Chapter XXIV

4.5K 174 29
                                    

​Hindi na nagawang makapalag pa ni Jiwon Natividad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi na nagawang makapalag pa ni Jiwon Natividad. Dinala siya nito sa loob ng yate. She was about to protest nang makita niya kung sino ang taong iyon. "Lieutenant.."

​Muling hinigit ni Lieutenant Jiho Lim ang dalaga papasok sa mismong kwarto kung nasaan si Gigi.

​Kasalukuyang natutulog si Gigi at walang kaalam-alam sa presenya ng ibang tao.

​Bahagyang isinara ng batang Lieutenant ang pinto ng kwarto. Nag-iwan siya ng isang dangkal na awang atsaka pinagtago sa likuran mismo ng pinto ang dalaga. Siya naman ay nasa kabilang side, katabi ng awang sa pinto.

​Jiwon was clueless sa plano ng binatang kasama niya ngayon, but she immediately guessed it nang marinig niyang nagbukas ang pinto ng yate.

​Mahina at dahan-dahan ang mga yabag ng paa ni Erwin Clamente. Natunugan na niyang mayroong ibang tao sa loob dahil hindi na nakalock ang pinto ng yate. Buong ingat siyang nagtungo sa bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto. Inihanda niya ang patalim habang pinakikiramdaman ang paligid. Nang tuluyan siyang makarating sa tapat ng pinto ng maliit na kwarto, inihanda niya ang sarili upang atakihin ang kung sinuman na nasa loob nito ngayon. A short pause bago niya buong lakas na sinipa ang pinto ng kwarto.

​Nasaktan si Jiwon dahil sa impact ng pagkakasipa ni Erwin.

​Erwin attacked, but Lieutenant Lim quickly grabbed the weapon na hawak nito.

​Nagawang itapon ng batang lieutenant ang patalim. Buong lakas rin niyang itinulak ang suspect palabas ng kwarto.

​Tumilapon sa sahig si Erwin Clamente. He grabbed everything na maabot niya and heedlessly throwing them sa direksyon ng batang lieutenant. Nang hindi siya magawang lapitan nito dahil sa mga bagay na ibinabato niya, he took the chance to run away.

​Kung kailan hawak na ni Lieutenant Lim ang kanyang baril, 'tsaka naman nakatakbo na palabas ng yate ang suspect. He quickly followed him.

​Naiwan sa yate si Jiwon. The child was crying nang tanggalan niya ito ng mga tali sa katawan.

​Gigi threw herself sa bisig ng dalagang magliligtas sa kanya.

​Tila ba walang katapusan ang paghahabulan ni Lieutenant Lim at Erwin Clamente.

​The young lieutenant was losing his own patience. Unti-unti na rin kasi siyang napapagod kakatakbo.

​Indeed, Erwin Clamente is a good runner. Paikot-ikot siya sa buong South Consolacion Port at hindi pa rin siya magawang abutan ng batang lieutenant.

​Dahil sa pagod at inis, huminto na lamang si Lieutenant Lim at nagpaputok ng baril.

​The suspect automatically stopped. Dahan-dahan siyang lumingon sa binatang humahabol sa kanya. His eyes widened nang makita niya na mula sa itaas na direksyon ay mabilis na itinapat nito ang baril sa mismong kinatatayuan niya.

​The young man was catching his breath. "Isang hakbang mo pa, sa ulo mo na tatagos ang susunod na bala." He said that, loud enough para marinig ng suspect.

LOHIKA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon