Chapter XLI

3.9K 182 22
                                    

Marahan na ibinaba ni Jiwon ang isang basket ng puting rosas sa harapan ng puntod ng kanyang yumaong ina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Marahan na ibinaba ni Jiwon ang isang basket ng puting rosas sa harapan ng puntod ng kanyang yumaong ina. Bumalik siya sa pagkakatayo at nanatiling nakatitig sa pangalan na nakaukit sa nitso. 'Hi, ma. Malapit na ang death anniversary mo. Madadagdagan na naman ang taon na wala ka na dito sa tabi namin ni papa. Kamusta ka na, ma? Masaya ba d'yan sa lugar na pinuntahan mo? Dito kasi... hindi. Kahit na limang taon pa lamang ako at wala pang gaanong muwang sa mundo nang iwan mo kami, namimiss pa rin kita. Namimiss pa rin kita, ma. Miss na miss na kita sobra. Nakakapanghinayang na wala man lang tayong malinaw na memories. Kaya naman galit na galit ako sa taong pumatay sa'yo. Galit na galit ako sa kanya, ma. Inilayo ka niya sa akin. Ipinagkait niya 'yung mga panahon na sana... sana isang buong pamilya pa rin tayo. That's why hindi pa rin ako sumusuko. Hinahanap ko pa rin siya. Hindi ako titigil... hangga't hindi niya pinagbabayaran ang ginawa niya sa'yo.' Nabaling ang atensyon ni Jiwon sa kamay na pumatong sa balikat niya.

It was her Uncle Teodore. Nakangiti ito at binuksan ang mga bisig upang yakapin ang dalaga.

After a warm hug, lumapit rin sa kanila si Director Natividad. Bahagya nitong tinapik sa balikat ang kararating lamang na pinsan.

"Uncle, kararating ni'yo lang po? Samahan ko na po kayo kay Auntie Laura." Kinuha ni Jiwon ang isang basket ng tulips sa papa niya. Iyon ang paboritong bulaklak ng kanyang Auntie Laura na mas naunang yumao sa kanyang ina noong taong 2004.

"I'll pay respect to your mom first, sweetheart." Sandali nitong inilapag sa harapan ng puntod ang isang bouquet ng white roses. A moment of silence as respect kay Mrs. Jilliana Natividad.

After a couple of minutes, isinama nga ni Uncle Teodore ang pamangkin niya sa puntod ng kanyang yumaong asawa. Doon, sandali rin nagdasal at kinausap ni Jiwon ang kanyang Auntie Laura.

"Jiwon, sweetheart, hindi mo na siguro naaalala, noong nabubuhay pa ang Auntie Laura mo, parati ka niyang binibisita sa bahay ni'yo. Kahit noong nasa ospital na siya, ikaw pa rin ang bukambibig. Kahit nga nasa tabi na niya si Ian, ikaw pa rin ang hinahanap niya eh."

"Sayang naman po, uncle, hindi ko rin siya nakasama ng matagal. Ang saya siguro kung pareho silang buhay ngayon ni mama."

"Kung hindi maagang namatay si Laura, buhay pa rin siguro hanggang ngayon si Jilliana." Mahina at pabulong na sinabi iyon ni Uncle Teodore, habang nakatitig sa nitso ng asawa niya.

Hindi maintindihan ng dalaga ang sinabing iyon ng kanyang tiyo. She looked at the old man, with confusion written in her innocent face. "Pa'no... pa'no ni'yo po nasabi na buhay pa sana si mama, kung hindi maagang namatay si Auntie?"

Tila ba natauhan ang kanyang tiyo. Napatingin ito sa naguguluhan na dalaga at tila ba napaisip sa katanungan nito. Pagkatapos ng ilang segundo na nakatitig siya sa mga inosenteng mata ng kanyang pamangkin, napatawa siya ng malakas. "Aba, s'yempre! Magbestfriend ang mama mo at ang Auntie Laura mo, hija. Sobrang malapit ang dalawang 'yun. Naisip ko lang na... baka pati kamatayan eh... pinagkasunduan nila. 'Yun bang... magpipinky promise na kapag may nawala sa kanila, susunod na agad ang isa pa." Sinusubukan niyang patawanin ang seryosong pamangkin.

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now