Part 23

778 20 0
                                    

"RODLYN."

Abala siya sa pagdidilig ng mga halaman sa harapan ng kanyang apartment nang may tumawag sa kanyang pangalan. Kusa namang lumitaw ang isang ngiti sa kanyang mga labi nang malingunan niya si Elshiah.

"Els? Anong ginagawa mo dito? Napadaan ka?" tanong niya. Agad niyang binaba ang hawak na lagadera at nilapitan ang kapatid ng kanyang kasintahan.

Maluwag namang tinanggap ni Elshiah ang pakikipagbeso niya.

"Puwede ba tayong mag-usap?"

Saglit siyang napahinto sa seryosong tono ng babae pero agad niyang binura ang pagtataka sa mukha. Malugod niya itong pinagbuksan ng kanyang apartment at pinatuloy ang bisita sa kanyang sala.

"Gusto mo bang magkape?" alok niya dito.

Tumango-tango naman si Elshiah. Naupo naman siya sa katapat nitong sofa matapos niyang abutin dito ang tinimplang kape.

"Napadaan ka nga pala?" aniya dito.

Sumimsim muna si Elshiah sa kape bago siya tiningnan sa kanyang mga mata na medyo kinabahala niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," pauna nito. "Gusto ko sanang kumbinsihin mo si Xaniel na umuwi sa bahay sa makalawa."

Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. Bigla niya tuloy naalala ang naging aksyon ni Xaniel matapos nilang maggaling sa restaurant nito at makausap ang babaeng kaharap niya ulit ngayon.

"Mom and Xaniel are not in good terms."

Napabuka siya ng bibig sa biglaang sabi ng kaharap. Hindi siya naging handa sa mga sinasabi nito at wala rin naman siyang alam doon.

Sumimsim muli si Elshiah sa kape bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kasamang uuwi ni Mama ang Papa ko. At gusto kong magkaharap-harap na sila ulit after twenty years."

Napatango-tango siya sa sinabi nito. "Uuwi na ang mga magulang niyo so gusto mong mag-get-together kayo?"

"Mga magulang ko, Rodlyn."

"Mga magulang mo?" takang ulit niya sa sinabi nito.

"Xaniel is my half-brother. We have the same Mom but different father. At ama ko ang kasama ni Mama na uuwi sa makalawa."

Napanganga siya sa rebelasyon ng kapatid ni Xaniel. Ni hindi niya nalaman iyon habang nang-i-stalk siya dati sa binata.

"Xaniel's father died due to some serious illness when he was still seven years old. Three months after his father's death, his Mom met my father. And in less than a year, they got married."

Halos manlaki ang mga mata niya sa kinuwentong iyon ni Elshiah. At hindi niya alam kung bakit nito iyon sinasabi sa kanya. Hindi naman niya mahagilap ang dapat sabihin sa kaharap.

"That's why he built this anger against our Mom. At iyong galit na iyon ay nabuhay sa loob ng halos dalawampu't tatlong taon. Alam kong mahirap para sa isang bata na halos nasa pitong taon palang na bigla na lang mamamatay ang ama mo and then in just three months, bigla mo na lang makikita ang ina mo na may iba nang kasama. I know, hindi ako galit sa kanya kung may konti siyang galit sa sarili kong ama. Maybe, kung ako ang nasa puwesto niya, iyong mapaltan ng ibang tao ang puwesto ng ama mo, magagalit rin ako. Hindi iyon basta-basta maiintindihan ng isang musmos na bata. That's why when he turned ten, lumipat siya sa Tita niya sa Pilipinas, kapatid ng kanyang ama. Nang may sama siya ng loob sa aming ina."

Kumunot ang noo niya doon. Ni hindi niya nabakasan ng galit ang kasintahan. Noon lang, after they visited the Xaniels Restaurant.

"After a year when Mom and Dad got married, I came to their life, to his life. At habang lumalaki ako, hindi ko siya kilala. Na-meet ko lang siya when I was ten already and he's already seventeen. Noong una nanibago ako, akala ko only child ako. But one day, he went to our house here in Singapore. Nalaman kong kinumbinsi siya ng Tita niya na dalawin ang aming ina. Pero hindi talaga siya umuwi sa bahay noon para kay mama. Kundi para sa akin."

"Para sa'yo?" ulit niya. Naramdaman niya ang saya sa mga mata ni Elshiah habang sinasabi ang huling salita nito.

Tumango-tango si Elshiah. "He came to visit for me. At alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin that time?"

"Ano?"

Elshiah smiled with gladness in her eyes. "Na hindi niya ako kakamuhian dahil lang sa magkaiba kami ng ama. Na mamahalin niya ako ng buong puso. Inalagaan niya ako at kahit magkaiba kami ng tinutuluyan, hindi niya nakakaligtaan ang mga importanteng araw sa buhay ko. Birthdays. Graduation. Christmas. New year. Even Valentine. Pati mga importanteng araw para sa akin noong nag-aaral pa ako. Lagi siyang nand'yan at nakasuporta sa akin. Hindi ko naramdamang iba ako sa kanya. And he is the best brother in the world."

Napangiti siya sa sinabing iyon ni Elshiah. Natutuwa siya na hindi nalipat dito ang galit ni Xaniel para sa kanilang ina. Pero malungkot rin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Xaniel na nakahanap agad ng kapalit ang ina nito kahit kakamatay lang nga ama nito noon.

"I even learned about Xaniel's activities during his high school. I know his friends. Medyo nakaka-communicate pa ako sa kanila noon. Naikuwento sa akin ni Mhike na naging barumbado si Xaniel sa  Standford School. Mabuti na nga lang daw ay nabalitaan ni Xaniel ang tungkol sa akin. Na may kapatid siya. Medyo nabawasan daw ang pagiging basag-ulo ng kaibigan niya."

"Mukhang naging malaki talaga ang naging epekto sa kanya ang pag-aasawang muli ng ina niyo," komento niya. "Pero hindi ko naman sinasabing mali iyon. Kung hindi nakilala ng ina niyo ang ama mo, walang isang maunawain at mabait na kapatid siguro ngayon si Xaniel."

"Kaya nga lumalapit ako sa'yo ngayon. Tulungan mo akong mapapayag na umuwi si Xaniel sa bahay sa susunod na araw. Gusto ko nang maayos ang sigalot sa pagitan nila ni Mama."

"Paano ko gagawin iyon?" pag-aalala niya. "Noong pinaalala mo nga lang sa kanya na uuwi ang ina niyo, halos nakalimutan niya ako."

"You are Xaniel's first girlfriend. And I hope to be the last. And I know, makikinig siya sa'yo. Kung mahal ka niya, papakinggan niya ang salita mo."

Kakabakasan ang pag-aalala ang mukha niya. Hindi niya alam kung paano makukumbinsi ang si Xaniel na makipag-ayos na sa ina nito gayong hindi nito binabanggit sa kanya ang parteng iyon ng buhay ng kanyang kasintahan.

Tumayo si Elshiah at tumabi sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at dama niya ang pagmamakaawa nito.

"Tulungan mo akong makapag-ayos sina Mama at Xaniel. Kahit sa ganitong paraan, may magawa ako sa kanya kapalit ng lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin."

Tumango-tango siya. "Sige. Kakausapin ko si Xaniel."

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Elshiah. "Salamat!" mabilis na niyakap siya nito. "I really waited for this moment to meet Xaniel's girlfriend. Kaya ang saya ko nang kasama ka niyang dumalaw sa restaurant."

Nginitian niya si Elshiah nang bumitaw na ito sa yakap. Hindi niya maintindihan ang kislap sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"Xaniel never dated any girls during his college in Standford University. Kaya alam ko kapag nagkaroon siya ng girlfriend, magiging under siya sa babaeng iyon."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ni Elshiah. "Bakit naman?"

"Hindi naging madali kay Xaniel na magtiwala ulit sa mga babae pagkatapos nang nangyari sa kanila ni Mama. Naging malayo ang loob niya sa mga babae. Pero dumating ako sa buhay niya, unti-unti siyang naging malambot. At kapag dumating iyong panahon na magkaroon siya ng girlfriend, panigurado mahal na mahal niya iyon at hindi niya kakayaning mawala sa buhay niya dahil nakuha nito ang tiwala niya."

She felt overwhelmed with Elshiah's words. Nahiling niya sana nga ay totoo iyon. Mahal na mahal rin niya ang binata. At mukhang hindi na niya kakayanin kung sakaling magkahiwalay sila.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Where stories live. Discover now