Chapter 44

20.8K 378 23
                                    

Chapter 44 ~ Tala


Mia's POV:

Hindi private plane ang sinakyan ko dahil gagamitin ito ni Bryle. Wala namang kaso sa akin basta't safe siyang makauwi.

Marahil may emergency ito kaya public plane ang sinakyan ko. Sabagay, sa kaniya naman iyon. Hawak-hawak ko ang aking passport nang patungo ako sa eroplano.

May nakakita sa aking stewardess at tinulungan ako sa aking mga gamit. Napangiti ako. Pati sa pagsakay ay inalalayan rin ako nito.

"Call me Ma'am 'pag may kailangan kayo."

"Salamat."

Nagpaalam ito saglit upang asikasukin ang ibang pasahero. Napapatingin sa akin ang iba at nagbubulungan.

"Di ba 'yan 'yung asawa ng nag-iisang Bryle Aberla?" Tanong ng isang ale sa kaniyang mister na busy sa pagbabasa ng magazine. Napatingin sa akin ang kaniyang asawa at agad nag-iwas ng tingin.

"Siya nga."

"Mukhang mag-isa lamang itong biya-biyahe. Nasan ang asawa nito lalo na't buntis pa naman."

Napatingin ako sa aking umbok na tiyan at napangiti ng mapait. Bumungtong-hininga ako sa hangin at hindi na muli nakinig sa kanilang usapan.

Inilabas ko ang aking telepono mula sa aking shoulder bag at pinagdiskitahan ang mensahe ni Bryle na aking natanggap kanina.

Sinend niya ang mensaheng iyon tatlumpung minuto na ang nakakalipas. Pero hindi ko ito namalayang tumunog man lang.

Itinago ko ang aking telepono at pinagsawalang-bahala na lamang ang aking sama ng loob. Wala naman na akong magagawa pa dahil nangyari na.

Pakihintay na lang 'yung karma mo.

Tulad ng aking konklusyon ko kanina, sinusubukan kong matulog. Nahihilo ako at masakit rin ang aking ulo. Pagtikim lamang ang aking ginawa sa mga nakahandang mga putahe sa aking harapan.

Buti na lang, kumain ako kanina.

Panay rin ang aking pagbanyo. Malapit sa bintana ang aking upuan kaya basically, may taong nakaupo sa aking tabi.

Tulog ito pero kung minsan, naalimpungatan siya dahil sa aking paglalakad. Nasasagi ko ang kaniyang tuhod. Inalalayan naman ako ng mga stewardess sa paglalakad na syang ipinagpapasalamat ko.

"Pang-ilang banyo mo na 'yan?"

Kakaupo ko pa lamang sa aking upuan galing sa banyo nang magsalita ang aking katabi. Unti-unti itong nagmulat ng mga mata.

"Pitong beses na."

"Anong ginagawa mo sa banyo?"

Tanong nito na nagpalaki sa aking mga mata. Iniisip ba nitong may ginagawa akong milagro sa loob ng banyo?

"Po?" Natutuliro kong tanong.

Namali yata ako ng pandinig.

"Anong ginagawa mo ka'ko."

Napatingin ako sa kaniyang kabuuan. Makinis na balat, maganda at malinis na lagdadamit ng kasuotan.

Manyak ba 'to?

"Umiihi lang naman."

"Ilang basong tubig ba ang ininom mo? One galloon?" Nahihimigan ko ang kaniyang pagtataka na syang ikinataas ng aking kilay. "Marami kang kinain siguro tama?"

I'm Pregnant (BOOK 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora