Chapter 16

26K 499 38
                                    

Chapter 16 ~ Pinsan


Mia's POV:

"Oh It's you!" Saad ng lalakeng hindi ko kakilala at grabe kung makaturo sa akin na daig ko pa ang isang kriminal.

Napangiti ako ng peke at hindi alam ang gagawin. Basically, hindi ko siya kakilala at lalong hindi siya kaano-ano.

Lakas maka-akward 'to ng atmosphere!

"Hehe! Ako nga." Pilosopo kong sagot at pinagdikit ang aking mga palad.

"You didn't familiarized my face, did you?" Tanong niya pa sa akin at mas lumapit sa aking kinatatayuan.

"Namukhaan naman kita." Sagot ko. "Pero hindi nga lang kita kilala." Mahinang bulong ko sa hangin. Napaiwas ako ng tingin.

"Then let's introduce ourselves." Sagot niya. "By the way, I'm Pizero but you can call me Zero." Sabay lahad ng kaniyang kamay na kayputi.

Napatingin ako sa kaniyang mukha. Nakangiti siya at may maamong mukha kaya napangiti na rin ako. Dumagdag sa kaniyang kagwapuhan ang kaniyang kulay abong buhok.

"Yevlin is the name!" Energetic na pakilala ng isa pang lalaki. Base sa pagmumukha nito, mukhang may pakilyuhang taglay.

"I'm Eunice, nice too meet you again girl."

Isang babae ang nagpakilala sa aking harapan. Kung titignang mabuti, katulad ni Dora ang kaniyang buhok pero bagay naman sa kaniya.

Maputi naman siya.

Mas lalo akong napangiti na kita na yata ang gilagid ko. Mukhang makakasundo ko siya dahil magaan ang loob ko sa kaniya. 

Kaya nga lang, may pagkamataray yata ito katulad ng kaibigan kong si Hera. Ano kaya ang magiging reaksyon nila sa isa't-isa?

"Grace Smith po Ate-cousin!"

Hindi na ako nagulat ng sabihin nitong Smith ang apelido niya dahil ang Nanay niya ang may dugong Aberla.

"Matanong ko lang, may halong banyaga ka 'diba? Pero bakit mas gusto mong tumira dito sa Pilipinas?" Tanong ko.

"Dito po kasi pinili nila Mommy na tumira na lang dito. Paminsan-minsan po dumadalaw kami sa Parents ng Dad ko."

Tawang-tawang saad niya. Masayahin itong dalaga dahil kanina pa siya nakangiti.

"And I'm Hagen. I'm not a nerd if that's what you think." Saad nito ng huling lalakeng nagpakilala. May attitude siya na katulad ng kay Bryle.

Mukhang nerd pero hindi naman daw?

Marami pa kong nakilala sa kanila dahil isa-isa silang nagpakilala sa akin. Pangiti-ngiti lang ako sa tabi-tabi. 'Yung iba pa nga 'e nakasundo ko na.

"Welcome to the Family!"

Sabay-sabay nilang sigaw matapos nilang magpakilala. Nagtawanan silang lahat at pinagpatuloy ang pag-uusap. Pero mayroon akong napansin.

Wala ang inaasahan kong tao.

Hindi ko maiwasang malungkot. Hinanap ng aking paningin si Bryle sa nakakalat na mga tao. Katulad kanina, busy pa rin ito sa pag-aasikaso ng mga bisita.

Napansin ko ring patingin-tingin ito sa paligid na parang may hinahanap. Nagkibit-balikat ako. Ganiyan rin naman ang gagawin ko kapag inaasahan kong dadating ang Tatay ko.

I'm Pregnant (BOOK 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora