Part 4

816 22 0
                                    

PIGIL NI Rodlyn ang sarili habang nasa mesa at nasa harapan lang naman niya sina Katrina at Lyndon. Samantalang sina Crystal at Mhike ay nasa magkabilang gilid ng mesa. At ang hindi niya alam kung dapat niyang ipagpasalamat ay katabi niya lang naman ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso niya ngayon.

This set up all by her very supportive cousin, Crystal. At kulang na lang panlakihan niya ito ng mga mata nang ipagtulakan siya nito sa tabi ni Xaniel. Kung hindi lang talaga makakahalata ang ibang kasama nila ay kanina pa niya ito sininghalan.

Halos hindi naman siya makasabay sa usapan ng mga kasama niya dahil sa tingin niya'y tungkol iyon sa kanya-kanyang trabaho ng mga ito. That looks like an administrative meeting and that makes her feel out of place when Crystal suddenly interrupts and make her the center of attraction.

"Hows your first month of working in DBS, cousin?" Pinanlakihan niya ng mga mata si Crystal ngunit kinindatan lamang siya nito.

Sumimsim naman si Katrina sa wine nito bago tinuon ang pansin sa kanya. Maging sina Mhike at Lyndon ay sa kanya na rin nakatutok ang mga mata.

"Oh nga pala," ani Lyndon. "Hows your work in Creative Department?"

"Nag-e-enjoy ka ba?" Nakangiting tanong ni Katrina.

"Kumusta katrabaho anv head niyo? Pinapahirapan ka ba?" Pilyong tanong naman ni Mhike.

That's make her dizzy. Sa sunod-sunod na tanong ng mga kasama niya ay hindi niya naiwasang tapunan ng tingin si Xaniel. But that is a wrong move because their eyes locked out. Mabilis naman niyang binawi ang tingin at hinarap si Katrina.

Tumikhim muna siya para mawala ang kaba. "O-okay lang. Kaya naman." Pakiramdam niya ay may mali sa sagot niya pero tumango-tango na lamang ang mga kasama niya.

"Rodlyn is such a good artist," komento ng kanyang pinsan. "Marami na siyang nagawang paintings kaya malaki ang tulong niya sa Creative Department ng DBS."

Napasalamat na lamang siya sa magandnag komplimentong natanggap mula sa pinsan.

"And she is also a single."

And that's make her stopped in awe. At ngisi lang ang natanggap niya nang panlakihan niya ng mga mata ang pinsan. What are you doing, Crystal?! Kulang na lang talaga ay lumabas iyon sa bibig niya.

"And ready to mingle."

"Crystal!" Hindi na niya napigilan ang sariling singhalan si Crystal sa ginagawa nitong pagbubugaw sa kanya. She looked at their co-leagues with awkwardness. "Nagbibiro lang siya. Don't mind her, please."

Natawa na lamang ang mga kasama nila maliban sa kanyang katabi sa mga pinagsasabi ng kanyang pinsan. Napainom siya sa wine nang wala sa oras.

"Nakikipag-date ka ba?" Nakangiting tanong ni Katrina. "Maraming kilala si Mhike. Baka may irekomenda."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Katrina. She's not open for a date! Well, kung free 'yung katabi niya, why not?

"H-Hindi," mariin niyang tanggi. "I'm fine. Nagbibiro lang si Crystal. Huwag niyo siyang seryosohin."

"Sayang naman," agaw ni Mhike. "May friend akong open for a date."

Naiilang na napangiti na lamang siya kay Mhike. "Hindi na muna siguro. Focus na lang ako sa work."

"May crush kasi siyang hindi siya mapansin-pansin. Umaasa ang lola niyo."

She really wants to burn her very supportive cousin into pieces the way she looks at her. Pinanlakihan pa niya ito lalo ng mga mata ngunit mukhang hindi man lang nasindak si Crystal sa ginawa niya.

"Masakit iyon," komento ni Katrina. "Lalo na kung manhid iyong lalaki."

"Baka hindi lang talaga type. Grabe ka naman, Katrina," ani Mhike.

Natawa kang si Lyndon sa sinabi ng kaibigan. "E, 'di kapag hindi ka gusto, huwag mo na lang pilitin? Parang ganoon ba, Mhike?"

Napakibit-balikat si Mhike. "Ibang usapan iyon. Kapag gusto mo, ipaglaban mo. 'Di ba, Xaniel?"

Her heart beat crazily when Mhike gave attention to her seatmate. Pero mukhang walang balak si Xaniel na makisali sa usapan nila dahil hindi ito sumagot kay Mhike.

"Kung gusto mo talaga siya, e, 'di sabihin mo. Malay mo gusto ka rin pala, nahihiya lang magsabi," nakangiting suhestyon ni Katrina.

"Hindi iyan uso sa boys," bawi ni Lyndon. "If the man really likes the woman, he will do everything to have her even it goes the other way around."

"E, paano kung torpe?" Biglang singit ni Crystal. "Alangang 'yung girl ang maunang umamin?"

"E, bakit?" sabay kontra ni Mhike. "Wala naman sigurong masama kung 'yung girl ang unang umamin. At least you did your part. It's just you need to accept what would be the result of it. Masaya man o hindi, at least nagawa mong umamin hindi iyong itatago mo lang."

"Dapat kasi huwag nang magpaligoy-ligoy pa kung gusto, e, 'di gusto!" ani Katrina.

"Bakit kasi may mga lalaking pakipot?" iritableng tanong ni Crystal.

"Bakit kasi laging lalaki ang aamin?" balik-tanong ni Mhike.

"E, bakit kayo nag-aaway?" biglang singit ni Katrina habang palipat-lipat ang tingin kina Crystal at Mhike.

"Hindi naman kami nag-aaway, ah!" sabay sagot ng dalawa.

Napailing-iling na lamang siya. Hindi niya akalain na aabot sa ganoong sitwasyon ang gabing nilang iyon dahil sa kalokohan ng kanyang pinsan.

Napalunok naman siya nang wala sa oras nang titigan siya ni Katrina. "Whoever it is, magsisisi siya kapag hindi niya binalik sa'yo ang pagkakagusto mo sa kanya. You are such a good catch. You are so beautiful. Such a good artist."

"Tama!" sigaw ni Crystal na kinawindang niya hindi dahil sa lakas ng boses nito kundi dahil halos umikot ang mga mata nito sa pagitan nilang dalawa ni Xaniel.

"Bakit nga pala ang tahimik mo, Xaniel?" Biglang tanong ni Mhike. "Lasing ka na ba? Magda-drive ka pa."

Umiling-iling si Xaniel.

"Hindi kasi maka-relate ang loveless and no time for love niyong kaibigan," sagot ni Katrina. "Crush nga lang ata wala siya."

"He's just a serious kind of man," pagtatanggol ni Lyndon kay Xaniel. "If he finds the right woman, surely, he will marry her."

Mariin niyang naipagdikit ang nga labi. How she wish she would be that right woman? Hindi naman niya napansing nakatitig na pala siya kay Xaniel na abala sa pag-inom sa hawak nitong wineglass habang inuubos ang pagkain nila.

But what makes her more feel uncomfortable having Xaniel beside her? When she turned her eyes in her front, there is sparkle in Katrina's eyes. At hindi niya gusto ang klase ng pagkakatitig nito sa kanya.

She thinks she doesn't have any reason to deny it.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Where stories live. Discover now