Chapter XIV

4.7K 251 5
                                    


Mabilis na isinilid muli ni Jiwon ang mga gamit niya sa backpack. Inihagis niya iyon sa dating p'westo nito. She pretended na hindi pa tanggal ang padlock sa kadena.

Ariel entered the house. May hawak itong itak sa kanang kamay at patay na manok naman sa kaliwa. Nabaling ang tingin niya kay Jiwon. Nang makita niyang nakahiga ito at nakapikit, he smiled. Nagsimula siyang maghum muli ng paborito niyang nursery rhyme.

Jiwon carefully opened her eyes. Nakita niyang nagtatadtad ng manok ang kidnapper sa lumang lamesang kahoy. Pipikit na sana siyang muli, but something caught her attention. Nakakalat sa lupa ang calling card ni Lieutenant Lim, katabi lang ng mattress na hinihigaan niya. Napalunok siya ng laway as she tried to reach the card habang nakatingin sa kidnapper.

Nadako ang tingin ni Ariel sa dalagang bihag niya. He stopped humming nang mapansin niya na gising na pala ito. Slowly, nilapitan niya ang dalaga habang hawak-hawak pa rin ang itak. Naupo siya sa harapan nito at ikiniling ang ulo sa kanan upang pagmasdan itong mabuti.

Kabadong-kabado si Jiwon. Mababaling na sana ang tingin ni Ariel sa kamay niyang naka-extend pa rin sa ibaba ng mattress, but she immediately coughed upang makuha ang atensyon nito. Pasimple niyang nilukot ang calling card sa kamay.

"Nauuhaw ka, Amy? Sandali lang, ikukuha ka ni kuya ng maiinom." Sandali nitong hinaplos ang buhok ni Jiwon bago tumayo. Inilapag niya ang itak sa lamesa, bago kumuha ng tubig.

Mabilis na isinilid ni Jiwon ang calling card sa loob ng kanyang bra since walang bulsa ang suot niyang maikling blue dress na fit pa sa katawan niya. Nang lapitan siyang muli ng kidnapper, agad siyang bumangon at kinuha ang plastic na basong may laman na tubig. She was indeed thirsty, kaya't ininom niya ito nang diretso. Nawala sa isip niya na tanggal na nga pala ang padlock sa kadena na nasa kamay niya. Ang resulta? Unti-unting lumuwag at dumulas ang kadena sa braso niya habang umiinom.

Ariel noticed the loose chain. Nagbago ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang pagkahulog ng kadena.

'Shit!' Jiwon immediately pushed him away. She let herself free habang nakahandusay sa lupa si Ariel. Ngunit bago pa siya makatakas ay agad siyang nahawakan ni Ariel sa paa. Nadapa siya. Sinubukan niyang abutin ang kahit na anong bagay sa paligid. Nagtagumpay siyang abutin ang paa ng lamesa. Doon siya kumapit at pinagsisipa si Ariel.

Nabitawan ni Ariel ang paa ni Jiwon. Mabilis siyang tumayo at aktong lalapitan at huhulihin na muli ang dalaga, ngunit agad na nakatayo rin si Jiwon at naagaw ang kanyang itak.

"H'wag kang lalapit!" Jiwon's warning sounded like a request dahil bakas ang takot at kaba sa boses niya. Mariin ang pagkakahawak niya sa itak na nakahamba kay Ariel.

"Amy, bitawan mo 'yan. Masasaktan ka. Ako 'to, si Kuya Ariel mo." Tila ba bata ang pinakikiusapan nito.

"Hindi ako si Amy! Hindi mo 'ko kapatid!" Unti-unting napuno ng luha ang mga mata ni Jiwon. Gustong-gusto niyang ipaintindi kay Ariel ang katotohanan, ngunit naunahan siya ng kanyang luha.

"Ano bang sinasabi mo? Amy, ako 'to. Ang kuya mo. Natatakot ka ba kay tatay? Parating na siya. Baka maabutan ka niya na umiiyak, baka... baka bugbugin ka na naman niya. Baka saktan ka na naman niya." Marahan na humakbang palapit si Ariel sa dalaga.

"H'wag ka sabing lumapit!" Hindi na nag-aksaya ng oras si Jiwon. Nagsimula siyang maglakad patalikod. She reached the door at bubuksan na sana niya ito, ngunit agad siyang sinunggaban ni Ariel.

Hinawakan ni Ariel ang patalim ng itak. Tumulo ang dugo mula sa kamay niya. Pilit siyang itinutulak ni Jiwon palayo. Bago pa siya makakilos muli ay agad siyang natuhod ng dalaga sa ari. Nakaramdam siya ng matinding sakit dahil doon.

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now