Part 24

801 21 0
                                    

MABILIS na hinila ni Xaniel ang kanyang kamay pagkabukas palang nito ng pinto ng unit nito sa La Villena Hotel. Usapan nilang sabay silang magdi-dinner but this time on Xaniel's pad.

Hinila siya ng kasintahan hanggang sa dining area nito. Namangha naman ang mga mata niya sa dami ng nakahain sa mesa.

"Ikaw ang nagluto lahat niyan?" tanong niya kay Xaniel.

Inalalayan siya ni Xaniel at pinaghila ng upuan. Umikot naman ito sa katapat niyanv upuan. "Yeah. Sana magustuhan mo."

"Mukha namang masarap," pang-aasar niya dito.

"Mukha lang?" ani Xaniel. "Baka nakakalimutan mong may-ari ng Xaniels Restaurant ang nagluto para sayo niyan?"

Umakto siyang parang nag-iisip. "Sige na nga. Masarap na nga."

Umismid si Xaniel. "Napilitan."

"Hindi, ah!" tanggi niya. "Masarap. Promise."

Matapos ng kanilang hapunan ay sabay silang naglinis ng kanilang pinagkainan. Hindi pa tapos sa pagsasalansan si Xaniel nang tumuloy na siya at naupo sa sofa sa sala. Pilit niyang pinapakalma nag dibdib na kanina pa kinakabahan. Ngayon niya balak kausapin si Xaniel sa hininging pabor ng kapatid ngunit hindi naman niya alam kung paano bubuksan ang usapin tungkol doon.

Napapitlag pa siya nang bigla siyang yakapin ni Xaniel mula sa likuran ng sofa. Natatawa namang umikot ito upang tabihan siya. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha.

"Para ka namang balisa d'yan. Gulat na gulat ka," komento ni Xaniel.

"Huwag mo kasi akong ginugulat ng ganoon!" aniya dito.

Hindi naman siya mapakali sa titig na binibigay sa kanya ng kasintahan. Mataman itong nakatingin sa kanyang mukha kaya hindi niya masalubong ang mga mata nito.

"May problema ba?" maya-maya'y tanong nito. "May gumugulo sa isip mo?"

"Ha?" wala sa sariling tanong niya.

Kumunot ang noo ni Xaniel. "May gusto kang sabihin? Ano iyon?"

"Ha?" aniya sa pangalawang pagkakataon.

"Ha ka ng ha. Halikan kaya kita d'yan."

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Tumawa naman ito dahil sa naging reaksyon niya. Pilit naman niyang hinuhugot ang lakas ng loob habang maganda pa ang mood ni Xaniel. Tumikhim siya upang mawala ang kabang nararamdaman.

"May sasabihin ako." Pilit niyang tinatanggal sa dibdib ang kabang nararamdaman gayong magkasalubong na ang mga mata nila ni Xaniel.

Xaniel also turned serious at that moment. "Kahit ano huwag lang ang makipaghiwalay sa akin."

Tumaas ang kilay niya sa sinabing iyon ng kasintahan ngunit mas nagpokus siya sa agenda niya sa gabing iyon.

"Elshiah visited me this morning."

Kitang-kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ng binata. Naging matigas at mukhang hindi makikinig sa anumang sasabihin niya. Pero wala siyang mapapala kung hindi niya susubukan.

"She asked me to convince you to visit them the day after tomorrow."

Nagulat siya nang biglang tumayo si Xaniel at tinalikuran niya pero bago pa ito makapaglakad palayo ay mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.

"Gusto niya lang namang makapag-ayos kayo ng Mama mo," agad niyang sabi.

"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo, Rodlyn!"

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon