Chapter XXIII

4.3K 171 13
                                    

​As Lieutenant Jiho Lim arrived at Erwin Clamente's place, nalaman niyang kaninang umaga pa ito wala sa bahay

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

As Lieutenant Jiho Lim arrived at Erwin Clamente's place, nalaman niyang kaninang umaga pa ito wala sa bahay. The young lieutenant was anxious, hindi lamang dahil sa nakapagtago na si Erwin kun'di dahil rin sa natangay nito ang batang si Gigi.

​Nang makalabas ng condominium si Lieutenant Lim, sinalubong siya ni Detective Sariin. Kasama ng matandang detective ang buong team ng Violent Crimes Division Unit 1. "Nasa'n na?"

​The young lieutenant sighed as he looked away. "Wala na siya dito."

​"Anak ng teteng! Nakatakas pa ang ugok!" Detective Sariin was disappointed. Sabik na kasi itong dakipin ang suspek upang makauwi na siya sa pamilya niya. Mag-iisang linggo na kasi siyang hindi nakakauwi sa sariling bahay dahil sa trabaho.

​"Ang sabi ng nanay niya, sinamahan daw ni Erwin si Gigi papunta sa burol ni Nenita Clave." Casual na paliwanag ng batang lieutenant. 'Kung tama nga si Jiwon, palagay ko ay itinuloy na ni Erwin ang naudlot niyang plano na pagkidnap kay Gigi. Pero anong motibo niya? Kidnap for ransom? Kung ganoon nga ang nangyari, kanino siya magdedemand ng ransom? Walang mapagkukuhanan ng pera si Delia at Gerald Clave. Bankrupt ang business ni Jophet Clave. Patay na ang lola ni Gigi. Ang natitira na lang ay... si Wilson Nestor.'

​Detective Sariin looked at the whole team. "Ano pang hinihintay natin? Funeral home na pinagbuburulan ni Nenita Clave! Kilos!" He was about to get inside the car, ngunit nakalock ang pinto. Nakita niyang si Lieutenant Lim ang nakasakay sa driver's seat. "Lieutenant! Anong ginagawa mo? Buksan mo 'tong pinto!" His eyes widened nang bigla na lamang itong humarurot ng takbo. He looked around, nakaalis na rin ang mga sasakyan ng iba pa niyang kagrupo. Naiwan siyang mag-isa sa harapan ng JV Condominium, screaming out his frustration.

​Nakarating si Lieutenant Jiho Lim sa Mallen Restaurant sa loob lamang ng ilang minuto, dahil kinabitan niya ng police siren ang kotse upang makadaan sa gitna ng trapik. One of his team members informed him na wala nga sa funeral home si Erwin Clamente at Gigi Nestor. He expected that anyway, kaya naman nang makapasok siya sa restaurant ay agad niyang hinagilap si Wilson Nestor.

​The middle age man, Wilson, is currently talking on the phone nang mapansin nitong papalapit sa kanya ang batang Lieutenant. Nanginginig niyang ibinaba ang telepono at hinarap ang binata. He looks scared at nahihirapan itong magsalita.

​Kinutuban na ang batang lieutenant. "Si... Erwin Clamente ba ang kausap mo?"

​"Ha... hawak niya si Gigi. Kinidnap niya ang anak ko!"

***

​"Jiwon... tumawag na lang tayo ng mga pulis! Pa'no kung may baril 'yung kidnapper? Baka mapahamak pa tayo! Hindi pa tayo nakakagraduate! Hindi ko pa naaabot ang pangarap ko! Pa'no na tayo ikakasal? Pa'no na lang 'yung pinaplano kong future natin? 'Yung magiging anak--" Otomatikong tumigil sa kadadada si Kit Buendoza nang tingnan siya ng masama ni Jiwon Natividad. Parang isang kuting na nagtago at tumungo ito sa likuran ng dalaga. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa backpack ni Jiwon at rinig na rinig niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

LOHIKA [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora