Part 22

784 21 0
                                    

"BAKIT nga pala may portrait ako sa kuwarto mo?"

Xaniel spent the dinner time with Rodlyn on her apartment. He even helped her washed the dishes. Ilang sandali naman siyang naghintay sa sofa dahil nag-ayos muna ng sarili si Rodlyn sa loob ng kuwarto nito. Agad naman niya itong hinila paupo sa kanyang hita nang matapos ito at lumapit sa kanya. Hindi na ito nakapalag pa nang paikutin niya ang braso sa katawan nito upang hindi ito makaalis sa puwesto nito. Agad naman niyang pinagsiksikan ang mukha sa balikat nito at palihim na inamoy ang natural nitong bango.

Naramdaman naman niya ang bilis ng tibok ng puso ng kasintahan sa biglaan niyang tanong dito.

"That's almost three years ago," aniya. "It means you already know me for almost three years?"

Naramdaman niya ang paghawak ni Rodlyn sa kanyang balikat kaya napaangat siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila. He saw guiltiness on her eyes and that made him smile.

"So, nagpanggap ka lang pala na hindi mo ako kilala noong una tayong nagkausap sa bar kasama mo si Crystal?"

Hindi nakatingin sa kanya ng diretso ang kasintahan. "Ah... Eh... Kasi..."

Hinawakan niya ang pisngi ni Rodlyn at pinihit ang mukha nito upang magtamang muli ang mga mata nila. "I even know you for almost three years, too."

Kita niya ang gulat sa mukha ng kasintahan dahil sa pag-amin niya. Mabilis niyang siniksik pabalik sa balikat nito ang mukha niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito.

"Hindi ako tutulungan ni Crystal kapag humingi ako sa kanya ng pabor na ipakilala ako sa'yo," aniya habang nakasubsob sa balikat ni Rodlyn. "Suwapang ang pinsan mong iyon. Dinaig pa ako sa sobrang tapang."

Pabirong hinampas siya ni Rodlyn sa kanyang balikat. "Grabe ka naman sa kanya. Hindi naman ganoon si Crystal. Mabait rin iyon."

"That's why I blackmailed her."

Naramdaman niya ang pagkatigagal ng kasintahan sa huling sinabi niya.

"Y-You blackmailed her?" ngarag na tanong nito.

"Yes," sagot niya. "Kapag hindi niya sinabi ang mga hilig mo, aalisin ko ang VIP access niya sa bar at restaurant ko."

Nagulat pa siya nang bigla siyang itulak nito palayo. Sinalubong naman niya ang nanlalaki nitong mga mata.

"Ibig mong sabihin alam ni Crystal ang lahat simula palang?!" halos hindi makapaniwalang tanong nito.

Mariin niya itong hinila ulit upang magkadikit ang mga katawan nila at halos dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. "May VIP access si Crystal sa bar at restaurant ko. Since, hindi na rin naman siya bago sa akin. Halos limang taon ko nang kasama si Crystal sa DBS. At siya rin ang nakasama namin ni Mhike na mag-asikaso sa DBS nang may problema pang kinakaharap sa kanilang relasyon sina Lyndon at Katrina."

"Kaya pala pansin kong alok lang ng alok sa kanya ang mga waiter mo ng alak sa kanya at hindi siya nagbabayad tuwing paalis na kami!" gulat na saad ni Rodlyn.

Natawa naman siya sa munting realisasyon ng kanyang kasintahan. "That's why she's free to go there everytime na kasama mo siyang pumunta tuwing Friday night at palihim na magnakaw ng sulyap sa akin."

"Hindi, ah!" agad na tanggi ni Rodlyn. "Oh my god! You mean..." napatigil ito sa sasabihin at mukhang naintindihan na ang lahat ng nangyari. "You mean alam mong crush na kita noon pa?! Kahit noong interview-hin mo ko?!"

Pinanggigilan niya ang magkabilang pisngi ni Rodlyn at sa isang iglap lang ay nadampian niya ng halik ang mga labi nito. "I even asked you, right? Kaso hindi ka naman sumagot."

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon