Chapter XXV

4.9K 171 31
                                    

'Whenever I see girls and boysSelling lanterns on the streetsI remember the ChildIn the manger as He sleepsWhenever there are peopleGiving gifts, exchanging cardsI believe that ChristmasIs truly in their heartsLet's light our Christmas treesFor a ...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the streets
I remember the Child
In the manger as He sleeps
Whenever there are people
Giving gifts, exchanging cards
I believe that Christmas
Is truly in their hearts
Let's light our Christmas trees
For a bright tomorrow...'

​The 10 year old Jiho Lim went outside the Great Angels' Orphanage Home. Malapit nang lumubog ang araw at ilang oras na lamang ay matatapos na ang Pasko, ngunit nasa Orphanage pa rin sila ng buong pamilya niya. Naipaliwanag naman ng kanyang Daddy Hujin Lim na kailangan nilang idaos ang Pasko sa naturang orphanage para sa ikagaganda ng imahe ng kanilang kompanya, but Jiho doesn't really like the boring idea na kailangan pa nilang isacrifice ang buong araw ng December 25, 2005 para magpakitang-tao sa harap ng camera.

​Sujin Lim, the youngest child of Family Lim noticed na lumabas ng event hall ang older brother niya. She followed him outside, while their parents were busy watching the orphans singing happily on the small stage. Naabutan niyang naglalakad sa gitna ng malawak na playground si Jiho. In that quick moment, nalipat ang atensyon niya sa slides, swings and seesaw. She excitedly ran towards the inviting equipments.

​Meanwhile, hindi na napansin ni Jiho na naroon rin sa labas ng orphanage ang 5 year old na kapatid niya. He put on his earphones at itinodo ang rock music sa bagong mp3 player niya. Lumabas siya sa pinakagate ng orphanage at sandaling pinagmasdan ang opposite directions ng kalsada na nasa harapan niya ngayon. The right one leads to the spooky mountain, habang ang kabila naman ay 20 minutes walk ang layo sa kabubukas lamang na Mall. He easily decided na magtungo sa Mall, without even looking back.

​Madalang ang mga sasakyan na nagdaraan sa malawak na kalsada. Tila ba isang normal na araw lamang ang magtatapos, dahil hindi ramdam sa liblib na barangay ang init at saya ng Kapaskuhan.

​Sa halos sampung minuto na paglalakad ni Jiho, huminto siya sa harapan ng isang abandonadong pabrika. It looks like a haunted place for a young innocent boy, kaya't mas minabuti na lamang niya na magpatuloy sa paglalakad. Pagkaraan niya sa pinakagate ng abandonadong factory, something caught his attention. Mabilis siyang nagtago sa makalawang na gate at maingat na sinilip ang loob ng vicinity ng pabrika.

​A suspicious man was walking frantically palabas sa sunog na building. His white t-shirt was covered with blood.

​Tinanggal ni Jiho ang earphone na suot at dali-daling itinabi iyon sa bulsa ng pantalon niya. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso niya nang biglang madako sa direksyon ng pinagtataguan niya ang tingin ng lalaki. He quickly hid his head behind the rusty gate. Nang makarinig siya ng tunog ng makina ng sasakyan, agad siyang tumakbo papunta sa mga nakatambak na mga bakal at nasunog na kagamitan na hindi kalayuan sa kaliwang bahagi ng gate. Nagtago siya roon hanggang sa tuluyang makaraan ang van na minamaneho ng lalaking may duguan na damit.

​The wind was blowing heavily na para bang binababalaan ang batang lalaki.

​Despite of his shaking knees and abnormal fast beating of his heart, tinungo niya pa rin ang loob ng pabrika. His curiosity weighed more than his fears. He nervously entered the spooky building.

​Madilim sa loob at malamig ang hangin na pumapasok mula sa mga bintana na wala na ngayong salamin.

​Nothing strange caught his attention. He decided to ignore his curiosity about the blood on the suspicious man's clothes. Palabas na siya sa abandonadong building, when suddenly... he heard a loud noise.

​Ingay na para bang may naghagis ng babasagin na bagay at nabasag ito sa lakas ng impact. Nasundan ang ingay na iyon ng mabibigat na footsteps.

​Jiho unconciously followed the strange noise. Dinala siya ng mga paa niya sa harapan ng isang kwarto. Nakabukas ang pinto, kaya't agad na nasilayan niya ang kung anuman' kaganapan sa loob. Jiho's eyes widened dahil sa pagkagulat. Kusa siyang napaupo palayo dahil sa takot sa nakikita ng mga mata niya ngayon.

​There was a woman na nakahiga sa malamig na sahig.

​Dahil bukas ang mga bintana sa kwarto at may liwanag pang pumapasok mula doon, kitang-kita niya ang kalagayan ng kaawa-awang babae.

​Ang sahig na kinahihigaan nito ay balot ng sarili niyang dugo. Sa tabi nito ay may mga bubog na nagkalat.

​Jiho was startled nang magtama ang mga mata nila. He was surprised na buhay pa ang babae. He rushed towards the bloody woman. He noticed something strange on the side of the woman's belly. May water pipe na nakatusok dito. Doon nagmula at dumaan ang dugo na nakakalat ngayon sa sahig.

​Maputla at nahihirapan nang huminga ang kaawa-awang babae.

​Hindi malaman ni Jiho ang gagawin. He then noticed na mayroong bagay na inaabot ang babaeng nag-aagaw buhay.

​Naka-extend kasi ang kamay nito at pilit na iniisod ang katawan, ngunit hindi na niya magawa pa.

​Nadako ang tingin ng batang lalaki sa music box na isang dangkal na lamang ang pagitan sa kamay ng babae. He quickly took it, 'tsaka ibinaling muli ang atensyon sa babaeng kaharap.

​The woman was trying to say something, ngunit nahihirapan na siyang magsalita.

​Pilit na iniintindi ni Jiho ang sinasabi sa kanya nito, but in the end... he couldn't understand it. He suddenly heard heavy footsteps na tila ba ay papalapit na ngayon sa kwarto na kinaroroonan nila.

​The woman started to grimace while trying to move her hands. Para bang pinapaalis na niya ang batang lalaki sa lugar na iyon.

​Dahil sa taranta at takot na baka masamang tao ang paparating, agad na nagtatakbo palayo si Jiho. He jumped out of the window. Doon siya pansamantalang nagtago. Hindi niya napigilan ang sarili na silipin ang taong dumating.

​It was a man. Duguan rin ang damit at mga kamay nito katulad ng lalaking nakita ni Jiho na sumakay sa van ilang minuto lamang ang nakalipas. May mga talsik rin ng dugo ito sa mukha. He was carrying a big balikbayan box. Inilapag niya ang box sa tabi ng biktima. Pagkatapos ay buong lakas na binuhat ang kaawa-awang babae papasok sa loob nito.

​Jiho, unable to do anything na makakapigil sa krimen, decided to run away. He ran as fast as he could hanggang sa makabalik siya sa Great Angel's Orphanage Home. He was planning to get help from someone else, ngunit isang malaking commotion rin ang nadatnan niya roon.

​Nagkakagulo ang mga bata, madre at ang mga magulang ni Jiho sa gitna ng malaking playground. Mr. Hujin Lim was carrying his youngest child, Sujin.

​Sujin was crying dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Her head was badly injured dahil sa aksidenteng pagkahulog nito mula sa mataas na slide. Tumutulo ang dugo mula sa maliit na ulo niya.

​Hindi malaman ni Jiho ang gagawin. Sinalubong siya ng kanyang ina habang umiiyak.

​"Where have you been? You're supposed to be watching her! Tingnan mo kung anong nangyari sa kapatid mo!" Bahagyang pinaghahataw nito ang kararating lamang na anak.

​Tulala at hindi makapagsalita si Jiho.

​Sinugod sa pinakamalapit na hospital si Sujin. Luckily, mababaw lamang ang sugat niya sa ulo. She received five stitches bago pinagpahinga sa private room.

​Jiho, feeling responsible sa dalawang insidente, tried his best to help both victims. Nanatili siya sa tabi ng nasugatan na kapatid and at the same time, hiniram niya ang cellphone ng Mommy niya upang ireport ang krimen na nakita niya sa abandonadong pabrika.

​Makalipas ang isang linggo, Jiho visited the police station na tinawagan niya noong Pasko.

​"Ah! Ikaw ba 'yung bata na nagreport nu'n? Wala kaming nakita!" The detective was walking in fast pace.

​Pilit na sinasabayan naman ni Jiho ang lakad nito. "Ano hong wala kayong nakita? Hindi ni'yo po nasagip 'yung babae? Inilagay siya sa kahon nu'ng killer! Malapit na siyang maubusan ng dugo! Mamamatay siya kung--"

​Huminto sa paglalakad ang detective. Hinarap nito ang makulit na batang lalaki. Napakamot pa ito sa ulo dahil sa inis. "Hoy, bata! Hindi ka ba marunong makaintindi? Sinabi nang wala nga kaming nadatnan sa sunog na pabrikang 'yun! Umuwi ka na! Hindi mo ba nakikitang marami kaming ginagawa ngayon?"

​"Pero detective, totoo pong--" Hindi na nagawang makasunod ni Jiho. Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng police station. He watched everyone, trying to identify kung sinong makikinig at maniniwala sa kanya. Everyone at the police station was busy. At the end of the day, wala siyang nalapitan.

​Makalipas ang ilang araw, naging matunog sa buong Yonhwa Province ang 'Water Pipe Serial Murder Case'. Laman ng television news programs ang 'di umano'y pang-siyam na biktima.

​Jiho heard the news. The way of killing matched the crime that he witnessed. Agad niyang inalam ang pangalan at 'itsura ng biktima. Unfortunately, it was not the woman he saw. He then searched online tungkol sa mga victims ng 'Water Pipe Serial Murder Case'. He knew back then na isa sa mga biktima ng serial murder case na iyon ang babaeng nakita niya sa abandoned factory, but he couldn't find any information about that woman.

​Nagpabalik-balik siya sa Police Station, upang paulit-ulit na ireport ang krimen na hindi mawala sa isip niya. Sa kasamaang palad, walang nakinig. Walang naglahad ng kamay upang tumulong. Walang naniwala sa isang sampung taong gulang na batang lalaki.

​Sa sarili niyang maliit na paraan, nakuha niya ang mga impormasyon tungkol sa nasabing kaso.

​"Ito na ba talaga lahat?" Nakakunot ang noo ni Jiho habang tinitingnan mabuti ang bawat pages ng dokumento.

​"Oo. 'Yan na lahat. Pinaphotocopy ko lang, baka kasi hanapin ni Papa. Pagagalitan ako nu'n 'pag nalaman niyang pinakialaman ko ang mga gamit niya. Ano ba kasing gagawin mo diyan? Hahanapin mo ba 'yung killer? Ang bali-balita, aswang daw 'yun! Nabubuhay siya sa dugo ng tao, parang mga vampires!"

​Sandaling nirolyo ni Jiho ang mga bondpaper, 'tsaka ipinukpok iyon sa ulo ng kaibigan niya na si Sebastian Roxas. "Naniniwala ka pa rin sa aswang? Hindi 'yun totoo! Psychopath ang killer at hindi lang siya nag-iisa. Dalawa sila."

​Walang nagawa si Sebastian kung 'di himasin ang parte ng ulo na pinukpok ng kaibigan.

​"Wala dito 'yung victim na hinahanap ko. Baka naman.." Sinamaan ni Jiho ng tingin ang kinakabahan na kaibigan. "binawasan mo o 'di kaya may nakaligtaan kang iphotocopy!"

​Nanlaki ang mga mata ni Sebastian. Itinaas niya ang dalawang kamay at iwinave iyon sa harapan ng kaibigan. "Hindi! Hindi! Siniguro ko talaga na nacopy ko lahat! Promise! Tamaan man ako ngayon ng kidlat! Chineck ko din 'yan bago ko ibigay sa'yo. Siyam lahat sila. Walang labis. Walang kulang."

​Nagkasalubong ang makakapal na kilay ni Jiho. 'Katulad ng mga balita sa tv, siyam lang talaga ang biktima ng Water Pipe Serial Murder Case. Siyam ang tao na laman ng dokumento na hawak ko ngayon, pero wala sa kanila ang babaeng nakita ko sa abandoned factory. Ibig sabihin ba nu'n... hindi talaga nila nakita ang bangkay? O nakita nila... pero hindi nila isinama sa kasong 'to? Kung ganu'n nga... bakit nila inilihim ang pagkamatay ng babaeng 'yun? Bakit wala akong makitang information tungkol sa kanya? Bakit hindi siya ibinabalita sa tv?'

***

Lieutenant Jiho Lim woke up in the middle of the night. Sweat was running down his forehead and neck. He was trying to calm himself at hinahabol rin nito ang hininga. For the nth time, napanaginipan na naman niya ang babaeng duguan na natagpuan niya sa abandonadong pabrika noong December 25, 2005. Her face was still haunting him.

​The glass window in his room was open. Malakas ang hangin na pumapasok mula doon. Lumilipad ang puting kurtina at bahagyang masisilayan roon ang city lights na tila ba mga bituin na bumaba mula sa langit.

​The young lieutenant stood up at nagtungo sa tapat ng bukas na bintana. He picked up the old music box from the table na nasa baba lamang ng window. He flipped it. Pinagmasdan niya ang nakaukit na initials sa ilalim ng music box. 'J.D.N.' He looked at the view outside the window, 'tsaka huminga ng malalim. 'Ang sinusubukang sabihin sa akin ng babaeng 'yun... ay isang pangalan. Maaaring sa anak niya ang music box na 'to. J.D.N., hindi ako titigil hangga't hindi kita nakikita.'

OOO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

OOO

OOO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now