahang nagbuga ng hangin.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon