Chapter XXXIII

3.8K 160 10
                                    

​Hindi mapakali si Lieutenant Jiho Lim habang naglalakad sila ngayon papunta sa security room ng hotel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi mapakali si Lieutenant Jiho Lim habang naglalakad sila ngayon papunta sa security room ng hotel. He kept on asking Jiwon about the real killer. "Sabihin mo na kasi, bata! Tama ako, 'di ba? May ibang pumatay sa kanya! Umakyat 'yung killer sa balcony. Du'n siya dumaan."

​Hindi na rin nakapagpigil si Jiwon dahil sa kakulitan ng binata. She faced the young man. Hindi niya maitago ang annoyance na halatang-halata ngayon sa expression ng mukha niya. "You can't make a final conclusion with those small evidence!"

​"'Yang maliliit na ebidensyang 'yan, kapag pinagsama-sama mo... magiging malaki rin 'yan! Obvious naman na may presensya ng ibang tao sa balcony. 'Yun na 'yun! Kasi kung hindi, ano pa 'yun? Naninilip lang? Talagang nag-effort pa siyang umakyat ng limang palapag para lang mamboso?"

​"Hindi mo pa rin p'wedeng alisin ang possibility na 'yung kasama niya sa kwarto ang totoong pumatay!"

​"Alam mo bata, mas pinapagulo mo 'yung kaso! Ginugulo mo 'yung isip ko eh! Nu'ng sinabi ko na lover's quarrel, kumokontra ka. Tapos ngayon naman na sinasabi kong 'yung taong umakyat sa balcony ang killer, kumokontra ka pa rin!"

​"Hindi ba p'wedeng open lang sa mga possibilities? Ganito ka ba talaga mag-investigate ng kaso? Pinipilit mo agad na mahulaan ang culprit?"

​"Time is gold para sa aming mga pulis! Tama nga ako, wala kang maitutulong sa akin. Dapat inihatid na lang kita pauwi sa bahay ni'yo! Kapag nalaman pa ng papa mo na kinukunsinti ko ang pagiging pakealamera mo... baka tanggalin pa niya ako sa serbisyo!"

​"Siguro dapat nga matanggal ka na lang sa serbisyo! Mas okay 'yun kesa makasira ka ng buhay ng ibang tao dahil lang sa ego mo! Gusto mong masolve agad ang kaso without even investigating properly? Ang selfish mong tao, Lieutenant Jiho Lim!"

​"Hoy, bata! Magdahan-dahan ka sa--"

​"Sir, Ma'am!" Someone yelled from the back.

​Sabay na huminto at lumingon ang dalawang aso't pusa.

​The Housekeeping Supervisor was standing awkwardly sa likuran nila. "Ito na po 'yung security room." He was pointing at the white door na nasa tapat niya.

​Jiwon rolled her eyes at the young lieutenant, 'tsaka dumeretso sa kwartong itinuturo ng middle age man.

​Lieutenant Lim gasped bago sinundan ang dalaga.

​Nang makapasok na sa loob ang aso't pusa, 'tsaka lamang nakahinga ng maluwag ang Housekeeping Supervisor na kanina pa nanliliit sa pagtatalo ng dalawa.

​The security personnel showed them the CCTV footage sa hallway ng 5th floor.

-Play-

*10/20/18
*5th Floor Hallway

01:16 AM – Lumabas sa elevator si Grady Blake. Sa kaliwang kamay, may hawak siyang isang bote ng alak. Sa kanan naman ay isang plaque. He was walking straight.
01:17 AM – Huminto siya sa tapat ng pinto ng presidential suite. Ibinaba ang bote ng alak sa sahig. Kinuha ang key card sa pocket ng jeans niya atsaka binuksan ang pinto. He picked up the bottle bago tuluyang pumasok sa loob ng suite.

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now