Chapter LI

3.3K 148 7
                                    

​"Nagkaroon siya ng seizure

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

​"Nagkaroon siya ng seizure. Nagawa niyang lagpasan ngayon, but like what I told you before, you need to prepare yourself for the worse."

​Parang isang sirang plaka, paulit-ulit na naririnig ni Captain Teodore sa kanyang tainga ang paalala ng doktor. Nakatayo siya sa gilid ng hospital bed. Staring at his own son na kasalukuyang walang malay. His chest was so heavy. Nasasaktan siya para sa binatang nasa harapan niya. If only he can do something to make him better. Kahit na makipagpalit ng kalagayan at katawan ay gagawin niya.

​Ian's face was so pale. Tila ba kulang ang dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Mababakas ang mga taong nakalipas sa manipis at medyo kulubot niyang balat. He was too skinny for a 33 year old man. Life was barely visible on his small body.

​'Hindi kita susukuan, anak. Hangga't kumakapit ka, patuloy kitang poprotektahan.'

***

Nagtatatakbong lumabas ng bahay si Jiwon Natividad nang makumpirma niyang nakaalis na ang kanyang Yaya Jing. She lied, saying that Lieutenant Jiho Lim will pick her up upang ihatid siya sa bahay ng classmate niya. Naniwala naman ang kanyang matandang yaya at panatag na umalis ng bahay para mamalengke.

​It was a cloudy friday morning. Nagbabadya ang makapal at maitim na ulap na tila ba kahit na anong oras ay maaaring bumagsak ang malakas na ulan.

​Gayunpaman ay walang makakapigil sa plano ng dalaga. She left Camino Subdivision with high hopes.

​Hamilton Road was again her destination. Habang binabaybay niya ang kahabaan ng Hamilton, maingat niyang pinagduduksong-duksong ang mga impormasyon na hawak niya. 'November 5, monday, nahagip pa siya ng security camera na pumasok siya sa eatery na pinagtatrabahuhan niya. Bandang ala-singko ng hapon, lumabas siya ng eatery at may kinausap sa cellphone. Eight fifteen ng gabi, she was running palabas ng eatery. Hindi na niya nahubad ang apron na suot niya, meaning emergency talaga ang pupuntahan niya sa mga oras na 'yon. Nahagip pa siya ng security camera sa convenience store na ilang metro lang ang layo sa workplace niya. Unfortunately, iyon na ang huling security footage na naroon siya.'

​In the middle of the narrow sidewalk, huminto si Jiwon sa paglalakad. Tiningala niya ang security camera na nakainstall sa poste na nasa kaliwang bahagi ng convenience store. 'She was running...' Ibinalik ni Jiwon ang tingin sa harapan niya. 'Sa direction na 'to.' Nagpatuloy siya sa paglalakad. Pinagmamasdan maigi ang lahat ng establishment at bahayan na nadadaanan.

​When she reached the Hamilton Road's terminal, napahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng slingbag na nakakrus sa katawan niya. For some strange reasons, bigla na lamang siyang nakaramdam ng kakaiba. 'What if... dito siya sumakay para makapunta sa lugar na pupuntahan niya talaga?' Agad na tinalasan niya ang mga mata upang maghanap ng CCTV. She even roam around the whole garage just to find one. 'Walang security camera. Kailangan kong magtanong sa mga taong madalas na nakatambay lang dito. It's a fifty-fifty chance na may nakakaalala kay Corazon on that monday night, pero hindi naman masamang magbaka sakali.'

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now