Chapter LII

3.1K 141 2
                                    

Nang makarating si Jiwon Natividad sa bahay ng yumaong Corazon Lechuga, agad niyang hinanap ang nakababatang kapatid ng biktima

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makarating si Jiwon Natividad sa bahay ng yumaong Corazon Lechuga, agad niyang hinanap ang nakababatang kapatid ng biktima. Tinanong niya ang mga tao sa burol kung nasaan ito.

"Naku, ne! Isinugod sa ospital si Chloe! Naglaslas kasi! Mabuti na lamang at nakita agad sa banyo ng kanyang Lola Saling! Kung hindi eh naku!"

"Saang hospital po?"

"Ang tant'ya ko eh sa HGH! Iyon ang pinakamalapit na public hospital dito eh."

"Salamat po." Though unsure kung tama ba na puntahan pa niya ang sugatan na dalaga at doon sa ospital tanungin ng mga bagay na may kinalaman sa pagkamatay ni Corazon, Jiwon still followed what her heart was dictating her to do.

Upon arriving at Hamilton Government Hospital, Jiwon asked the information desk officer kung saang kwarto nakaconfine si Chloe Lechuga. She found out na hindi pa pala nakakalipat sa kwarto ang dalaga, even though ilang oras na itong nasa ospital. Chloe was still at the emergency room tulad ng mga pasyente na hindi pa rin nila maaccommodate, dahil sa volume ng tao.

Hoping that she can finally talk to Chloe Lechuga, buong pag-asang tinungo ni Jiwon ang emergency room. She checked every nook of the place. Nang hindi niya matagpuan ang dalagang hinahanap niya, 'tsaka lamang siya nagtanong sa isang nurse. "Excuse me, I was told na nandito pa daw sa emergency room si Chloe Lechuga, pero hindi ko siya makita eh. Ah..." Sandali siyang nag-isip ng description para mas marecognize ng nurse ang pasyenteng hinahanap niya. "Siya 'yung babaeng isinugod dito dahil sa slit sa wrist niya." She was even pointing at her own wrist.

"Ah!" Tila ba naalala ng nurse ang pasyente na tinutukoy ng dalaga. "Nand'yan lang siya." Being a kind person, sinamahan niya ang dalaga sa nakasaradong kurtina, pangalawa sa huling kama. Pagkahigit niya sa kurtina, tumambad sa kanila ang bakanteng hospital bed. Agad siyang nagtatakbo palabas ng emergency room to ask the guards.

Kinutuban si Jiwon nang makita niya ang nakalaylay na suwero ng dextrose. 'She ran away.' Marahan siyang lumapit sa kama. Dinampot ang cellphone na bahagyang natatakluban ng puting kumot. Browsing at the phone's messaging application, nakatawag ng pansin sa kanya ang conversation ni Chloe at ng tinatawag nitong Bangungot. She opened the conversation thread and read the last message that went through the phone almost half an hour ago.

Sender: Bangungot
Same place and time
Hindi ka na nila susunduin
Ayoko ng late alam mo yan

Pinasadahan ni Jiwon ang mga previous messages and realized something at the end. 'She was being blackmailed. Hindi nabanggit sa conversation nila kung saan exactly sila magkikita. Pero 'yung oras... Kung pagbabasehan ko ang previous message ng sender, ang tinatawag nilang same time ay 6pm.' Sandali niyang sinulyapan ang suot na wrist watch. 'Fifteen minutes na lang, 2 pm na. Mayroon pang apat na oras bago mag-ala-sais.' Jiwon looked around. 'Nasaan ka na ba Chloe? Saan ka nagpunta?'

LOHIKA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon