Part 7

746 22 2
                                    

"JUN Wang!"

Isang masayang yakap ang binigay niya sa matagal ng kaibigan. Binalik rin naman ng lalaki ang yakap sa kanya ng mahigpit. Isa-isa naman siyang binati ng mga kasamahan nila. Maaga siyang nagtungo sa St. Furr's Street para sa art project nila sa araw na iyon. Laking pasalamat na lang niya na pinayagan siya ni Xaniel.

Speaking of the man, she can't still believe he invited her for a date and that is already tomorrow! She feels excited and nervous.

"Thanks you're in," ani Jun nang bumitaw na sila sa yakap ng isa't isa. "I thought you would reject this project."

"Of course not!" Tanggi niya. "You know my life is in here. Why would I reject my life."

Isang matamis na ngiti ang binigay ni Jun sa kanya. Maya-maya'y may kinuha itong mga papel na nakapatong sa isang mesa. "This is what Mr. X wants to be the design of this wall." Mabilis niyang tiningnan ang sample print na hawak ng kaibigan. "Everyone has already their part. This would be yours." Tinuro nito ang magiging parte niya sa proyekto. "Just be sure of the details. But still, we can cover just in case you commit mistake. But I know you," bitin nito na may isang matamis na ngiti sa kanya. "You are fond of detailed paintings. I can count on you."

"Of course, Jun!" Isang kindat ang binigay niya rito. "What time are we going to start?"

"Have your breakfast first." Iginiya siya ng kaibigan sa isang stall along St. Furr's Street kung nasaan ang iba nilang kasamahan na abala sa kanilang almusal.

"How about yours?" balik niya rito nang abutan siya nito ng kape sa isang paper cup.

"I'm done," nakangiting sagot ni Jun.

Tumango-tango siya at nakihalubilo sa mga kasamahan nila. Masaya siyang nakasamang muli ang mga kaibigan na kapareho niya ng interes, ang pagpipinta. Mabuti na lamang at nakilala niya si Jun Wang na nag-alok sa kanyang sumali sa International Group of Artists based in Singapore. Mas lalo siyang nahasa at mas lumalim ang pagmamahal niya sa Arts. Simula pagkabata palang ay nahilig na niyang humawak ng mga coloring materials at gumuguhit ng kung anu-anong pumapasok sa kanyang utak.

Malaki rin naman ang pasasalamat nila sa isang taong ni isa sa kanila ay hindi pa nakakakilala o nakakakita, si Mr. X. Tanging si Jun Wang lang ang may koneksyon sa estranghero. Tatlong taon na ang lumipas nang mag-umpisang mag-offer sa kanila si Mr. X ng mga art projects. Noong una ay hesitant pa si Jun na tanggapin dahil sa e-mail lang nila ito nakakausap pero nang tanggapin nila ang kauna-unahang project na inalok nito sa kanila kung saan gumawa sila ng halos lagpas sa isandaang paintings na pinadala sa iba't ibang restaurant around the world at natanggap nila sa tamang oras ang bayad ay hindi na sila nagdalawang-isip na tanggapin muli ang pangalawang offer nito hanggang sa nasundan nang nasundan at umabot na sa tatlong taon na customer nila si Mr. X. At hindi na lamang sila nag-usisa kung sino ang taong nasa likod ng katauhan ng mabait na estranghero na sumusuporta sa grupo nila.

"Mr. X emailed me that our lunch meal will be delivered at exactly 12 o' clock."

Tumango-tango siya sa sinabing iyon ni Jun Wang nang tipunin na nito ang lahat ng artists na kasama sa art project na iyon. Nahiling naman niya na sana ay magpakita na sa kanila si Mr. X para mapasalamatan man lang nila sa suportang binibigay nito sa grupo nila.

"Okay, let's start!" sigaw ni Jun Wang.

Isa-isa nang nagsikuhanan ang halos nasa dalawampung artists na nakilahok sa proyektong iyon. Maging siya ay kinuha na ang mga gamit na kakailanganin niya.

"You can take your a little bit rest if you want."

Nakangiting napalingon naman siya kay Jun nang lapitan siya nito. Pinasadahan naman nito ng tingin ang ginagawa niya. Nagalak naman ang puso niya nang tumango ito habang nakangiti na nagsasad na mahusay ang ginagawa niya.

"Maybe, Mr. X is too fascinated with Arts but Arts is not fascinated with him."

Natawa naman siya nang lingunin siya ni Jun na may kunot na noo dahil sa sinabi niya.

"How did you say so?" natatawang tanong ni Jun sa kanya.

Pinagpatuloy niya ang paglalagay ng kulay berdeng pintura sa pader na magsisilbing malawak na hardin sa parteng iyon. "Maybe, he loves to paint but he can't do it that's why he keeps on renting our services and gives us the offers."

Napailing-iling si Jun sa sinabi niya. "If Mr. X would hear you, I'm sure he will stop giving us offers."

Mariin niyang pinagdikit ang mga labi sabay aktong sini-zipper ang bibig. Napalinga-linga siya sa paligid sabay bulong kay Jun. "I hope he is not around pretending to be someone else."

Jun chuckled at her. "I hope so because for sure, we're dead."

Natawa na lamang silang dalawa sa nagiging takbo ng usapan nila. Pinagpatuloy nila ang pagpipinta sa pader. Sinisigurado naman niyang nasusunod niya ang sample print. She needs to impress Mr. X. Ayaw niyang tanggalin siya sa grupo dahil sa nasabi niya kanina kung sakaling nasa paligid nga lang ang estrangherong tumutulong sa kanila.

Halos kalahati na ng 250 meters wall ang natapos nila bago pa dumating ang lunch meal nila. Nag-break muna sila upang kumain ng kanilang tanghalian. Sanay silang sabay-sabay na kumakain habang nakasalampak sa gilid ng kalsada. Katabi niya si Jun na nag-abot ng kanyang pagkain.

"Thank you," aniya.

"Welcome," balik ni Jun.

Abala na ang lahat sa pagkain nang may mapansin siya sa kabilang panig ng kalsada. Residential ang St. Furr's Street kaya hindi iyon masyadong daanan ng mga sasakyan kaya laking pagtataka niya na may isang itim na sasakyan na nakaparada sa kabilang panig ng kalsada samantalang wala namang nakatayong anumang gusali sa kabilang parte.

And she feels like she already saw that black car somewhere else.

"Do you think Mr. X is in that car?" biglang bulong sa kanya ni Jun.

Napatitig naman siya sa katabi. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "You mean he might watching us from afar?"

Tumango-tango si Jun.

Napasinghap siya sa pagtango nito. "Don't joke on me!"

"That car is already there this morning."

Nasapo niya ang bibig ng sariling palad. "What if he pretended to be a passerby and then he heard what I have said earlier?! Oh my god! I don't wanna be kicked from any project that he will give us!"

Nagkibit-balikat lamang si Jun. "Possible."

"Oh my god!" hiyaw niya dito. "You will really allow that?!"

Isang matamis na ngiti ang binigay sa kanya ni Jun. "Of course not. You are one of the great artist I know. Why would I allow that? Stop imagining things. You're too paranoid. Finish your meal."

Nginusuan niya si Jun nang magpatuloy na ito sa pagkain at hindi na siya pinansin kaya wala siyang nagawa kundi ipagpatuloy ang pagkain.

Pero natatakot talaga siya na baka narinig talaga siya ni Mr. X kanina.

When My Heart Got Crazy About You [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant