Part 13

759 18 0
                                    

DIRETSO lang ang lakad ni Xaniel nang pumasok siya ng Creative Department.
Hindi na niya kilala ang sarili o mas tama bang sabihing hinahayaan na lamang niya ang sarili na gawin ang anumang tumatakbo sa isip... at sinisigaw ng puso niya. May parte pa rin ng utak niya ang nagtatanong kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na nagawa niya nitong mga nakaraang. Even dating is not his thing but he felt contented and fulfilled when he saw the sweetest smile on Rodlyn's face that night. At mukhang hahanap-hanapin na niya ang mga ngiti nito.

At sa pagkakataong iyon ay wala na siyang pake sa anumang iisipin ng mga tao sa departamento niya. Basta iisa lang ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na iyon.

He immediately grabbed Rodlyn's waist when he passed by her cubicle when she stood up. Naramdaman niya ang gulat sa dalaga nang walang pasintabing hilahin niya ito na para bang walang nakakakita sa kanila samantalang halos sa kanilang dalawa ang dako ng mga mata ng ibang artists ng Creative Department. Tuloy-tuloy niyang hinila ang dalaga hanggang sa makapasok sila ng kanyang sariling opisina. Agad niyang sinara ang pinto nang tuluyan na silang makapasok ng kanyang opisina.

And when he looked at Rodlyn, confusion can read on her eyes. At maging siya ay nagtaka sa sarili kung bakit niya nga ba hinila ang dalaga nang madaanan niya ang puwesto nito.

"M-May kailangan ka ba?" May pagtataka sa boses ni Rodlyn.

Mariin niyang naipagdikit ang mga labi. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

It's now or never.

Sinapo niya ang mga pisngi ni Rodlyn. Kanina pa binabalot ng takot ang puso niya sa balitang hinatid ni Lyndon sa conference room. And he didn't even know what to scare of.

Rodlyn stared at his eyes. At mas lalong nagpabalot sa kanya ng takot ang mga mata nitong nagtataka sa kinikilos niya.

"Promise me one thing." Hindi niya alam kung may karapatan ba siyang humingi ng pabor sa dalaga pero mas lalong hindi siya mapapanatag kung hindi niya ito makakausap.

"A-Ano 'yon?" tanong ni Rodlyn na hindi na makatingin sa kanya ng diretso.

"Tomorrow will be our flight to Philippines," pauna niya. "Hintayin mo ko."

Saglit na napatitig sa kanya si Rodlyn. "Hintayin?"

"Mangako kang hihintayin mo ko," pamimilit niya kay Rodlyn.

"O-okay?"

He smiled at her. "I don't know why I am doing this but just one thing I know I want." He kissed Rodlyn's forehead. "I don't wanna see you with other man beside me. You're mine."




RODLYN makes her next two days busy with paperworks, layouts and proposal. At dalawang araw na rin siyang sabog kakaisip sa iisang lalaking nagpagulo ng puso niya dalawang araw na ang nakakaraan. She could not forget those words of Xaniel that day.

"I don't wanna see you with other man beside me. You're mine."

Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi pero mukhang pasaway ang kanyang mga labi. Isang matamis na ngiti ang umalpas mula roon. Mabuti na lamang ay nasa bahay na siya. Mukhang hindi na rin niya matatapos ang hapunan dahil si Xaniel na ang laman ng kanyang isip. Mabuti na lamang ay wala pa ito sa opisina at walang nanggugulo sa trabaho niya.

Pero hindi rin naman niya maiwasang isipin kung ano na ang ginagawa ng binata sa mga oras na iyon. Dalawang araw na niyang hindi nakikita ang binata at pakiramdam niya ay sobrang tagal na iyon. Mas lalong dumagdag sa pagkabahala niya na sa isipang wedding reception ang dinaluhan nito.

"Siguro may na-meet na siyang ibang babae d'un," pangkastigo niya pero sa totoo lang ay ayaw niya lang amining miss na niya ang binata. Marahas siyang umiling-iling. "Sabi niya hintayin ko raw siya so hindi iyon titingin sa ibang babae dahil alam niyang hinihintay ko siya."

Sa huli, naoabuntong-hininga na lamang siya sa ginagawang pakikipag-usap sa sarili. Bumagsak naman ang balikat niya. Ayaw man niyang aminin ay alam niya sa sariling nami-miss na niya ang binata. Hindi na siya nasanay na hindi makita ang binata kahit sulyap lamang sa isang araw.

"Isang araw na rin na lang naman, babalik na siya dito," pang-aalo niya sa sarili. "Magkikita na ulit kami." Isang ngiti ang sumulyap sa kanyang mga labi.

Tumayo na siya at iniligpit ang mga pinagkainan. Matapos niyang maghilamos ng katawan ay dumiretso na siya sa kanyang kuwarto. Pikit na niya ang mga mata nang bigkang tumunog ang cellphone niya na nasa ibaba ng bedside table. Tamad at halos antok na siya nang abutin niya ang cellphone. Kunot ang noo naman nang makitang unregistered number ang tumatawag pero biglang kumabog naman ang dibdib niya sa kaba nang ma-realize na overseas ang number.

"H-Hello?" aniya nang sagutin ang tawag. Halos pigil niya ang hininga habang hinihintay ang boses ng nasa kabilang linya.

"Patulog ka na?"

Tuluyang nagwala ang mga kabayo sa dibdib niya nang marinig ang baritong boses na iyon na hinding-hindi niya makakalimutan. She even missed that voice for almost two days already!

"O-oo. N-Nakahiga na rin ako," sagot niya sa tanong ni Xaniel.

"Kumain ka na?"

Pigil niyang pumiglas ang isang tili mula sa bibig kaya pilit niyang pinakalma ang sarili habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Tinakpan muna niya ang mouthpiece ng cellphone saka tumikhim upang pakalmahin ang tuwang-tuwang puso.

"Oo," sagot. "Katatapos lang. Ikaw?" Pinalakpakan niya ang sarili dahil hindi man lang siya nautal.

"May buffet sa beachside pero hindi na ako bumaba. Nandoon sila Lyndon at Mhike kasama ang bagong kasal."

Napatango-tango pa siya kahit hindi naman siya nakikita ni Xaniel.

"Baka inaantok ka na?" Hindi na siya nakasagot dahil sa kilig na nararamdaman at mukhang napansin ni Xaniel ang pananahimik niya.

"O-okay lang naman," agad niyang sagot.

"Baka masyado kang focus sa layouts."

"Wala naman akong choice kundi mag-focus doon dahil pagbalik mo diretso presentation ulit," natawa pa siya sa sagot niya.

Narinig niya ang pagtawa ni Xaniel. "Iyan lang ba ang naiisip mo sa pagbabalik ko?"

Mukhang nahawa siya sa tawa ng binata. "Ano ba dapat maalala namin sa pagbabalik mo? Panigurado, ngarag kaming lahat sa Creative Department bukas dahil isang araw na lang, magpe-present na naman kami sa harapan mo."

"Ikaw ang naiisip ko sa pagbabalik ko."

Halos manlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Xaniel at bigla niyang nasapo ang bibig ng sariling oalad upang hindi umalpas mula doon ang isang tili. She never expected to talk like that with Xaniel. Ano ba ang nakain ng lalaking iyon at bakit sobra-sobra soyang pinapakilig ng ganoon?

"Malalim na rin ang gabi. Magpahinga ka na at may work ka pa bukas."

"O-oo nga," pagsang-ayon niya kahit sa isip niya ay gusto pa niyang makausap ang binata ng mas matagal. "Overseas rin ang tawag mo. Mahal na ata bayad."

"Okay lang. Nakausap naman kita. Two na kitang hindi nakikita."

"Okay," aniya na may ngiti sa labi.

"Good night."

Tumikhim muna siya upang bumalik sa normal ang boses niyang kanina pa nangangarag.

"Good night."

She was actually staring at the screen of her cellphone when the call ended. And the last thing she did, nilabas niya lahat ng tili na kanina pa niya pinipigilan sa kawawang unan.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Where stories live. Discover now