Part 25

793 18 0
                                    

"RELAX."

Isang malalim na buntong-hininga ang naibuga ni Xaniel habang madiin ang pagkakahawak sa manibela ng kanyang kotse. And his a little bit uneasiness became calm when Rodlyn touched his hand. Isang pilit na ngiti ang naibigay niya dito at alam niyang nahalata iyon ng kanyang kasintahan.

"Paano kung hindi naman niya ako inaasahang dadalaw sa kanya?"

Even in almost twenty years of no communication with his mother, he still knew where is their house. At ngayon nga'y nakahinto ang kanyang sasakyan sa tapat ng dalawang palapag na bahay sa kahabaan ng St. Bernard Street. Napalingon siya sa bahay na kinamulatan niya hanggang sa magpitong taong gulang siya hanggang sa iwan niya ang bahay na iyon upang sumama sa kanyang Tita Karen sa Pilipinas.

"Alam kong ginawan na ito ng paraan ni Els. Inaasahan ka niya. Hinihintay ka nila," pangpalubag-loob ni Rodlyn.

Napatitig siya sa maamong mukha na bumihag sa matigas niyang puso. He can't see another day without this woman who makes his frozen heart into a burning one. Hinawakan niya ang kamay nito at dinala iyon sa kanyang mga labi.

"Thank you," he said upon kissing Rodlyn's hand. "Hindi mo ako iniwan."

"Tanga ako kapag iniwan kita."

Napangiti naman siya sa sinabi nito. He never imagined to have a woman like her. Sa tagal nang panahon na namuhay siya sa kamuhian, hindi niya akalain na makakakilala pa siya ng babaeng handang intindihin ang mainitin niyang ugali. Simula nang iwan niya ang kanyang ina ay iniwasan niya ang lahat ng babaeng nagtangkang lumapit sa kanya. Tinatak niya sa kanyang isip na ang lahat ng babae ay hindi marunong maghintay ng tamang panahon upang maghanap ulit ng iba after a heart break. And he was very thankful to have a sister like Elshiah who understand his situation. At mas unti-unting nawala ang galit na iyon nang makilala niya si Rodlyn. She was able to burn out the fire he was keeping inside his heart.

"Your mom is waiting for you inside," agaw ni Rodlyn sa atensyon niya. "Hindi kayang tiisin ng isang ina ang kanyang anak kahit gaano pa katindi ng tampo nila sa isa't isa."

Tumango-tango siya. "Let's visit your parents in the Philippines after this."

Rodlyn smiled at him. "Basta kasama kita."

"Puwede mo ring tawaging Mama ang Mama ko. Magpapakasal rin naman tayo."

"Ha?" Halata ang gulat sa mukha ng kasintahan. Mukhang hindi nito inaasahan ang huling sinabi niya.

Natawa naman siya sa pagkatigagal nito. "You are the first and last woman in my heart. Hindi mo alam gaano ang takot ko tuwing maiisip kong iiwan mo ko at puwede mo kong ipagpalit sa iba."

Rodlyn cupped his face and let their eyes met. "Hindi lahat ng babae iiwan ka. At hindi lahat ipagpapalit ka. Maybe, your Mom saw the love that your Dad gave to her from Els' father but I know she's still thinking about your Dad. Hindi malilimutan ng Mama mo ang pagmamahalan nila ng Papa mo. Ikaw ang bunga ng pagmamahalan nila, 'di ba? Pero kailangan niyo rin namang mag-move-on. Hindi habangbuhay kailangan niyong mamuhay sa pangungulila."

"I'm so thankful to have you," bukal sa pusong sambit niya habang nakatingin sa mga mata ni Rodlyn.

"And I'm so happy to finally have you. Hindi ko na kailangang pakatitigan ang portrait mo sa kuwarto ko. I can touch, I can hug you and I can kiss you."

"Will you marry me?"

Gulat pero natawa naman si Rodlyn sa biglaan niyang proposal dito. Maging siya ay nagulat rin sa pagsambit niya 'nun.

"Iyan na 'yung bonggang proposal na magagawa mo?" natatawang biro sa kanya ni Rodlyn.

"Well," nangingiting bitin niya. Hinawakan niya ang mga kamay nito at dinala sa kanyang dibdib, sa bandang puso. "I can give you my all, my life and my everything if you will allow me to do it so."

"Talaga?" nakangiting tanong nito.

"So, will you marry me?" ulit niya.

Halos pagpawisan pa siya nang umaktong nag-iisip pa si Rodlyn ng isasagot sa proposal niya. Napanguso pa siya dito nang halos tumagal ng ilang segundo ang sagot nito. "Kailangan pa bang pag-isipan 'yan?"

"Yes."

Natulala naman siya sa sagot nito. "Yes? Yes what?" kabadong tanong niya.

"Yes, I will marry you."

At parang may mga fireworks na pumutok sa paligid nila sa sagot na iyon ni Rodlyn. Wala naman sa sariling hinila niya ito upang ikulong sa kanyang mga bisig. He never felt this so happy hearing the woman of his life actually said 'yes' to his wedding proposal. He didn't even ask Rodlyn to be his girlfriend, he just told her to be his girl.

How dictator he was that time?

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon