Part 10

785 24 0
                                    

NAKAILANG balik na si Rodlyn sa harapan ng human size mirror niya sa loob ng kanyang kuwarto. Hinagod niya ng tingin ang sarili mula sa kanyang buhok hanggang sa suot na sandals. She's wearing a night blue dress, a light make-up made by her ever supportive cousin, Crystal and white three-inch sandals. She lightly curled her long hair. At isang buntong-hininga ang lumabas mula sa kanyang dibdib.

She couldn't describe what she feels right now. Excited yet nervous. Ito ang kauna-unahang pagkakataong makikipag-date siya at suwerte pang ang ultimate crush niya ang makakasama niya sa gabing iyon.

Matagal niyang tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin nang mapapitlag siya sa biglang pagdagundong ng tunog ng doorbell sa loob ng kanyang apartment. Halos manlaki ang mga mata niya pagkagulat. At ang mga kabayo sa dibdib niya ay nagsimula nang magtakbuhan.

Nagmamadaling lumabas siya ng kanyang kuwarto pero bago pa siya tuluyang makalabas ay sumulyap siya sa portrait na nakadikit sa dingding ng kuwarto. Napangiti siya, na may kilig. She's about to see that handsome face personally when she would open the main door.

Kinindatan niya ang portrait bago tuluyng lumabas ng kuwarto. Napabuga pa siya ng buntong-hininga sa harapan ng sarado pang pinto. Lahat ng lakas ng loob ay hinugot niya bago nginig ang kamay na binuksan ang pinto ng kanyang apartment.

Moment suddenly froze when her eyes meet the eyes of this beloved fine-young man with the sweetest smile she ever laid of in her entire life. Xaniel is very handsome on his two-piece black suit and his wave back hair. Ni hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Hindi niya naman maalis-alis ang mga mata sa guwapo nitong mukha.

"Lovely."

Nahiya naman siya nang pasidahan siya ni Xaniel ng tingin mula sa kanyang mukha pababa sa kanyang suot na dress at muling bumalik angbtingin sa kanya. Pigil niya ang kaba sa kanyang dibdib. Ngumiti siya ng napakatamis. She shouldn't disappoint Xaniel.

"G-Good evening," masiglang bati niya dito.

"Good evening," balik ni Xaniel. Inilahad naman nito ang palad sa kanya. "Shall we?"

Mabilis na tumango-tango siya. Agad naman niyang kinuha ang bag sa sofa at lumabas ng apartment. Auto-lock ang pinto kaya kampante siya na iwan ang tinutuluyan. Wala rin namang magtatangkang pumasok doon dahil fully-secured ang lugar.

Hindi niya alam kung paano ang ikikilos kaya nagulat pa siya nang hawakan siya ni Xaniel sa kanyang bewang at igiya siya nito sa passenger's seat ng sasakyan nito. Dahil sa sobrang lutang ng isip at hindi pa rin ma-absord ng kanyang utak na kasama niya ngayong gabi ni Xaniel at may date sila, ang binata pa ang dumantay sa kanya upang ikabit ang seatbelt niya. Pigil niya ang sarili na amuyin ang mabangong amoy ng binata na gustong-gusto ng kanyang ilong.

Pilit niyang inilalayo ang tingin sa binata dahil hindi na ata niya kakayanin kung magtatama ulit ang mga mata nila ni Xaniel. Tinuon niya ang mga mata sa labas ng windshield pero agad na naalis iyon nang may biglang may umagaw ng atensyon niya. Isang bonquet ng mababangong pulang rosas ang tumambad sa kanyang harapan at nang lingunin niya si Xaniel, nakalapit na pala ang mukha nito sa kanya kaya napasinghap siya nang halos magkalapit na ang mga mukha nila.

"Tahimik ka ata? Hindi ka ba komportable na makasama ako?" Hamig ang lungkot sa boses ni Xaniel.

Marahas na umiling-iling siya habang inilayo nang kaunti ang mukha sa mukha ng binata.

"N-No. Okay lang." Hindi niya alam kung paano iibahin ang rekasyon ni Xaniel sa pananahimik niya.

Xaniel smiled at her that made her feel contented. That smile never failed to amaze her and make the butterflies fly on her chest.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon