Part 17

755 24 0
                                    

HALOS mabingi si Rodlyn sa tiling umalingawngaw sa opisina ni Katrina. As usual, dinukot na naman siya nito kasama pa ang pinsan niyang si Crystal. At ang kaninang hindi mapakaling mga butete ay naging mga bulateng sinabuyan ng asin nang aminin niyang sila na nga ni Xaniel.

And yes, they are officially a couple! Well, kung 'yung ultimate crush mo ba naman ang magtanong kung puwede kang maging girlfriend nito, sino bang baliw na tatanggi, 'di ba? Oops, minus sa story ang kiss na pinagsaluhan nila kaya halos pigil niya ang sarili na ikuwento ang buong pangyayari.

"Sinabi sa akin ni Lyndon na nagpahatid si Xaniel sa Stevens Station," kuwento ni Katrina. "So, that means ikaw agad ang pinuntahan niya right after they landed back here in Singapore."

"I'm so happy for you, my baby girl!" bati ni Crystal na kinikilig pa sabag yakap sa kanyang mahigpit. "It is really worth the Fridays we spent on his bar and grill!"

Natawa naman siya sa huling sinabi ng pinsan. Yeah, si Crystal nga ang lagi niyang nahihila tuwing pupunta sa bar and grill ni Xaniel.

"We should celebrate!" biglang agaw ni Katrina. "Well, finally, Xaniel has a girlfriend in his thirty years of existence and successful love story of Rodlyn to have her crush!"

Mukhang hindi niya gusto ang suhestyong iyon ni Katrina. Pero ang magaling niyang pinsan agad na sinakyan ang planong iyon ni Katrina.

"Sagot ni Xaniel!" natatawang banat ni Crystal. "Since, siya itong may bar and grill, siya na rin sumagot!"

"Sasabihin ko kay Lyndon na sabihin kay Xaniel," ani Katrina.

Halos hindi siya makapaniwala habang nakatitig sa dalawang babae sa harapan niya na nagpaplano na ng lakad na ang 'boyfriend' niya ang may sagot. Mukhang wala talaga silang takas sa celebration na binabalak ng mga ito.

Iiling-iling na lamang siya habang naglalakad sa hallway ng DBS. Iniwan na niya ang dalawang babaeng mas excited pa sa kanya sa relasyon na mayroon na sila ni Xaniel. Hindi naman maitatago sa kinang ng kanyang mga mata at ngiti sa labi ang sayang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Having Xaniel in her life and be officially his girlfriend are worth celebrating for. Sa tatlong taon na patagong pagsulyap niya dito, sa wakas ay nagbunga rin ang paghihintay niya na mapansin siya nito.

"Ngumingiti ka mag-isa d'yan?"

At halos mabitawan niya ang tasa ng kapeng tinimpla. Hindi niya namalayang nakasunod pala sa kanya si Xaniel hanggang sa pantry. Tinulungan naman siya nitong punasan ang kamay niyang natapunan ng kape. Mabuti na lamang ay hindi ganaanong kainit ang tinimpla niya.

Hindi naman niya nahulaan ang sumunod na ginawa ni Xaniel matapos nitong punasan ang kamay niya. Mabilis na siniil nito ng halik ang kanyang mga labi kaya nang pakawalan siya nito ulit ay halos panlakihan niya ito ng mga mata.

"May makakita sa atin!" singhal niya dito sa mababang boses.

"Who cares?" Nagkibit-balikat lamang ito sa kanya. Sumandal naman ito sa pantry at walang pasintabing kinabig ang bewang niya at niyakap siya ng mahigpit. Pinatong nito ang ulo sa kanyang balikat at pinagsiksikan ang mukha sa kanyang leeg. "You're mine."

Mabuti na lamang ay hindi nakikita ni Xaniel ang kilig na bumalatay sa kanyang mukha at ang ngiting halos hindi na niya mapigilan. Naramdaman naman niya ang mas lalong paghigpit ni Xaniel sa pagkakayakap sa kanya.

Mahinang hinampas niya ang likod ni Xaniel. "May CCTV. Baka may makakita sa atin."

"Nasa office ko ang monitor ng mga CCTV sa Creative Department."

Mukhang wala na talaga siyang idadahilan upang bitawan siya nito. Lahat ay may dahilan ang kanyang 'boyfriend'.

Inangat naman na ni Xaniel ang mukha upang magtama ang mga mata nila ngunit hindi pa rin nito tinatanggal ang mga kamay sa pagkakaikot sa bewang niya.

"Ako maghahatid sa'yo mamaya at sa mga susunod na araw. Pati sundo." Hinawi nito ang buhok na humarang sa kanyang mukha at iniipit iyon sa likod ng kanyang tainga.

Tumango-tango siya. "Okay. Sabihin ko kay Crystal na huwag na niya akong sunduin."

"Okay," ani Xaniel. "Magpakain daw ako sabi ni Lyndon."

Napakurap-kurap siya sa huling sinabi ni Xaniel. Hindi niya akalain na ganoon kabilis mapaparating ni Katrina sa asawa nito ang balak nito.

"Ikaw?" aniya. "Papayag ka ba?" Hindi niya mapigilan ang tawang gustong umalpas sa kanyang bibig. Naaalala niya ang naging usapan nila nina Katrina at Crystal. Paniguradong sasamantalahin ng mga ito once na pumayag si Xaniel.

"Why are you laughing at me?" nakangiting tanong ng kanyang boyfriend.

Umiling-iling siya. "Wala pa akong sahod, e," biro niya. "So, it means, ikaw lang sasagot ng lahat ng gusto nila."

Natawa naman si Xaniel sa dahilan niya. "I-advance natin."

"Hala!" reklamo niya. Nahampas pa niya ang balikat nito. "Hindi puwede! May buwanang hulog ako para sa apartment. Baka mapalayas ako kapag hindi ako nakapaghulog."

"E, 'di tumira ka sa unit ko kasama ako."

Namayani ang katahimikan ng ilang sandali sa pagitan nilang dalawa. Hindi naman niya mabasa ang mukha ni Xaniel kung seryoso ito sa sinabi nito.

"Seryoso ako."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Saka na lang muna siguro. We are just starting."

Nabasa niya ang disappointment sa expression ni Xaniel. Tumango-tango ito at ngumiti sa kanya pero kita niyang hindi iyon umabot sa mga mata nito.

"Okay," pagsang-ayon nito.

Pakiramdam naman niya ay malaki ang nagawa niyang kasalanan dahil parang nag-iba ang awra nito sa kanya.

Hinawakan naman nito ang kamay niya at dinampian iyon ng munting halik. He even looked at her after, with full of hope, maybe. "Alam kong nakarating na saiyo ang balitang ikaw ang kauna-unahang babae sa buhay ko. Alam kong madaldal si Katrina kaya babanggitin niya iyon sa iyo."

Napuno ng kaba ang dibdib niya sa mga sinasabi ni Xaniel.

"Kung masyado kitang minamadali, I'm sorry. But I just want you to be the first and last woman in my life." He cupped her face. "I don't even know what you have done to me pero isa lang ang nakikita ko ngayon, ang makasama ka habangbuhay."

Xaniel kissed her forehead. "I don't even getting any younger."

She hugged him, tightly. And she felt him did the same. 

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon