Chapter 13

26.4K 474 33
                                    

Chapter 13 ~ Pagkumpirma

Mia's POV:

"Mr. Aberla, hawakan niyo po sa bewang ang asawa ninyo!" Utos ng photographer sa amin.

Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman kong marahang dumapo ng kaniyang kamay sa aking katawan. 

"N-nakikiliti ako Bryle." Mahinang saad ko.

"Shut up. Ayaw mo bang matapos 'to?" Mahina ring sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Avoid talking love birds. Mamaya niyo na ipagpatuloy 'yan!" Nakakainis itong photographer na 'to.

Porke't ba ikakasal na kami ni Bryle, mahal na namin ang isa't isa? Nakakailang kaya at idagdag na rin ang pinapagawa niya sa akin.

Nangangawit na ako kakatayo.

Nakailang shots na kami pero kulang pa daw. Nakailang palit na rin ako ng damit at sapatos dahil sa letseng photographer na 'to.

"Isa pa! I want you Misis na ikawit ang mga braso mo sa leeg ni Mister!"

Kahit na nagulat ako sa kaniyang sinabi, agad ko itong ginawa para matapos na. Hindi ako umaangal sa bawat pinapagawa niya sa amin.

"Good! Perfect!" Papuri niya sa amin.

Napaismid si Bryle at pasimpleng umirap. Napahigpit rin ang mga braso niya sa bewang ko kaya napalapit ako sa kaniya ng todo.

"Fantastic! Ituloy niyo lang 'yan!"

Hindi ko ipinakita sa kanila na naiilang na ako. Hindi niyo ako masisisi dahil first kong gawin ito sa tanang ng buhay ko.

"Break muna! Pahinga muna tayo! Sa dagat ang next na destination natin." Saad ng photographer.

Nasa isang malawak na hardin kami. Tumitirik na rin ang araw pero buti na lang mahangin dito sa hardin. Kaninang mga 5am pa kami dito.

"Nagugutom po ba kayo Ma'am?"

Tanong ni Brenda sa akin. Nakalimutan kong sabihin na isinama pala namin siya para may mag-asikaso sa amin nu Bryle.

"Pahingi naman ng mani." Sagot ko.

Naghalungkat siya sa dala niyang bag pero napatigil siya ilang segundo ang nakararaan. Nakita ko rin kung paano mamutla ang kaniyang mukha.

"Okay ka lang Brenda?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti ng pilit. Alam kong nag-aalinlangan siyang sabihin sa akin. "Walang mani?"

Dahan-dahan siyang tumango. Napabuntong-hininga ako. Paaano na 'yan? Kanina pa naman ako nagcracrave ng mani.

"Bibili na lang po ako Ma'am." Agad na sagot niya.

"Malayo ang bayan dito. Baka abutin ka pa ng tanghali. Kakainin ko na lamang kung ano ang inihanda mo."

"Pero Ma'am--"

"Ayos lang Brenda."

Ngumiti ako sa kaniya ng peke nang hindi sinasadya, naagaw ng pansin ko ang isang staff na may hawak na mani. Napalunok ako sa sarili kong laway.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Brenda. Busy ito sa paghahanda ng pagkain sa harapan ko. Missing in action rin si Bryle kaya dahan-dahan akong tumayo.

Hihingi lang naman ako ah?

Pero bago pa ako tuluyang makatayo, may nag-abot ng supot ng Mani sa mismong mukha ko. Naduling ako sa sobrang lapit.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now