Part 15

720 22 0
                                    

PIKIT pa ang mga mata ni Rodlyn nang bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa sofa. Nilamukos pa niya ang mga mata habang umikot sa sala papunta sa main door. Kanina pa may nagdo-doorbell. Binuksan niya ang pinto nang hindi man lang tinitingnan ang nanggulo sa kanyang mahimbing na pagtulog.

"Crystal, kakagising ko lang," aniya habang hihikab-hikab na tumalikod at dumiretso sa kanyang kuwarto. Alam naman niyang papakialalaman lang naman ng kanyang pinsan ang kusina niya kaya hinahayaan niya lang ito.

Pinagmasdan niya ang sarili sa human size mirror sa kanyang cabinet. "Nakatulog pala ako sa sofa kagabi. Ni hindi ako nakapagpalit," kausap niya sa sarili habang pinagmamasdan ang loose white shirt na suot na punong-puno ng mantsa ng iba't ibang kulay ng pintura.

Akmang bubuksan niya ang cabinet upang kumuha ng formal dress na hinanda na naman niya kahapon para sa presentation nila sa araw na iyon nang mapadako ang mga mata niya sa wall clock. Biglang kumunot ang noo niya.

Mag-a-alas kuwatro palang ng madaling araw.

Halata ang gulat sa mga mata niya nang mapadako ang mga mata niya sa nakasarang pinto ng kanyang kuwarto.

"Oh my god!" hiyaw niya. "Sinong pinagbuksan ko ng pinto?!" Nasapo niya ang mukha sa takot na nararamdaman. Crystal used to fetch her every eight o' clock in the morning and not four o' clock midnight.

Mabilis na tinakbo niya ang bedside table at kinalkal ang pinakababang drawer. There, she found a pair of scissor. As if, magagamit niya iyon bilang self-defense sa kung sinomang napagbuksan niya kanina.

Kung bakit kasi naging panatag siyang si Crystal ang napagbuksan niya! And hell, why she doesn't have a wall clock in her sala! Ni hindi niya tuloy nakita kung anong oras na!

Hinanap niya ng cellphone sa kanyang kama pero napahinto rin siya nang maalala niyang naiwan niya sa studio ang cellphone dahik nandoon ng kopya ng canvass na ginawa niya kagabi.

Shit, Rodlyn! Dumadagundong na ang puso niya sa takot. Napatitig naman siya sa pinto. Kagat-labing lumapit siya roon at nginig ang kamay na hinawakan ang doorknob. Sa kabilang kamay naman ay hawak niya ang gunting na hinalungkat sa drawer kanina.

Maygad! May presentation pa ko mamaya! At gusto ko pang makita si Xaniel! Maluha-luha siya habang kung anu-ano nang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na iyon. That day is Xaniel's flight back to Singapore. At gustong-gusto na niyang makita ang binata.

Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob. Una niyang nilabas ang ulo at sinilip ang sala. Hinanap ng kanyang mga mata ang sinumang walanghiyang nanamantala ng antok niya kanina at tumuloy sa loob ng apartment niya. Ngunit wala siyang nakita. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang kuwarto at sinigurado niyang wala siyang nagawang ingay habang nakaamba sa kanang kamay niya ang gunting na mukhang walang talas.

Walang tao sa sala. Lumingon pa siya sa kanyang likod upang masiguradong walang bigla-biglang babaril sa kanya mula sa likuran. Nagtuloy-tuloy siya hanggang sa maliit niyang kusina ngunit wala ring tao roon. Mukhang nakapagtago na ang intruder niya.

Napa-sign of the cross na lamang siya at ang sambit ng maikling dasal. Ayaw pa niyang mamatay sa araw na iyon. Gusto pa niyang makita si Xaniel.

Napatingin siya sa main door. Dahan-dahan siyang naglakad palapit doon. Pinihit niya ang doorknob at marahan na binuksan iyon. Wala naman siyang nakitang kakaibang kilos sa labas ng apartment. Medyo madilim kaya agad niyang sinara ang pinto.

But the moment she closed the main door, she felt a hand circled on her waist. And just one thing she knew what to do. Umalingawngaw ang isang malakas na tili sa kabuuan ng kanyang apartment. At mas lalong binalot ng takot ang dibdib niya nang paikutin siya ng kung sinumang humawak sa kanyang bewang. Pikit ang mga matang pinaghahampas niya ang dibdib nito.

"Mukha na ba akong nakakatakot---."

Hindi na naipagpatuloy ng intruder niya ang sasabihin nang isang sampal ang naibigay niya sa kanang pisngi nito. At sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya ay nagising siya ng boses na iyon.

She opened her eyes and guiltiness ran over her eyes. Bigla niyang nasapo ang bibig ng sariling mga palad habang hinihimas-himas ni Xaniel ang pisnging nasampal niya.

"I'm sorry," agad niyang saad. Gusto niyang hawakan ang pisngi nito ngunit naunahan siya ng takot. "Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi kung sinong nakapasok ng apartment ko. Sorry."

Xaniel looked at her. At hindi niya alam kung galit ba ito sa nagawa niya.

"Pinagbuksan mo kaya ako?" anito sa mababang boses.

"Yes," aniya. Hindi siya mapakali. "Pero akala ko kasi si Crystal. Minsan kasi sinusundo niya ako tuwing umaga. Sabay kaming pumapasok." Hindi niya alam kung paanong paliwanag ang gagawin niya.

Napailing-iling si Xaniel. "Ibig sabihin kapag may nag-doorbell, pinagbubuksan mo agad? Paano kung hindi ako 'yung nag-doorbell kanina?"

Napatungo naman siya sa sinabi ng binata. "Napagod kasi ako kahapon. Hindi ko rin namalayang nakatulog na ako sa sofa."

"Pagod? Nag-overtime ka ba kahapon?" may inis sa boses ni Xaniel.

Mabilis na tiningala niya ito. "Hindi," agad niyang tanggi. "I mean, nag-paint kasi ako kahapon. Hindi ko napansing inabot na ako ng gabi."

"Next time, silipin mo muna kung sinong nagdo-doorbell at huwag kang basta-basta nagbubukas ng pinto," ani Xaniel. "And why are you still wearing such kind of shirt? Akala ko nagpalit ka na kaya ka pumasok ng kuwarto mo."

At sa pagkakataong iyon ay naalala niyang napadungis niya at napakadumi ng suot niyang damit. Mabilis na napatakbo siya sa kanyang kuwarto na walang paalam na iniwan ni Xaniel sa sala.

Sa oras na naisara niya ang pinto ng kanyang kuwarto, napasandal siya roon at napahawak sa kanyang dibdib na kanina pa kumakabog. And that's what Xaniel could make to her. Her heart is beating abnormal.

Mabilis na nag-ayos siya ng sarili. This is the most embarrassing moment of her with Xaniel. He saw her with such kind of shirt. At huwag niyang kalimutang naka-shorts lang siya. Isang ipit na tili ang pinakawalan niya sa kanyang bathroom.

Nakakahiya! Nasampal ko pa siya!

Hindi na niya alam kung ano pang pagmumukha ang ihaharap niya sa binata. And he is actually in her sala.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang