Special Chapter

865 15 0
                                    

ABALA si Rodlyn sa pag-aayos ng presentation para sa final layout para sa buwan ng August nang lumapit sa kanya ang isang kasamahan niyang artist ng Creative Department ng DBS.

"Rod, kailangan natin ng mga sample articles."

Nginitian niya si Cindy nang linungin niya ito. "Ah?" takang tanong niya dito.

Cindy smiled at her. "Kailangan nating makuha 'yung mga sample articles ng Editorial Department kaso kay Sir Xaniel lang iyon sinesend through e-mail." May bitin na ngiti si Cindy sa kanya. "Baka naman puwede mong kunin kay Sir." Tumaas-taas ang kilay nito sa kanya. "Boyfriend mo naman si Sir, e. Ikaw na ang pumasok sa office niya."

Nginisian niya si Cindy. "Ikaw talaga. Binola mo pa ako, e, uutusan mo lang pala ako."

Pinanggigilan ni Cindy ang braso niya at sumandal-sandal pa sa balikat niya. "Sige na. Nahihiya ako. Para matapos na rin tayo. Tsaka boyfriend mo naman si Sir so bibigay agad 'nun 'yung mga sample articles."

"Sige na," pagpayag niya.

"Yehey!" masayang saad ni Cindy. "Bilisan mo, ah."

"Opo."

Agad siyang tumayo at tinungo ang office ni Xaniel. Pagpasok niya ay agad niyang tinawag ang pangalan ng kasintahan ngunit walang sumagot sa kanya. Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng opisina nang tuluyan na siyang makapasok at maisara ang pinto.

"Nasaan na kaya iyon?" tanong niya sa sarili. "Mukhang may meeting ata ang big bosses." Nakasanayan na ng buong DBS na tawaging 'big bosses' ang tatlong magkakaibigan.

Lumapit siya sa office table ni Xaniel at napailing-iling na lamang siya dahil sa sobrang daming kalat ng mesa nito. Maging ang laptop nito ay naiwang nakabukas. Umikot siya upang umupo sa swivel chair at inumpisahang isalansan ang ilang papel at folder na nasa ibabaw ng mesa. Ini-sleep mode niya muna ang laptop at binalik sa case ang mga ballpen at lapis na nagkalat.

Muli niyang kinuha ang kumpol ng mga papel at folder na nagkalat sa mesa. Inayos niya ang pagkakasalansan ng mga iyon ayon sa laki. Inisa-isa niyang ayusin. Halos sunod-sunod na monthly report ang mga nakikita niya. Maging ang naging monthly expenses ng kanilang department. Napailing-iling na lamang siya sa dami ng papel na hawak.

"Akala ko kapag head ka, konti na lang trabaho mo, mas marami pa pala." Kung anu-anong realisasyon ang pumasok sa isip niya ngayong iniisa-isa niya ang pagbabasa sa mga papel na nagkalat sa mesa ng kasintahan.

Akmang ibabalik na niya sa ibabaw ng mesa ang mga hawak na folder nang may kumuha ng atensyon niya. Isang partikular na folder na may head title na talagang nakakuha ng atensyon niya.

"Art projects?" basa niya sa nakasulat sa folder. Binaba niya ang ibang folder at pinagtuunan ang isang iyon. "Kailan kami nagkaroon ng art projects?" tanong niya sa sarili gayong puro layouts at presentations lang naman ang ginagawa nila sa kanilang departamento.

Napuno ng kuryosidad ang isip niya at agad na binuksan ang folder at halos manlaki ang mga mata niya nang makita niya ang mga nakasulat sa ilang pirasong papel na nasa loob niyon. Nasapo naman niya ng sariling palad ang bibig. Kunot ang noong pinakatitigan ang mga larawan na nakaimprenta sa mga papel.

Those are her artworks. Particularly, the IGAS arts projects. Binasa niyang muli ang mga sumunod na mga pahina. Doon tumambad sa kanya ang ilang art projects na binigay sa kanila ni Mr. X.

"Mr. X?" wala sa sariling sambit niya. "Xaniel? Mr. X?" Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan. Ang kanyang dibdib ay napuno ng kaba. Mukhang naiintindihan na niya ang ibig sabihin ng folder na iyon. Lahat ng nakasulat sa papel na laman ng folder na iyon ay tungkol sa art projects na tinanggap ni Jun Wang para sa kanilang grupo. Mula sa paintings na inorder at pinagawa sa kanila ng mga kilalang restaurant sa Orchard City, ang ilang obra nila na naka-display na ngayon sa mga museum at exhibits, ang pagpinta nila sa mga parks and village at ang pinaka-latest nga ay ang pagpinta nila sa kahabaan ng St. Furr's Street. Lahat ng detalye at report tungkol doon ay nakasulat sa mga papel na hawak niya.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Where stories live. Discover now