Chapter V [Edited 2022] - The Case of a Presumed Suicide Part 2

6.3K 294 4
                                    

"Salamat, Manong Guard!" Iwinagayway ni Jiwon ang maliit na notebook kasabay ng pagtakbo pabalik sa senior's building. Maswerte na pinayagan siya na silipin ang copy ng CCTV footage kahapon. Although it was not just pure luck. Nagsinungaling siya at sinabing pinapa-check ng kanyang Papa ang duration ng incident. Nagawa niyang suhulan ng isang yogurt drink ang naka-duty na security guard. Mabuti na lang at naniwala ito sa kanya.

Matapos ang morning class ay sinadyang maupo ni Jiwon sa lamesa kung saan mag-isang kumakain ng tanghalian si Dylan Sampil.

Everyone around them started to murmur. Noon lang kasi nila nakita na magkasama sa isang table ang school's beauty at ang isang loser na nobody. Idagdag pa na ang dalaga na kilalang suplada ang kusang lumapit sa binata. It was a rare scene that could pass as a big topic in their exclusive school.

"Sorry sa unwanted attention," panimulang saad ni Jiwon. Alam niya na hindi komportable ang tahimik na binata na makasama siya sa iisang lamesa. "May gusto lang akong itanong sa 'yo. Answer me truthfully, then I'll leave you alone." Sinimulan niyang kagatin ang hawak na apple.

Dylan couldn't even dare to look at her. Hindi rin ito makasubo ng pagkain dahil sa awkwardness at hiya.

"Seven fifteen, umakyat ka sa fourth floor para mag-cr, tama ba?" She took another bite of her apple as she waited for his answer.

Dylan slowly looked at her. Tumango ito.

"Seven thirty-four ka bumaba. It took you nineteen minutes para mag-cr?" She carefully analyzed his reaction.

"Ha-halos hindi na ako makalabas ng cr kahapon. Hi-hindi ako ang... pumatay sa kanya." His voice was tiny and weak. His face had a hint of desperateness. Desperado na maniwala sa kanya ang kaharap na dalaga.

"I never said that. Ang gusto ko lang malaman is... hindi ka ba lumabas ng cr after one round of your bowel movement?"

Napaisip ang binata.

She noticed the distinct change on his face. Bahagya siyang nag-lean forward upang mas mapakinggan pa ang kung anuman na sasabihin nito.

"Na-Nakita ko siya. Umiiyak siya sa cr... parang galit, pe-pero sandali lang 'yun. 'Tsaka ako lumabas ng stall nang wala na siya."

"Jiwon!" someone shouted from the entrance of the cafeteria.

She looked over her shoulder and saw that it was Kit. Masaya itong lumapit sa table na kinaroroonan nila at naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Anong pinag-uusapan ninyo? Tungkol pa rin ba sa suicide ni Renz?" clueless na tanong ni Kit. "Give me your hand." Bigla rin nitong kinuha ang kamay ni Jiwon na may nakataling puting panyo.

Babawiin na sana iyon ni Jiwon nang makita niya kung anong gagawin doon ng binata. He put ointment and proper bandage to her wounded hand. Nang matapos ang paggamot ni Kit, 'tsaka lamang ulit nabaling kay Dylan ang atensyon niya. "Nakita mo siya? Are you sure that it was Renz Mendoza? Do you even know him? Hindi kayo classmates, right?"

Dylan nodded. "Si-Sigurado ako. Isa kasi siya sa mga... nambu-bully sa akin."

"Hindi kaya itinulak mo siya kasi—" Hindi na naituloy ni Kit ang kanyang sasabihin dahil pinasakan ng apple ni Jiwon ang bibig niya.

"It's not him," she corrected him. "Masyadong severe ang diarrhea niya kahapon. He wouldn't dare to do that. Nasa personal condition ng body niya ang buong attention niya yesterday."

"Kung hindi siya, sino?"

Without answering Kit's question, she decided to walk out of the cafeteria. Agad rin sumunod sa kanya si Kit. They went upstairs, fourth floor. Sandaling sinulyapan ni Jiwon ang maliit na notebook at nagpasya na sa kaliwang bahagi ng building dumeretso.

She thought, "Ang sabi ni Grace sa testimony niya sa police station, kukuha sana siya ng upuan." Tatlong silid ang nilagpasan niya sa kadahilanan na bakante ang mga ito at wala na ni isang upuan. Hanggang sa narating niya ang dulong kwarto, ang Speech Room. Pumasok siya roon at nagsimulang halughugin ang silid.

"Jiwon, anong hinahanap mo?" nagtatakang tanong ni Kit. Gayunpaman ay nagsimula na rin siyang tumuwad at maghanap sa mga ila-ilalim ng upuan ng bagay na hindi naman niya alam kung ano. He wanted to help her.

"Cigarette butt," simpleng sagot ng dalaga.

He stopped and stood straight. "Wala kang makikita nu'n dito. Mahigpit ang 'no-smoking policy' ng SDHS. Sino naman ang magtatangkang manigarilyo dito? Expulsion ang katapat niya sa management."

Sandaling huminto si Jiwon. "Si Grace Imas... I need to find her leftover cigarette butt para ma-confirm ko ang alibi niya."

"Hindi kita maintindihan, Jiwon. Ang alibi ni Grace kahapon, kukuha daw siya ng upuan dito. Hindi ang manigarilyo. Ang totoo nga niyan halos magkasabay kaming umakyat dito sa fourth floor."

"She's lying! Ikaw na rin ang nagsabi na mahigpit ang 'no-smoking policy' ng SDHS. She wouldn't dare to admit na nanigarilyo siya dito sa fourth floor." Mayroon siyang naisip. Nagtungo siya sa tabi ng bintana. She pushed the window and looked around the room. "Kung maninigarilyo siya dito, she needs to ventilate the place para hindi makulong ang amoy sa loob. The rest of the windows are locked. She probably opened this window yesterday. She was in a hurry kaya hindi na niya ito naibalik sa pagkaka-lock. Then the cigarette butt..." She spotted a dark powder on the window sill. Pinahid niya iyon gamit ang daliri at inamoy. "Ito na 'yun." Pagkatapos ay sinilip niya ang baba.

"Itinapon niya?" duksong ni Kit.

"We'll find out." Muli siyang nagtatakbo palabas ng silid.

They both arrived at the back of the building. Masuri nilang hinanap sa bed of Bermuda grass ang cigarette butt.

After a couple of minutes of searching, Kit luckily found it. "Jiwon, ito na! Nakita ko na!" His face was beaming as if he had won the lottery.

Agad na lumapit si Jiwon at sinuri ang cigarette butt na nakuha nito. "Traditional brand katulad ng nakita kong brand na dala niya kahapon. She smoked it for two to three minutes."

"Anong ibig sabihin nu'n? Hindi siya ang pumatay?"

"Walang kinalaman si Grace Imas sa pagkamatay ni Renz. Sapat lang ang four minutes para pumasok siya sa speech lab, manigarilyo at dumeretso pababa sa third floor."

"Kung hindi si Dylan at Grace..."

"The lovers."

"Jayce and Akina?"

Tila ba nagkaintindihan ang dalawa at agad nilang pinuntahan sa classroom ang lovers na tinutukoy nila. But then they found out that Jace and Akina were both absent.

The afternoon class started. Natapos rin iyon sa isang iglap lang dahil lumilipad ang isipan ni Jiwon buong maghapon.

Kit rushed inside the room of Section Hertz. "May nalaman ako!" he excitedly exclaimed to Jiwon.

"What?" Huminto sa pag-aayos ng gamit ang dalaga at sinalubong ang mga mata ni Kit. Tila ba muling nagising ang dugong dumadaloy sa kanyang katawan.

"Nakausap ko 'yung tropa ko na classmate ng lovers. Ang sabi niya, ex-boyfriend ni Akina si Renz at mag-best friend naman sina Jayce at Renz." He sounded so proud of his discovery.

And for Jiwon, it was the most interesting information she had ever heard in the whole afternoon. "We need to see the rooftop," she said with full motivation emitting from her brown eyes.

 "We need to see the rooftop," she said with full motivation emitting from her brown eyes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now