Part 12

744 18 0
                                    

ABALANG nagtitimpla ng kape si Rodlyn sa pantry nang may biglang humawak sa bewang niya na kinagitla niya. Halos manlaki naman ang mga mata niya nang tumambad sa kanya ang malaking bulto ni Xaniel.

"Para ka namang nakakita ng multo d'yan," komento nito sa naging reaksyon niya. Binitiwan nito ang bewang niya at nagtimpla ng sariling kape.

"N-Nagulat lang ako," pagdadahilan niya.

"Nag-almusal ka ba?" maya-maya'y tanong nito.

Tumango-tango siya. "Tapos na naman."

"How's your sleep?"

Saglit siyang natigilan sa sunod na tanong ng binata. Aaminin ba niyang halos hindi siya nakatulog? "Okay naman."

"Good." Xaniel bowed his head. "Puwede mo bang i-prepare 'yung presentation mo last week? I need to report it later."

"Okay," aniya.

Xaniel simmed on his coffee. "Ten this morning. Sa conference room, kasama kita."

Bigla niyang naaalala ang sinabi ni Katrina na may meeting pa sila ng ten. Kung tama ang tumatakbo sa isio niya ay isasama siya ni Xaniel sa meeting ng mga ito.

"Kasama talaga ako?" Paninigurado niya.

Halos naubos naman na ni Xaniel ang tinimplang kape bago sumagot sa tanong niya. "Yes. I want you beside me."

Gusto niyang tanungin ang binata kung bakit pero hindi na iyon umalpas mula sa kanyang bibig nang bigla nitong sapuin ang kanang pisngi niya at walang pasintabing dinampian ng halik ang kaliwang pisngi niya.

"See you, later." Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Sunod na lamang ang tingin niya hanggang sa makaliko ito ng hallway.

At naiwan siya roong tulala. Wala naman sa sariling nahawakan niya ang pisnging dinampian ng halik ng binatang nagpapabilis ng tibok ng puso niya ngayon.

Mukhang kailangan na talaga niyang masanay sa mga halik nito sa kanyang pisngi.

Sa labi kaya kailan? Ngunit agad na binura niya sa isip ang pasaway na tanong na iyon ng kanyang isip.

Darating tayo d'yan.




KANINA pa paparito't paparoon si Rodlyn sa tapat ng pinto ng conference room habang nakaipit sa kanyang palad ang isang flashdrive. Hindi niya alam kung dapat na ba siyang pumasok sa loob. Ito lang ang unang pagkakataon na makakasama siya sa meeting ng big bosses ng DBS at mukhang manliliit siya sa mga ito.

"Dapat inabot ko na lang pala agad sa kanya ito," pagkausap niya sa sarili.

"Let's go."

Gulat na napalingon siya sa bagong dating na si Xaniel nang bigla siya nitong hawakan sa bewang. Halos manlaki naman ang mga mata niya nang halos magdikit ang mga katawan nila nang bigla siya nitong hapitin palapit dito.

"Bakit hindi ka pa napasok sa loob? Hinihintay mo ko?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Hindi niya magawang hawakan ito sa mga balikat upang paglayuin ang mga katawan nila. "A-Akala ko nasa loob ka na. H-Hindi ko alam kung papasok na ako."

"May tinapos lang ako sa office." Tumingin ang binata saglit sa suot na relo. "We're late. Let's go."

Pigil niya ang paghinga nang buksan ni Xaniel ang pinto ng conference room habang hawak siya nito sa bewang. Mariin naman niyang nakagat ang pang-ibabang labi nang igiya siya nito papasok sa loob hanggang sa tapat ng long table. Pinaghila siya nito ng upuan at inalalayan siya. Umupo naman ito sa katabi niyang upuan. Dama niya ang katahimikan ng buong kuwarto sa pagkakatungo niya ngunit nabg iangat niya ang mukha ay tumambad sa kanya ang mga nakangiting mukha nila Katrina at Crystal. Halos manlaki ang mga mata niya nang may pilyong bulungan ang dalawa habang nasa harapan nila ni Xaniel.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن