Chapter X [Edited 2022] - Birthday, Stalking, and Him

5.7K 241 43
                                    

"Uncle! You're here!" She was glad to see her favorite uncle. Napansin niya na pormado ito upang bagayan ang fancy hotel na kanilang kinaroroonan. "You look so fine in that suit," puri niya. Alam niyang hindi ito mahilig magsuot ng pormal na damit at napilitan lang ito dahil sa okasyon sa gabing iyon.

"Totoo ba?" nakangiting tanong ni Uncle Teodore. Itinuwid niya ang pagkakalapat ng navy blue tie na animo'y ipinagmamalaki na bagay nga sa kanya ang ganoong klase ng pananamit. "Actually, hija..."

Ikinawit ni Jiwon ang kanyang kamay sa inalok na braso ng kanyang tiyo. Inakay siya nito patungo sa dining hall. Doon ay sinalubong sila ng mga pamilyar na mukha.

"Happy birthday, Jiwon!" everyone greeted her.

She was surprised to see her relatives gathered in one place all because of her birthday. Hindi niya inaasahan na may ganoong sorpresang niluto ang kanyang Papa. Mula kasi nang mawala ang kanyang ina ay hindi na nito napagtuunan ng pansin ang kanyang kaarawan. Nasanay na siyang kakain lang silang dalawa sa labas at kung minsan ay ang kanyang Yaya Jing lang ang kanyang tanging kasalo sa bahay. Biglang napuno ng hindi inaasahang saya ang kanyang puso.

Isa-isang lumapit sa kanya ang mga bisita para batiin at yakapin siya.

"Pa, thank you for this surprise."

Her papa gave her a warm smile. "Anything for my lovely daughter." Then he glanced at his wristwatch as if he was waiting for someone.

Bago pa ma-serve ang main dish, ang mga bisitang hinihintay ng kanyang Papa ay dumating rin sa wakas. A middle aged man in a black tuxedo and a young man wearing a pink suit stole the spotlight.

She watched as her father stood up to happily greet the latecomers.

"Montessilko! I'm glad you made it!" Director Natividad said and gave a brotherly hug to his old friend.

"Of course, Natividad! Hindi ko mapapalampas ang imbitasyon mo." Mr. Montessilko said.

Pagkatapos ng yakap ay nabaling ang atensyon ni Director Natividad sa binatang kasama ng kanyang kumpare. "Is this your son? Exelito?"

"Hindi ko ba kahawig?" sagot ni Montessilko. Then they both laughed.

"Good evening po and happy eighteenth birthday," magalang na bati ni Exelito, sinulyapan ang debutante, at ibinigay ang bouquet, "Jiwon."

"Thank you." Jiwon recognized the young man. 'Exelito Montessilko, ang mortal na kaaway ko back in childhood days. I wonder kung naaalala pa niya 'yung pananabunot niya sa akin at pang-aagaw niya ng manika ko, kasi ako... tandang-tanda ko pa. Buhay pa pala siya. Wala na akong naging balita tungkol sa kanya mula noong lumipat sila sa Manila which was 8 years ago.'

Nang mai-hain ang main dish, na-open ang topic na hindi ikinasaya ng dalaga.

"Jiwon will take her college degree in Saint Dominic University's main branch," Director Natividad announced.

Nasorpresa siya sa kanyang narinig. Hindi naman kasi nila napag-uusapan pa ng kanyang Papa ang bagay na iyon. Planado na pala. At ang masama pa ay hindi na kailangan ang kanyang opinyon.

"That's great! Magkakasama sila nitong si Exel. Alam mo Natividad, you don't have to worry about your daughter kung magkakatuluyan itong dalawa." The assurance in Montessilko's husky voice was earth-shattering. He liked the idea. He liked it very much more than the three plates of steamed mussels in white wine which he ate with full pleasure.

Jiwon flashed a glare to Exelito who was sitting across from her. 'I'm not gonna lie, he's quite good-looking because he looks neat. There's just something about him na hindi nag-aadd up sa kabuuan niya bukod sa weird color ng suit niya ngayon. Oh, right! His personality!'

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now