Part 2

1.1K 33 2
                                    

HINDI naman maiwasan ni Xaniel mapabuga ng hininga at umiling-iling habang hinihilot ang sentido. Here they go again. Nakaupo siya sa swivel chair habang nakasandal ang ulo sa back rest at niraratrat na naman siya ng kanyang secretary slash half-sister, Elshiah. Hindi niya alam kung bakit hindi ito nagsasawang pagalitan siya tuwing dumadaan siya rito sa opisina niya sa Xaniels Restaurant. Wala naman siyang sawang ipasok sa kabilang tainga at ilabas sa kabila ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Elshiah.

"Xaniel!" bulyaw nito sa kanya. "Nakikinig ka ba sa akin?!"

"Hindi," diretsahang sagot niya. "Magsawa ka naman kakabulyaw sa akin, Els. Hindi ka ba nagsasawa?" Tinuon niya ang pansin sa apat na folder na nakapatong sa office table niya at binasa ang sales report nila nitong nakalipas na apat na buwan.

"Iyon na nga, e! Hindi ka ba nagsasawa sa pangangaral ko!" sigaw ni Els. "You have your own businesses for Pete's sake! Pero wala dito ang atensyon mo! Pilit mong sinisiksik ang sarili mo sa DBS! Kailan ka ba mag-i-stay dito?!"

"Never," walang ganang sagot niya.

He heard Els groaned in frustration. "Napapagod na ako mag-isa! Doble trabaho ko dahil sa ginagawa mo! Sekretarya lang ako pero trabaho ko doble ng pang-CEO!"

He chuckled. Tumayo siya at mabilis na kinulong sa mga bisig niya ang kapatid. "Ah, don't be mad na, Sis. Sorry na. Babawi na lang ako next time. Alam mo naman ayoko talaga nag-i-stay dito sa restaurant."

Mahinang tinulak siya nito pero hindi niya hinayaang makaalis sa yakap niya. "I hate you. Isusumong kita kay Mommy! Inaalila mo ako sa business mo!"

"You can't do that. Mom will be mad at me and I know you love me so you will not let Mom mad at me as well," nakangiting sabi niya.

Els groaned and pushed him away. "I hate you!"

"I love you, too, Sis." Hinalikan niya ito sa noo. "I just came by to check you out. Enjoy being the CEO. Alis na ako. Ipadala mo sa Bar and Grill ang mga dapat kong asikasuhin. Bye." Hindi na niya hinintay na kumontra ang kapatid at mabilis na lumabas siya ng opisina niya.

"Xaniel!" narinig pa niyang tawag nito pero hindi na niya pinansin.

Mabilis na sumakay siya ng kanyang kotse nang makalabas ng Xaniels Restaurant and mabilis na pinaharurot iyon papuntang DBS Building along Raffles Place. Pagkarating niya sa lugar, agad naman siyang binati ng babae sa front desk na agad niyang ngnitian. Habol naman niya ang elevator nang makita niyang papasara na ang pinto. Mabilis na pinangharang niya ang kamay na agad namang binuksan ulit ng sakay niyon. Napakurap-kurap naman siya nang makilala ang nag-iisang babae sa loob ng elevator. He didn't expect her here, at this moment. Walang imik na pumasok siya sa loob ng elevator. Sinarado na niya ang pinto at akmang pipindutin ang floor kung nasaan ang office ni Lyndon nang makitang nakailaw na ang numero.

Hindi naman niya naiwasang mapatingin sa kasama sa loob ng elevator. Nakatungo ito at parang balisa. Napansin niya rin ang magkasaklob na mga kamay nito ay paminsan-minsan ay kinukuyom ang mga kamao. He knows that the girl noticed her earlier bago siya pumasok sa loob ng elevator dahil nagtama ang mga mata nila at kitang-kita niyang ang gulat sa mga mata nito.

"Rodlyn, right?" he cut the awkward aura inside the elevator.

Bigla naman itong napalingon sa kanya na agad namang binawi nang magtama ulit ang mga mata nila. "Y-Yeah."

"Crystal's cousin. Anong ginagawa mo dito?" usisa niya.

"I-Interview," nauutal na sagot nito.

Napatango-tango siya. "Nervous?"

Nakita niyang humakbang ito ng isa palayo sa kanya. "M-Medyo."

"Huwag kang kabahan. Hindi naman nangangain si Lyndon. Saan ka nag-a-apply? Which department?" Hindi niya alam pero gusto niyang mawala ang kaba ni Rodlyn na halatang-halata niya sa pagkakautal nito.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon