Part 11

740 18 0
                                    

GULAT na lamang si Rodlyn na sa isang iglap lang ay nasa loob na siya ng opisina ni Katrina. Ang tanging naaalala lamang niya ay naglalakad siya sa hallway ng DBS nang may isang brasong humawak sa kamay niya at walang habas na hinila siya sa loob ng isang kuwarto.

Hindi pa rin niya alam kung anong nangyayari hanggang sa mga mukha na lamang nila Crystal at Katrina ang tumambad sa kanya na may mga pilyong ngiti.

"So, what happened last night?"

Isang inosenteng ngiti ang binigay niya sa dalawang babaeng nasa harapan niya na mukhang hindi siya tatantanan hanggat hindi siya umaamin.

"Wala naman." Pilit niyang iniiwasan ang anumang topic na gustong pag-usapan ng dalawa kahit na alam naman niyang hindi siya makakalabas ng opisinang iyon hanggat hindi siya nagkukwento.

Humarap naman si Crystal kay Katrina na nakaupo sa swivel chair nito.

"Si Xaniel kaya pagchismisan natin? Mukhang hindi makukwento itong nadukot natin, e," suhestyon ni Crystal kay Katrina.

Ngumiti ng pilyo naman ang huli. "May meeting pala tayo mamaya. Isabay na rin natin ang panggigisa kay Xaniel."

"Huwag!" agad niyang sabat. Dalawang pares ng malisyosong mga mata ang natuon sa kanya.

"So, ano nga? Kuwento na," pilit ni Crystal.

"Kayo na?" agad na sabat ni Katrina.

Marahas na umiling-iling siya. "Hindi!"

Parang naluging bumagsak ang mga balikat ng dalawa.

"Bagal naman ni Xaniel," komento ni Katrina. Kinuha nito ang mga papel sa ibabaw ng office table nito at pinasadahan ito ng tingin. "Kapag babagal-bagal siya, baka maunahan pa siya."

"Mukhang pagong talaga ang tropa ng asawa mong iyon," dugtong ni Crystal.

Napangiwi naman siya sa mga komento ng mga kasama niya. "Hindi naman." Pero hindi niya rin alam kung paanong pagtatanggol ang gagawin niya para sa lalaking tinitibok ng puso niya.

Oops! Bigla niyang kinastigo ang sariling damdamin. Ano na nga ba para sa kanya si Xaniel? Mukhang lalong lumalago ang simpleng paghanga niya para sa binata at mukhang delikado iyon para sa kanya.

"Pinagtatanggol pa," tudyo sa kanya ni Crystal.

"Huwag kang mag-alala, pagsasabihan ko si Xaniel," nakangising saad ni Katrina.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ng huli. "Huwag na!"

"Hindi maganda 'yung nagpaparamdam siya sa isang babae tapos sa huli paaasahin lang pala niya," komento ni Crystal.

"Pero nakakaexcite makita si Xaniel na umaali-aligid sa isang babae." Hindi niya maintindihan o ayaw niyang intindihin ang mapanuksong saad na iyon ni Katrina. "Ever since I met him when we were in college with Lyndon, wala akong nakitang babae na kasama niya. Well, maliban sa kapatid niyang si Elshiah. Maliban sa kanya, wala na. Ni wala siyang naging girlfriend noong college. Or baka nga hindi pa nagkaka-girlfriend ang tahimik na lalaking iyon, e."

Gustong matuwa ng puso niya sa sinabing iyon ni Katrina. Nahiling niya na sana totoo ang sinasabi nito.

"Well, sabi mo nga tahimik, baka hindi lang pinaalam sa inyo noong college pa kayo." Well, ang mahusay niyang pinsan, panira talaga ng damdamin.

"Hindi naman siguro. Bakit naman niya itatago sa amin iyon?" Malaki ang pasasalamat niya sa pagtatanggol ni Katrina kay Xaniel. "Hindi naman niya tinatago ang pagyaya niya ng date kay Rodlyn. Actually, he asked Lyndon what is the best way to ask a girl for a date. And he honestly told us that he wants to date Rodlyn."

Hindi lang siya natulala sa inamin ni Katrina, maging ang pinsan niyang si Crystal ay natahimik. Ang mukha niya'y hindi malaman kung anong magiging reaksyon sa ginawang iyon ni Xaniel.

Mukhang nahalata naman ni Katrina ang gulat nilang dalawa. "Well, he texted me and Lyndon last time when we went for dinner after work."

Napailing-iling na lamang si Crystal na hindi pa rin makapaniwala. "Don't tell me, Mhike also knew about this?"

Natawa naman si Katrina. "Isa pang malandi ang lalaking iyon, malamang madaming natutunan doon si Xaniel."

"So, it means alam rin ni Mhike?!" hindi makapaniwalang tanong ni Crystal.

Nakangising tumango-tango si Katrina. Nanlaki naman ang mga mata ng pinsna niyang halos hindi makapaniwala.

Samantalang siya naman ay hindi pa rin lubos maisip na ginawa iyon ni Xaniel para lang maging maayos ang first date nila. Hindi niya napigilang sumilay ang isang matamis na ngiti na may kasamang kilig. Halos buong gabing naging sweet sa kanya ni Xaniel. Kung may makakakita lang na iba sa pag-aasikasong ginawa sa kanya ni Xaniel kagabi ay baka isipin ng iba na may relasyon sila.

E, iyon rin naman ang hiling niya 'di ba?

"Iyong isa dito kinikilig ng palihim."

Napapitlag naman siya nang marinig ang boses ni Crystal. Saglit niyang nakalimutan na may mga kasama pala siya.

"O, siya siya, may meeting pa tayo ng ten," pukaw ni Katrina. "Kahit gusto pa nating mag-chismisan, may trabaho pa tayo."

Ngumiti siya sa mga kasama. Nilapitan naman siya ni Crystal at hinawakan sa kanyang balikat.

"I'll support your lovelife. Pero subukan lang ni Xaniel sa saktan ka, matitikman niya ang galit ng pamilya Galorio!"

Gusto niyang matakot sa pagbabanta ng sariling pinsan. Napangiwi na lamang siya sa sinabi nito.

"Tama na iyan, Crystal. Inggit ka lang, e, may lovelife na ang pinsan mo," tuya ni Katrina sa sekretarya.

"Hindi, ah!" agad na tanggi ni Crystal.

"Sus, kapag dumating iyong araw na may mahalin ka na lalaki pero hindi naman katulad ng nararamdaman mo, baka iyakan mo."

"Grabe ka sa'kin, Katrina! Kaibigan ba kita?" reklamo ni Crystal.

Natawa na lamang siya sa bangayan ng dalawang babae sa harapan niya. Nagpaalam na siya sa mga ito at lumabas ng opisina ni Katrina.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Where stories live. Discover now