Chapter XXXIX

4K 170 38
                                    

​Naging matunog na usapan sa buong SDHS ang pagkakadakip kay Grady Blake, dahil sa pagpatay nito sa modelong si Max Moliva at maging ang pagtangkang pagtakas nito sa probinsya ng Yonhwa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naging matunog na usapan sa buong SDHS ang pagkakadakip kay Grady Blake, dahil sa pagpatay nito sa modelong si Max Moliva at maging ang pagtangkang pagtakas nito sa probinsya ng Yonhwa. It was a jaw-dropping news that made everyone disappointed and dumbfounded. Grady Blake's career hit the rock-bottom in a blink of an eye.

​"Ano 'yan?" Walang paalam na inagaw ni Kit Buendoza ang ticket na pinag-aagawan ng mga kaibigan niya, pagkatapos niyang ipatong sa table ang tanghalian niya na nakalagay sa isang tray.

​"'Tol, baka magusot!" Henrix was worried. Kitang-kita iyon sa expression ng mukha niya.

​Hindi pinansin ni Kit ang paalala ng kaibigan niya. He sat on the vacant chair na pinaggigitnaan nina Henrix at Khael. Then he read the ticket. "Viper's Visage?" Wala siyang clue kung anong klaseng ticket ang hawak niya.

​Bigla namang inagaw ni Leyson ang ticket at ngumisi na parang nanloloko. "Ito ang totoong concert, hindi 'yung concert ng Grady Blake na 'yun!"

​Khael smirked. "Umiyak ang girlfriend ko kanina ah! Akala ko makikipagbreak na sa akin, 'yun pala hinuli lang ang idol niya."

​"Mabuti na lang hindi siya gusto ni Jiwon." Kit felt relieved.

​"Wala naman talaga 'atang gusto 'yang school beauty natin. Ang hirap i-predict. Ang hirap tuloy lapitan."

​Magsisimula na sanang kumain si Kit, but  he stopped dahil sa sinabi ni Henrix.

​"Itong si Kit nga lang ang makapal ang mukhang bumubuntot eh." Leyson said between laughs.

​Sinamaan ng tingin ni Kit ang mga kaibigan.

​"SDHS boys' enemy number 1 ka na ngayon, hindi mo ba alam? May group chat akong napasukan, ikaw 'yung topic. Matatawa ka sa pangalan ng group chat nila! Anti-Kit Beundoza The Birdbrain of SDHS! Nasa hundreds 'yung members!" Halos maubusan ng hangin si Khael kakatawa sa ikinekwento niya.

​"Isali mo 'ko! Gusto kong basahin ang mga bash nila kay Kit!" Excitement was written all over Henrix face.

​"Wala na eh. Kinick rin nila ako after 20 seconds. May nakakilala ata sa akin na tropa ko 'yung binabash nila."

​Though annoyed sa kwento ni Khael, Kit held his temper. Sakto naman na natanaw niya sa pinto ng cafeteria si Jiwon Natividad. He excitedly stood up at kinawayan ang dalagang nakatulala at awkward na nakahinto. "Jiwon!"

​Halos lahat ng tao sa cafeteria ay napatingin kay Kit.

​Kit felt the tension, lalo na sa masasamang titig sa kanya ng mga kalalakihan. But instead na magpadala sa mga tao sa paligid, sinunod niya ang puso niya. Masigla niyang sinalubong si Jiwon. "Sabay na tayong maglunch."

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now