Chapter XIII

5K 221 11
                                    


     It was an endless torture for Jiwon. Pagkatapos itigil ni Ariel ang pagsakal sa kanya, ipinaghele siya nito—singing his favorite nursery rhyme in a slow tune. Jiwon pretended to be asleep dahil sa takot. Natatakot siya na baka kapag nakita ni Ariel na gising pa siya ay ulitin nito ang pagsakal sa kanya hanggang sa tuluyan siyang malagutan ng hininga. Kung hindi siya ang biktima ay maaaring nakaisip na siya ng paraan upang makatakas. Kung tutuusin ay napakarami noon. Ngunit ngayong siya ang nasa sapatos ng biktima, hindi siya makapag-isip nang maayos. Blanko. Madilim katulad ng lugar na kinaroroonan niya.

Nagdaan ang ilang oras, Jiwon carefully opened her eyes.

Ariel was walking back and forth. Bumubuka ang bibig na parang may sinasabi sa kanyang sarili. He kept on doing that for three hours straight.

***

"Ariel Manabat, 26 years old, tubong Barangay Tampisaw. Regular employee ng XYZ Club. Part time cook sa SDHS. Ilang araw niyang sinubaybayan ang biktima na si Jiwon Natividad. Hindi lang ito napansin ng dalaga dahil sanay na siyang palaging may mga matang nakamasid sa kanya. As you can see, maganda si Jiwon, katulad nina Mildred, Jennifer, at Dianne. September 1, natagpuan ang bangkay ni Dianne sa ilalim ng Canoonan Bridge. Tatlong araw lang ang nakalipas, nareport na nawawala si Jiwon. Huli siyang nakita sa XYZ Club kasama ng mga kaklase niya. Sina Mildred, Jennifer, at Dianne, pare-pareho silang nanggaling sa night club na 'yon bago sila nareport na nawawala. May pagkakatulad ang galawan ni Ariel Manabat sa Infamous Stalker to Serial Murder Case ng Yonhwa Province. Kahawig niya rin ang rough sketch ng unknown suspect sa kasong 'yon. Malaki ang posibilidad na siya na ang notorious killer na matagal na nating hinahanap."

Pagkatapos ng maikling briefing tungkol sa abduction kay Jiwon, agad na kumilos ang buong Unit One ng Violent Crimes Division.

Nagtungo sina Lieutenant Lim at Detective Sariin sa Barangay Tampisaw kung saan ipinanganak at doon na rin nagkaisip ang suspect na si Ariel Manabat.

"Naku! Wala na ditong Manabat. Isang pamilya lang ng Manabat ang napatira dito sa Tampisaw. Eh... masaklap ang sinapit ng pamilyang 'yun. Usap-usapan nga sila noong araw sa buong barangay. Sumalangit nawa ang kaluluwa ng mag-ina!"

"Maaari n'yo ho bang sabihin sa akin lahat ng naaalala ni'yo tungkol sa pamilyang 'yun?" curious na tanong ni Lieutenant Lim.

Napakamot sa ulo ang matandang lalaki. Tila ba iniisip nitong mabuti ang nangyari noon sa pamilya Manabat. "Namatay sa panganganak si Neseri, kaya lumaking walang ina ang dalawang anak niya. Ito namang si Karding.. eh parating binubugbog sina Ariel at Amy kapag nalalasing. Kaawaawa ang mga batang 'yun! Madalas ko silang makita na nanlilimos sa mga tindahan. Wala sigurong makain dahil sa lasenggero nilang ama. Malaking balita dito sa barangay nang matagpuan sa ilalim ng tulay 'yung katawan ni Amy. Nakakaawang bata. Pitong taon lang 'ata 'yun. Hindi ko akalain na kayang patayin ni Karding ang sarili niyang anak. Napakawalang puso ng putangina 'yun! Bali-balita dito.. nakalaya daw sa kulungan ang dimonyong lalaking 'yun, totoo ba?"

"Totoo ho. Taong 2015, nakalaya si Karding Manabat."

"Tarantadong 'yan, nakalaya pa! Dapat sa kanya hinatulan ng kamatayan! Paano kung patayin naman niya ang nag-iisa niyang anak? Kawawa naman ang batang 'yun! Nabubuhay siguro sa takot!"

"May balita ho ba kayo kung saan na nakatira ngayon si Ariel Manabat?"

"Kamakailan lang eh nakita ko 'yung batang 'yun sa tulay ng Tampisaw, pero hindi ko naitanong kung saan na siya naninirahan ngayon."

Lieutenant Lim's eyes narrowed. "Kailan ho 'yun?"

Napakamot na naman sa ulo ang matanda. "Sa tingin ko ay... bandang... katapusan ng Agosto. Nagbibisekleta kasi ako tuwing umaga para bumili ng pandesal, nadaanan ko siya sa tulay. Nakagawian na kasi ng batang 'yun taon-taon na dalawin ang tulay na iyon kung saan natagpuan ang bangkay ng kapatid niya. Kaawa-awang bata! Mahal na mahal niya kasi si Amy. Siya na ang tumayong ama at ina ng nakababatang kapatid niya. Silang dalawa na nga lang ang nagdadamayan, napatay pa ang isa!"

Ibinaling ni Lieutenant Lim ang tingin sa Tampisaw Bridge. Kasalukuyang naglalakad doon si Detective Sariin at umiling ito sa kanya bilang sign na wala siyang nakuhang mapakikinabangan na impormasyon.

'Kung siya nga ang serial killer ng infamous Stalking to Serial Murder Case, nasa panganib ngayon ang buhay ni Jiwon. Lalo pa at alam na ng suspect na pinaghahahanap na siya ng batas. Nawala sa tamang pag-iisip si Ariel Manabat nang makalaya sa kulungan ang ama niya. 2015, 'yan din ang taon kung kailan una siyang gumawa ng krimen. Bumalik ang isip niya sa nakaraan kung kailan buhay pa ang kapatid niya na si Amy. Iniisip niya na buhay pa ang kapatid niya sa katauhan ng mga biktima niya. Inuulit niya ang nakaraan nila. Pinapatay niya ang mga biktima sa paraan ng pagpatay ng ama niya kay Amy. Binugbog, sinakal, hanggang sa tuluyang malagutan ng hininga, atsaka itatapon sa ilalim ng tulay kung saan hindi aanurin ang bangkay. Kung hindi namin maililigtas si Jiwon sa loob ng bente kwatro oras, malaki ang posibilidad na ganoon rin ang mangyari sa kanya.'

***

Nagmamadaling pumasok sa cafeteria si Kit palapit sa table na kinaroroonan nina Yna, Claudine, Caty, at Hanny. "Alam ni'yo ba kung bakit absent si Jiwon? May balita ba kayo? Sabihin ni'yo sa akin, please! Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi naman ako makapunta sa bahay nila kasi baka pagalitan siya ng daddy niya." Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Boyfriend ka ba ni Jiwon?" Caty asked dahil sa nakita niyang oa na reaction ng binata.

Napalunok ng laway si Kit bago tinapunan ng tingin ang dalagang nagtanong. Nang napansin niyang madami-dami ang mga tainga at matang nakatingin sa kanya, he lowered his gaze. "Hindi, pero kaibigan niya ako."

"Hindi namin alam kung bakit ilang araw nang absent si Jiwon, but I'm sure babalik siya." It was Kayla. Kararating lamang at may hawak na isang tray na may noodles at pineapple juice. Isa-isa niyang sinalubong ang tingin ng mga kaklaseng babae na nasa table. The look on her face was literally telling them to keep quiet.

***

Malakas ang pagkakahagis ni Director Natividad sa baso. Nabasag iyon sa sulok ng office at nagkalat ang alak sa marmol na sahig. Nanatiling nakatungo sa harapan niya si Captain Teodore. "Hanggang ngayon ba wala pa ring nagagawa ang mga tauhan mo?" Director Natividad was upset. Nanginginig ang mga kamao niya habang nakatuon ito sa magulong desk. "Alam mo na kung anong mangyayari at anong kaya kong gawin kung hindi ninyo maibabalik sa akin ang anak ko." It was not a threat. It was something more than that, alam iyon ni Captain Teodore.

***

Nababalot ng dilim ang maliit na bahay at malamig ang hangin na pumapasok mula sa bintana.

Sinamantala ni Jiwon ang pag-alis ni Ariel Manabat. Gamit ang itinago niyang kutsara, pilit niyang inabot ang backpack niya na basta na lamang nakalapag sa lupang sahig hindi kalayuan sa kanya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagawa niyang abutin ito. Basta na lamang niyang inihulog ang mga laman sa mattress. Hinanap niya ang kanyang cellphone, ngunit hindi niya iyon natagpuan. Naghanap siya ng bagay na maaaring makabukas ng padlock sa kadena. She found one hairpin and a little box na may lamang keychain. It was Kit's gift to her. Balak niya sanang isauli iyon sa binata ngunit hindi niya lang nagawa. She immediately took it out of the box at pilit na itinuwid ang stainless na bilog na nagsisilbing tali nito. Nagtamo siya ng sugat sa palad dahil doon, ngunit hindi niya iyon ininda, nagmadali siyang lumuhod at binuksan ang padlock.

After a couple of minutes, nagtagumpay siyang buksan iyon. Tatanggalin na sana niya ang kadena sa kamay, ngunit agad siyang napahinto nang makarinig ng kaluskos mula sa labas.

 Tatanggalin na sana niya ang kadena sa kamay, ngunit agad siyang napahinto nang makarinig ng kaluskos mula sa labas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now