Part 14

702 21 0
                                    

MAAGANG nakalabas ng opisina si Rodlyn isang araw bago ang pagbabalik ng tatlong big bosses ng DBS mula sa Pilipinas. Hindi naman niya maikaila sa sarili na excited na siyang makitang muli si Xaniel. Mas lalo siyang nanabik noong isang gabing tinawagan siya ng binata. Mas lalong lumalim tuloy ang nararamdaman niya para dito.

Dahil maaga pa at para na rin mawala ang isip niya kay Xaniel, mas minabuti niyang palipasin ang oras sa kanyang studio. Mabilis siyang nagpalit ng damit. Sanay siyang magsuot ng maluwag na tshirt at shorts tuwing nagpipinta siya. Lagi kasi siyang namamantsahan ng mga pintura tuwing ginagawa ang hilig.

Bakas ang pananabik sa kanyang mukha ngayong magagawa na ulit niya ang hilig na pagpipinta. Ang huling beses na nagawa niya ito ay noong tanggapin niya ang alok ni Jun Wang sa proyektong inalok sa kanila ni Mr. X.

Oras ang inaabot niya sa kanyang studio. Ang ginawa niyang subject ang magandang view na nakita niya mula sa mataas na unit ni Xaniel sa The Harriet Hotel. Halos hindi maalis ang malawak na ngiti sa kanyang labi habang ginagawa ng obra.

Hindi naman niya namalayan ang oras. Inabot na siya ng gabi sa kanyang studio at nang bumaba siya ay hindi na niya nagawang dalhin ang sarili sa kuwarto. Saglit na napaupo na siya sa sofa at hindi niya namalayang nakatulog na siya roon nang hindi nakakapag-ayos ng sarili.



ISA lang ang tumatakbo sa isip ni Xaniel sa mga oras na iyon, ang matakasan ang dalawang kasama niya sa sasakyang tumatahak sa Pan Island Expressway. Saglit siyang napatingin sa suot wristwatch. It's almost three o' clock  Thursday midnight. And yes, kakabalik lang ulit nilang tatlo ng Singapore.

"Doncha worry, my boy. For sure binantayan naman siya nila Katrina," biglang pukaw ni Lyndon sa atensyon niya. Ito ang nagsilbing driver nila pabalik ng Choa Chu Kang.

Hindi naman niya gusto ang pagkakangisi ni Mhike na nakaupo sa passenger's seat. "Parang nagawa mo naman siyang tiisin. I knew it from Gerrard. Nag-overseas call ka raw. Laki tuloy ng bill ni Shadow panigurado."

He smirked. E, sa wala naman siyang mapaloadan sa liblib na lugar ng Batangas na iyon, no choice, he used the telephone line of the hotel where they stayed for three days.

"Ibaba mo ako ng Stevens," aniya kay Lyndon.

Parehong natuon sa kanya ang mga mata ng dalawang kaibigan mula sa salamin.

"May presentation ang department mo today, 'di ba?" tanong ni Lyndon.

"Papasok ako. Huwag kang mag-alala. Gerahin pa ako ng asawa mo kapag hindi ko agad naibigay ang final layout bukas."

"Mas mabuti na iyong nagkakaintindihan tayo," nakangising saad ni Lyndon.

"Taga Stevens si Rodlyn?" usisa naman ni Mhike. "Hindi sila magkasama ni Crystal sa iisang bahay? Taga Bukit Timah si Crystal, 'di ba?"

Hindi niya sinagot ang tanong ni Mhike. Ni hindi niya rin naman talaga alam kung bakit hindi magkasama sa iisang bahay ang magpinsan.

"Huwag ka nang umusisa d'yan," saway ni Lyndon kay Mhike. "Ikaw? Saan ba kita ihahatid? Gusto ko nang umuwi agad. Magtataka pa si Katrina bakit natagalan akong makauwi."

"Under ka na ulit sa asawa mo, ah," komento ni Mhike. "Ibaba mo ako sa pinakamalapit na istasyon ng train."

"Bakit parang napapadalas ata ang pagsakay mo ng train?" siya naman ang nang-usisa.

"Owner ng Yu Motors pero gumagamit ng train sa transportasyon?" ani Lyndon. "Sana nag-train business ka na lang."

"Huwag nang maraming tanong," pigil ni Mhike. "Ibaba mo na ako d'yan sa Hellion. Mag-bus na lang ako. Dami niyong tanong, e."

Napailing-iling na lamang sila ni Lyndon nang bumaba nga si Mhike sa Hellion. Siya naman ang hinatid nito sa Stevens Station.

"Sigurado ka? Gusto mo ihatid kita sa mismong bahay ni Rodlyn?" alok ni Lyndon na may pilyong ngiti.

Mabilis niyang sinara ang pinto ng sasakyan nito. "Huwag na. Malaman niyo pa kung saan siya nakatira. Mas mabuti na iyong ako lang."

"Masyadong mapag-angkin," natatawang komento ng kaibigan. "O, siya. Mauna na ako. May pasok pa ng ten mamaya. Bawal absent."

"Yes, boss!" Kumaway na siya sa kaibigan at hinatid na lamang niya ito ng tanaw hanggang sa mawala ang sasakyan sa kanyang paningin. Tinahak niya ang Stevens Station. Iisa lang ang lugar na gusto niyang mapuntahan sa mga oras na iyon.

He really missed that woman, badly.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Where stories live. Discover now