Chapter 32

24.6K 437 29
                                    

Chapter 32 ~ Honeymoon


Mia's POV:

Mukhang alam ko na kung ano ang nilalaman ng utak niya. Sa klase ba naman ng ngisi niya, parang may binabalak itong hindi maganda. Kumabog ng husto ang puso ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at iginaya papunta sa kotse niyang mamahalin. Ang kotseng ginamit namin kanina habang papunta kami dito sa reception.

Ganda nga ng kulay 'e.

"San nga tayo pupunta?"

Pangungulit ko. Sinisigurado ko lamang na mapupunta ako sa ligtas na lugar. Sa pagkakaalala ko, nasabi sa akin ni Brenda kanina nang hindi sinasadya na magho-honeymoon kami ni Bryle sa ibang bansa.

"Don't ask."

Pinagbuksan niya ako ng pinto at isinakay sa passenger seat. Umikot siya sa kabilang pinto upang makasakay na rin.

"Hindi ako titigil kapag hindi mo sinagot ang tanong ko." Napatingin ito sa akin at ramdam ko ang kaniyang inis. Nakakunot ang kaniyang noo kaya hindi ako nakakibo.

Mga ilang segundo itong nakatingin sa akin pero sa huli, napabuntong-hininga ito. Pinaandar nito ang kotse at nagsimula nang magdrive.

"Sa bahay muna para makapagpalit tayo ng damit then sa airport. We need to catch up our flight."

Saang bansa kami pupunta?

"Saang bansa ba?"

"Hindi pa nasasabi sayo ni Mom or kahit na sino?" Tanong niya sa akin ng nagtakaka. Magtatanong ba ako kung alam ko na?

Mukhang huli na naman ako sa balita.

"Hindi pa."

"Damn it, akala ko pa naman ay alam mo na."

"Pero wala nga silang nasabi. Kung hindi nga lang rin nadulas si Brenda ay hindi ko pa malalaman na pupunta pala tayo sa ibang bansa." May himig ng pagtatampo sa aking boses at napatingin sa labas ng bintana.

"Sorry, I was busy arranging our wedding. So I thought, may nakapagsabi na sayo." Ngumiti ako ng mapait.

"Sana naman kung misan, matuto kayong magsabi sa akin para hindi ako magmukhang tanga."

Hindi ko mapigilan ang masaktan. Hindi ko ugaling magreklamo dahil sampid lang naman ako sa kanila pero nakalimutan ba nilang tao rin ako at nasasaktan?

Ilang minuto kaming tahimik. Iniiwasan ko ring tumulo ang aking luha. Hindi ko dapat iniiyakan ang mga bagay na iyan at ipapakita kong malakas ako.

Nasa bungad na kami sa gate ng mansyon niya pero hindi pa rin kami kumikibo. Hanggang sa makalabas kami ng pinto ng kotse, hindi pa rin nito sinasagot ang tanong ko.

Nang wala akong makuhang sagot sa kaniya, nauna na lamang ako papasok sa loob. Sinalubong ako nina Brenda at Manang na nag-aayos ng mga regalo.

Nasa gilid ang mga ito at nagkalat ang mga balloons sa paligid. Pati ang mga mahahalagang bagay na nasa reception kanina ay naiuwi dito sa bahay.

"Congratulations pala mga iha at iho." Nakangiting saad ni Manang habang tumatayo mula sa pagkakaupo.

"Congrats pala Ma'am, Sir." Si Brenda.

"Salamat po." Nakangiting sagot ko. Nawala ang inis ko at tinulungan silang mag-ayos ng mga regalo sa tabi.

"Kailan mo gustong magbukas ng regalo?" Tanong ni Bryle na nasa sofa at nakaupo. Nakabukas na ang dalawang butones ng polo nito.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now