Part 3

921 29 5
                                    

HALOS KALADKARIN ni Rodlyn ang sarili niya makarating lang ng lobby ng DBS Trend Magazine building. Laking gulat naman niya nang may biglang may humila sa kanyang braso at walang pakundangan siyang itulak papasok ng elevator.

"Girl! Ano bang nangyayari sayo! Kanina ka pa hinahanap ni Xaniel! May meeting ang team niyo!" sigaw sa kanya ni Crystal.

Inayos niya muna ang nagusot na damit. Mariin naman niyang naipikit ang mga mata. Ayaw niyang salubungin ang sermon sa kanya ng kanyang pinsan. Ang walanghiyang alarm clock niya, hindi siya ginising ng maaga! Kasalanan talaga ito ng alarm clock niya! Naku! Kapag na-disappoint sa kanya si Xaniel, bubugbugin niya talaga ang alarm clock na iyon hanggang sa magkapira-piraso!

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "H-Hindi ko narinig ang tunog ng alarm clock ko."

Pinanlakihan naman siya ng mga mata ni Crystal. "You are an hour late, Rodlyn! Bawas na ito sa sahod mo, bawas points pa kay Xaniel! Paano ka mapapansin niyan!"

Napanguso naman siya sa sinabi ni Crystal. Napabuntong-hininga na lamang siya. Wala pa ngang points, negative pa.

Agad naman siyang napasunod nang hawakan siya ni Crystal sa kanyang braso. Halos lumabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya nang tumigil sila sa tapat ng pinto Creative Department.

Sumenyas si Crystal na buksan na niya ang pinto. Pinanlakihan pa siya ng mga mata nito nang umiling-iling siya. "Buksan mo na. Late ka na!" mahina pero may tinis ang boses nito.

Ngunit naiwan naman sa ere ang kamay niya nang akma niyang hahawakan ang doorknob ng biglang bumukas ang pinto. Halos mapigtal ang paghinga niya nang tumambad sa harapan nila si Xaniel. Hindi naman ito nagulat nang madatnan sila pero siya ay parang natuod sa kinatatayuan niya. Hindi siya nakapagsalita at halos hindi niya mabawi ang tingin sa guwapong mukha ng binata.

"Oh," ani Xaniel. "Finally, you're here. You're late. Samahan mo na sila. Nag-be-brainstorm na sila para sa next magazine issue." Hindi na nito hinintay ang sagot niya bagkus ay tuloy-tuloy itong lumabas ng kwarto. Nakailang metro na itong hakbang nang huminto ito at lumingon ulit sa kanila.

Pero halos pagsakluban ang puso niya nang hindi siya ang tinawag nito kundi ang pinsan niya.

"Crystal, may meeting tayo sa opisina ni Lyndon. Bilisan mo. Baka ma-late ka rin."

"Sige, susunod na ako," balik ni Crystal kay Xaniel. Pagkaalis ng huli ay siya naman ang pinagtuunan ng pansin ng pinsan. "Iyan kasi! Next time mag-alarm ka ng limang orasan! Sige na pumasok ka na. Baka hinahanap na ako ni Katrina. May meeting pala kami."

Nakangusong tumungo-tungo siya. "Salamat." Pero bakas sa mukha niya ng lungkot. Walang emosyon kanina si Xaniel ng makita siya. Mukhang disappointed nga sa kanya ang binata. Isang oras ba naman siyang late! Sinong matutuwang boss 'nun?!

"Cheer up, girl! Agahan mo na kasi next time," pang-aalo sa kanya ni Crystal. "Kita na lang tayo mamaya. Bye."

"Bye." Sinundan na lamang niya ng tingin ng pinsan hanggang sa makaliko ito. Malungkot ng mukha niyang pumasok ng Creative Department.

Napabuntong-hininga na kamang siya. Paano kaya siya makakabawi ngayong araw?

INUBOS LANG ni Rodlyn ang buong maghapon niya sa kakaisip kung paano makakabawi sa pagkaka-late niya kanina. Pilit niyang tinuon ang isip sa mga lay-out na binigay sa kanya kanina ng team leader niya pero pagkakatapos ay agad na ang mukha ni Xaniel na walang emosyon ang naglalaro sa kanyang utak.

Napanguso at napabuntong-hininga na lamang siya habang nakaharap sa computer. Bakit ba hindi mawala-wala sa isip niya ang lalaking iyon?! Ganoon na ba talaga kalalim ang pagkakagusto niya kay Xaniel? Akala niya magiging malapit na siya dito kapag nagtrabaho na siya sa DBS. Iisang mundo na lamang ang gagalawan nila. Pero mukhang palpak pa ata niya. Wala pa siyang nagagawang matino sa paningin nito.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon