Epilogue

1K 16 0
                                    

"YOU should never be scared anymore because I am already beside you everyday."

Pinunasan ni Rodlyn ang mga luhang umalpas mula sa kanyang mga mata. As Xaniel promised, they flew to the Philippines to visit her parents. Hindi niya akalaing magiging emosyonal siya ng ganoon sa muling pagbisita sa puntod ng kanyang mga yumaong mga magulang.

Mariin namang pinunasan ni Xaniel ang mga luha niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya.

"Sinama ako ni Crystal sa Singapore pagkalibing ni Papa. Tinuruan niya akong maging independent. Noong una, sa kanya ako tumutuloy pero noong makaipon at magkaroon ng pagkakakitaan, namuhay akong mag-isa pero hindi naputol ang pagtulong niya sa akin kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya," pagkukuwento niya.

Tumango-tango si Xaniel. "Ang suwerte mo sa pinsan mong iyon."

"Oo, inalalayan niya ako nang mapilayan ako sa pagkamatay ng mga magulang ko noon." Halam ang mga mata niya habang nakatingin sa dalawang lapidang magkadikit sa lupa. That year was the worst year of her life. Halos hindi niya alam ang gagawin. Para siyang isinilang sa mundong hindi alam ang patutunguhan nang mawala sa kanya ang mga magulang niya. Hindi niya alam saan kakapit. Hindi niya alam saan patutungo. Wala siyang kapatid at ayaw niyang makipagsiksikan sa mga kamag-anak niya. Laking pasalamat na lang talaga niya kay Crystal na umalalay sa kanya noong mga panahon na walang-wala siya.

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Xaniel sa balikat niya habang nakasandal siya rito. "You don't need to be sad anymore. You already have me. Hindi kita iiwan. Hindi kita pababayaan. You already have my family. Si Mama, si Els at si Papa Eli. Kasama mo na kami. Kami na ang pamilya mo."

Tumango-tango niya. Malaki rin ang pasasalamat niyang tinanggap siya ng buong-buo ng pamilya ni Xaniel. Tuwang-tuwa ang mga ito lalong-lalo na ang ina ni Xaniel na mas excited pang mag-asikaso ng kasal nilang dalawa.

"Pa, Ma," sambit ni Xaniel na kinagulat niya. "I'll take care of your daughter. Hindi ko man kayo nakilala ng personal, alam kong mabait kayo dahil napalaki niyo ang magiging asawa ko na isang mabait at maunawaing babae."

Gulat na napatingin siya kay Xaniel na matiim na nakatitig sa lapida ng kanyang mga magulang. Halos sumabog ang puso niya sa sobrang saya na nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit nagkaroon siya ng isang Xaniel sa buhay.

"I'm so thankful to have her. Alam kong nakita niyo kung paano niya inunawa ang lahat ng problema ko. Hindi niya ako iniwan bagkus ay siyang nagsilbing lakas ko upang harapin ang lahat ng kinakatakutan ko. Maraming-maraming salamat po." Tumigil si Xaniel at tinitigan siya sa mga mata. "Pangako ko po sa inyo na iingatan ko ang anak niyo at uunawain ko rin siya tulad ng pang-uunawa niya sa akin."

Napangiti siya sa pangakong iyon ni Xaniel sa harapan ng mga magulang niya. "Salamat," sambit niya rito.

"You deserve everything I have." Sinapo ni Xaniel ang magkabila niyang pisngi. "You deserve to be happy. And I will do everything to make you happy."

Nagagalak ang kanyang puso sa bawat salitang binibigkas ni Xaniel. Alam niyang masaya ang mga magulang niya para sa kanya na nakatagpo siya ng lalaking uunawa at mamahalin siya ng buong puso habangbuhay.

"Gagawin ko ang lahat para maging deserving sa pagmamahal mo," aniya nang may ngiti sa labi. "Uunawain kita dahil iyon ang tinuro sa akin ng mga magulang ko. May dahilan ang lahat. Kung hindi mo makontrol ang emosyon mo, uunawain ko iyon. Dahil alam kong hindi iyon mangyayari kung walang dahilan."

"Thank you," Xaniel mumbled.

"It's thank you."

Xaniel hugged her tight. Masaya ang puso niya nakilala na ng lalaking makakasama niya habangbuhay ang mga magulang niya. At masaya siya sa nagiging takbo ng kanilang relasyon.

"I love you," bulong ni Xaniel sa kanya.

She smiled. Her heart is celebrating. "I love you, too," she said.

And they sealed it with a kiss infront of her loving parents.

And they sealed it with a kiss infront of her loving parents

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
When My Heart Got Crazy About You [Completed]Where stories live. Discover now