Part 19

732 19 0
                                    

"HINDI porket ikaw ang department head, e, ikaw na rin ang magdedesisyon kung anong oras ako papasok."

Hindi maitago ni Rodlyn ang kilig na nararamdaman habang tinatahak nila ang kahabaan ng Pan Island Expressway. Isang ngiyi ng pilit na sumisilay sa kanyang mga labi habang nakatanaw sa mayayabong na puno sa gilid ng kalsada. Xaniel was driving and she's in the passenger's seat.

"Wala ka namang magagawa kung hindi ko idiretso ng DBS itong sasakyan ko," ani Xaniel.

Sinamaan niya ito ng tingin. Xaniel used to fetch her every morning and drive her to DBS.  Kaso laking gulat niya nang lagpasan lang nito ang building ng kumpanyang pinagtatrabahuhan sa kahabaan ng Rapples Plaza at diretso ang sasakyan hanggang sa Esplanade Avenue.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" usisa niya. Hindi na siya mapakali habang nanahimik si Xaniel sa driver's seat. At hindi na mapakali ang puso niya sa sobrang kaba.

"We're here."

Napakurap-kurap na lamang siya nang titigan niya ang dalawang palapag ng Xaniels Restaurant. Napapitlag naman siya nang biglang bumukas ang pinto ng passenger's seat. Hindi niya namalayang bumaba na pala si Xaniel at umikot sa puwesto niya para pagbuksan siya ng pinto.

"Sasaglit tayo," ani Xaniel nang abutin nito ang kamay niya at igiya siya papasok ng restaurant.

Hindi naman niya maiwasang ma-insecure sa gandang taglay ng babaeng sumalubong sa kanila ni Xaniel pagkapasok nila ng restaurant. Mukhang hindi pa siya nito napapansin mula sa likuran ng huli nang walang habas na batuhin nito si Xaniel ng isang ledger. Halos manlaki naman ang mga mata niya nang makaiwas si Xaniel at bumagsak sa harapan niya ang lumipad na ledger.

"That's how we bond," komento ni Xaniel nang lingunin siya nito mula sa likuran at mukhang napansin ang gulat na bumalatay sa kanyang mukha.

Napalunok naman siya nang muli niyang angatin ang paningin ay may manghang expresyon ang babaeng kanina lang ay nambato ng ledger kay Xaniel.

"Sasaglit lang ako, Els. Dalhin mo sa office ang mga pipirmahan ko," saad ni Xaniel sabay hila sa kanya sa opisina nito.

Kusang pumalibot sa buong opisina ang kanyang mga mata nang bitawan siya ni Xaniel at nagtuloy-tuloy ito sa swivel chair na mukhang dati na nitong inuupuan.

"Are you Xaniel's girlfriend?"

Gulat na napalingon naman siya sa kanyang likuran nang marinig niya ang malamyos na tinig ng babae kanina na sinalubong sa kanila sa magandang pagkakataon.

Nginitian niya ito nang nagtuloy-tuloy ito at pabalag na binagsak sa mesa ni Xaniel ang mga hawak na makakapal na folder.

"Huwag mo siyang takutin." Nakita niya ang matalim na tingin ni Xaniel sa babae nang unti-unti itong lumapit sa kanya.

Pero mukhang hindi talaga nakikinig ang babae kay Xaniel. Nagtuloy-tuloy ito sa kanya at halos hindi naputol ang tingin nito sa kanya.

"Girlfriend ka ni Xaniel?" ulit nito sa tanong sa kanya kanina.

Napalunok naman siya bago nakasagot. "O-oo."

"Oh my god!" biglang hiyaw nito at mabilis na niyakap siya ng mahigpit. "Sa wakas! Nakapagbitbit rin siya ng kasintahan dito!"

"Els," pigil ni Xaniel sa babaeng yumayakap sa kanya ng mahigpit.

Pero sa pangalawang pagkakataon, hindi ito pinansin ni 'Els'. Nilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Elshiah, Xaniel's sister."

Pigil niyang magulat sa pagpapakilala ng babae. She doesn't aware that Xaniel has a sister.

"R-Rodlyn," pagpapakilala niya sa sarili.

Hindi maalis-alis ang isang malawak na ngiti sa mga labi ni Elshiah at halata sa mukha nito na tuwang-tuwa na makilala siya. At mukhang dapat niyang ikatuwa iyon.

"This is the first time that Xaniel brought a girlfriend here." Pinunasan ni Elshiah ang noo gamit ang palad kahit na aircon naman ang opisina. "Akala ko wala na siyang balak mag-girlfriend, e. Akala ko tatanda akong ako ang magpapaalala sa kanyang hindi siya tumatandang paurong."

Napangisi naman siya sa sinabi nito.

"Tumigil ka nga, Els." Kahit na abala ang kamay ni Xaniel sa pagpirma sa tambak na papel na nasa harapan nito ay nagagawa nitong agawin ang atensyon niya.

"Huwag mo siyang iiwan." There is seriousness in Elshiah's voice. And her skin hair raised for that. Pakiramdam niya ay hindi iyon paalala kundi isang babala.

Ngumiti siya rito ng pilit. "O-oo."

Nagulat naman siya nang bigla siya nitong yakapin. And she met Xaniel's eyes behind Elshiah. Nag-thumbs up naman siya dito para iparating na okay lang siya kahit sobrang higpit ng yakap ng kapatid nito sa kanya.

"May anger management problem si Xaniel. Please, bear with him."

Ang thumbs up na binigay niya kay Xaniel ay naiwan sa ere sa bulong na iyon ni Elshiah sa kanya. Mukhang naiintindihan na niya kung bakit bigla siya nitong niyakap. At mas lalo niyang napatunayang hindi paalala ang pinapahiwatig ng boses ni Elshiah, kundi isang babala.

She met Xaniel's eyes. And even with Elshiah's warning, her heart is still determined to love and understand the man she was looking at.

Isang ngiti ang binigay sa kanya ni Elshiah nang bitawan siya nito. She even blinked her eyes to her. Hindi rin naman pala mahirap pakisamahan ang kapatid ng kanyang kasintahan.

"I'm done." Sabay silang napatingin kay Xaniel nang tumayo na ito at lumapit sa kanya. Hinila na siya nito palapit sa pinto. Nahinto naman ang kamay ni Xaniel sa paghawak sa doorknob nang magsalitang muli si Elshiah.

"Mom is going home next week."

Nagpalipat-lipat naman ang tingin niya sa pagitan ng magkapatid nang makaramdam siya ng hindi magandang awra sa paligid.

"I told here that you're going to visit her."

Napalunok naman siya nang sa kanya natuon ang mga mata ni Elshiah. At hindi niya gusto ang mga ganoong titig.

"I'm not going."

Gulat na napalingon siya kay Xaniel dahil sa boses nitong kinabakasan ng inis. Napatingin naman siya sa kamay niyang hawak ni Xaniel dahil naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kanya.

"Puwede mong isama si Rodlyn. Mom will be glad to see you both." Ang ngiti ni Elshiah ay mas lalong nagpakunot sa noo ni Xaniel.

"We are not going!"

Napasinghap siya nang tumaas ang boses ni Xaniel. At halos makaladkad siya nang talikuran nito ang kapatid at walang paalam na lumabas ng opisina habang hila ang kamay niya. But before they could totally leave the office, she looked at Elshiah. At nabasa niya ang salitang namutawi sa mga labi nito nang magtama ang mga mata nila.

Elshiah's lip mouthed please.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें