Chapter LVII

3.3K 134 43
                                    

Meanwhile, Jiwon was left alone sa ilalim ng puno ng mangga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Meanwhile, Jiwon was left alone sa ilalim ng puno ng mangga.

Noon lamang dumating sina Valerry at Meanne. May hawak silang fruit shake at hinahanap ang kaibigan na si Sujin.

Nang aktong aalis na sa lilim si Jiwon, a man came running towards her. Agad na nakilala ng dalaga ang lalaking dumating just by looking at his outfit. "Exelito?"

Exel was wearing a yellow suit. Tinernuhan niya iyon ng dilaw na rosas na nakasilid sa bulsa ng blazer niya sa left chest. Over whole, mukha siyang aattend ng kasal na ang motif ay kulay dilaw. He composed himself nang tuluyan siyang makalapit sa magandang dalaga. "At last! Nakita rin kita, Jiwon. Kanina ko pa iniikot 'tong school ni'yo. Kagagaling ko lang sa tent ng section ni'yo, pero wala ka na du'n. Dito lang pala kita makikita." Nadako ang tingin niya sa fruit shake na hawak ni Jiwon. "Can I take a sip?" Hindi na niya hinintay ang sagot ng dalaga. Basta na lamang niya hinablot ang fruit shake at ininom iyon freely.

Inintindi na lamang iyon ni Jiwon. Alam niyang nauuhaw na ang binata, dahil sa pag-iikot nito sa buong eskwelahan para lamang hanapin siya.

Exelito noticed the vacant wooden bench. He was about to sit on it nang biglang nagsalita si Jiwon.

"Kung ako sa'yo, hindi ako uupo d'yan." It was a simple advice.

He obeyed it without even asking why. Nanatili na lamang siyang nakatayo sa tabi ng dalaga. "I saw a coffee and tea shop on that building." He sipped and pointed a finger sa senior's building na tanaw sa kinaroroonan nilang lugar. "Their ornaments and ambience look so relaxing. Can we check that place out, Jiwon? Alam mo na, medyo napagod ako. I want to rest just a bit lang naman." Isinenyas niya sa kanyang kamay ang 'bit' part.

"Okay." Jiwon agreed to him without further thinking. Kailangan niya rin kasi ng pahinga, since katatapos niya rin lang magtrabaho sa tent ng section nila.

They both headed to the coffee and tea shop that Exelito was talking about.

It was a shop na pakulo ng isang section sa senior year. They decorated their classroom and transformed it into a cozy place.

Bumungad kina Jiwon at Exelito ang nakakarelax na music pagkapasok na pagkapasok nila sa naturang shop.

Binati sila ng isang estudyante na nakabantay sa pinto and guided them papunta sa bakanteng table na nasa gitnang bahagi ng kwarto.

***

Lieutenant Jiho Lim ignored the incoming call from Melody Frayco. Katatapos niya lamang halughugin ang buong Sketch Bar. He was tired. Bakas iyon sa problemado niyang expression sa mukha. Bukod kasi sa natakasan siya ni Bola, wala rin siyang nakita na mahalagang impormasyon sa illegal bar. Kalalabas niya lamang sa naturang bar nang bigla na namang tumunog ang kanyang cellphone. He irritatedly looked at the caller. Nang makita niyang si Sebastian ang tumatawag, he answered the call quickly.

"Bro! I'm back as the real bomb! Makukuha ko na ngayon si Nancy ko!" Sebastian sounded so happy.

"Congrats. Pahiram ako bukas."

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now