Chapter XXIX

4.5K 178 20
                                    

​Nagdaan ang mga araw, Jiwon felt the improvement in her own emotional and mental health

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagdaan ang mga araw, Jiwon felt the improvement in her own emotional and mental health. Hindi na niya masyadong nagagalaw ang mga pills na dati ay madalas niyang kapitan. A big thanks to the young man who serves as her assurance na hindi na mauulit muli ang masamang karanasan niya noon.

***

October 19, friday, Lieutenant Jiho Lim was surprised nang makapasok siya sa loob ng unit niya. The whole receiving area was a mess. Nagkalat ang iba't-ibang chips, balat ng chocolates, boxes of pizza and different bottles of drinks sa sahig. Nasa baba rin ang mga throw pillows at nakapatong sa sofa ang mga bukas na backpacks na hindi naman pamilyar sa kanya. May mga unfamiliar na damit pambabae na basta na lamang nakasampay sa sandalan ng sofa at ang iba ay nakakalat pa sa sahig. He heard laughs and giggles coming from the guest room. Agad niyang pinasok ang bukas na kwarto at doon ay naliwanagan siya kung paano naging ganoon kagulo ang buong unit niya. "Sujin!"

​Sujin was quite surprised sa presence ng kuya niya. She even dropped the eyebrow pencil habang bahagyang nakabukas ang kanyang bibig. Her two friends, Meanne Calisto and Valerry Resoda were flabbergasted dahil rin sa biglaang pagsulpot ng binata. Tulad ni Sujin, para bang huminto rin ang oras sa kanila. Nakatigil sa ere ang mga kamay nilang may hawak na blush on brush at liptint habang nakatitig sa batang lieutenant.

 Nakatigil sa ere ang mga kamay nilang may hawak na blush on brush at liptint habang nakatitig sa batang lieutenant

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

​Lieutenant Jiho Lim gasped. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niya. He made a hand gesture, telling them na kakausapin niya ang tatlong dalaga sa labas ng kwarto. As he went out of the room, awtomatiko niyang kasunod ang mga ito na para bang maaamong tupa at hindi makabasag pinggan. Pinaupo niya ang tatlong pasaway sa sofa, habang siya naman ay nanatiling nakatayo sa harapan with his arms cross in front of his hard chest. Napako ang tingin niya sa pasaway niyang kapatid na nakapwesto sa gitna.

​"Oppa, nagmessage naman ako sa'yo, 'di ba? I told you that I'm coming over..." Parang isang plaka na masisira na, her voice volume was decreasing. "..hindi ko lang nabanggit na kasama ko mga friends ko."

​Thinking na wala naman na siyang magagawa, the young lieutenant sighed. "Sujin, hindi kita masasamahan sa--"

​"It's okay! You don't have to worry! Kaya ko nga sila isinama eh." Bakas sa boses ni Sujin ang excitement.

​"Hindi matutuwa si mommy 'pag nalaman niya 'to." He was still trying to think of a way para masamahan ang kapatid sa concert.

​"Oppa! Hindi naman malalaman ni mommy! Ang alam niya, ikaw ang kasama ko sa concert ni Oppa Grady Blake. You can't tell her the truth! Babawasan niya ang allowance ko and I'll be broke for the next months!" Sujin sounded so desperate, trying to convince her brother. Ibinaling niya ang tingin sa dalawang kaibigan na katabi. "Hey, girls! Please show some desperateness! Let's convice my brother!" Mahina ang boses niya, ngunit bakas ang diin lalo na at pasimple niyang dinadali ang mga balikat nito.

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now