Chapter XXX

3.9K 162 5
                                    

​Nakasabay ni Tony Silaw ang dalawang naka-uniform na pulis papasok sa lobby ng Secret Paradise Beach Resort and Hotel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakasabay ni Tony Silaw ang dalawang naka-uniform na pulis papasok sa lobby ng Secret Paradise Beach Resort and Hotel. The two police officers headed to the front office, samantalang si Tony naman ay sa elevator paakyat sa 5th floor. Habang sumisipol, tinungo niya ang presidential suite kung saan nakacheck-in ang alaga niyang si Grady Blake. Sandali niyang sinulyapan ang malinis na hallway. Then he knocked casually on the big white door.

​Minuto ang nakalipas bago nagbukas ang pinto. Sumilip mula sa maliit na awang ang sikat na artistang si Grady Blake. Pinasadahan niya ng tingin ang buong hallway. He looks anxious and troubled. His eyes were shaking at mababakas doon ang takot at kaba. Nang makasiguro siya na walang ibang tao sa hallway, he grabbed his road manager's arm at hinigit ito papasok sa loob ng kwarto.

​Tony expected na ganoon ang magiging reaction ng kanyang alaga. He was smiling inside, dahil sa ganitong pagkakataon... alam niyang siya ang boss.

​Grady was anxiously gasping. Mariin ang pagkakahawak niya sa braso ng kanyang manager. Nanginginig rin ang kanyang mga tuhod at kamay.

​Habang nakataas ang noo, Tony proudly said, "H'wag kang mag-alala. Hindi makakalabas sa media 'to."

​Nagkaroon ng kaunting pag-asa sa mga mata ang takot na takot na binata. He grabbed his manager's hands at mariin iyong hinawakan. "Are you sure?" For a moment, tila ba nagkaroon siya ng lakas ng loob na hinugot niya sa matapang na mga mata ng kanyang road manager. Binitawan niya ang mga kamay nito at sa isang malalim na paghinga, inayos niya ang white robe na tanging suot niya ngayon. "Yah. Hindi talaga dapat 'to makalabas." Hindi katulad kanina, ngayon ay makikitaan na ng tapang ang bawat hakbang niya patungo sa magulo at makalat na bedroom. Pinagsisipa niya ang mga gamit na nakaharang sa daraanan niya. He looks like another person na kumawala sa katawan ng isang duwag na lalaki.

​Tony shook his head from side to side as a disapproval in Grady's jerky manner. Gayunpaman ay sinundan niya ito sa loob. He glanced at the mess na ginawa ng alaga niya sa buong kwarto. Napahinto siya sa paglalakad nang mapunta kay Grady ang tingin niya.

​Grady was sitting comfortably at the black sofa. Nakadekwatro habang nilalaklak ang isang buong red wine bottle.

​"Where is she?"

​Ipinatong ni Grady ang bote sa sahig at sandaling itinuro ang saradong cr.

​Habang pailing-iling, tinungo ni Tony ang comfort room. He knocked three times, hinihintay na may magbukas ng pinto mula sa loob.

​"She can't open the door." Casual na pahayag ng binata.

​Tony's face showed confusion. He glanced at the young man sitting on the sofa. "Binalian mo ng kamay?"

​Sinalubong ni Grady ang worried na mga mata ng kanyang manager. He didn't utter a single word.

​Dahil walang makuha na sagot, Tony opened the door of the comfort room. He was surprised sa bumulaga sa kanya sa loob. Otomatiko siyang napaurong dahil sa gulat at takot. For a second, nanatiling bukas ang bibig niya. Until he gasped out his overwhelmed emotion. "Grady! Grady!" He stumbled on his way papalapit sa binata. Nang tuluyan siyang makalapit, he pointed a finger sa bukas na comfort room. "You killed her?" Nag-echo sa buong kwarto ang malakas na pagkakatanong niya.

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now