Chapter 66

21.4K 349 39
                                    

WARNING: UNEDITED!!!

Author's Note:
Third to the last chapter ;( Advance goodbye para sa inyo readers :(

Mia's POV:

Nakatulog na silang lahat at ako na lang ang gising. Kanina ko pa gustong umuwi pero nakokonsensya ako. Hindi ko kayang iwan na lang ang mga kaibigan ko ng ganitong sitwasyon.

Hinintay kong makatulog sila ng mahimbing bago ako tumayo at naglinis sa kalat namin. Gabi na sa labas at tiyak na magagalit na naman sa akin si Bryle.

Haysss.

Unti-unti akong tumayo at isa-isang pinulot ang mga napagkainan namin ng chichirya na wala nang laman. Pati mga bote ng beer at softdrinks.

Uminom sila kanina ng alak nang matapos ang iyakan namin. Hindi ako uminom dahil bawal sa akin. Naiintundihan naman nila ako kaya sila na lang.

Walang imikan silang uminom ng alak. Habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila ng walang emosyon. Hindi solusyon ang alak sa problema.

Pero ewan ko ba sa kanila. Parati nilang sinasabi na nakakawala daw ito ng problema sa sandaling panahon.

Kakatapos ko lang magligpit at pawis na pawis na ako. Para bang tumakbo ako ng ilang kilometro. Tinodo ko ang aircon sa loob ng kwarto ni Quenos.

Bahala na sila kung malamigan na sila. Babawasan ko rin naman ang temperatura nito kapag hindi na ako pinagpapawisan.

Si Quenos ay nasa sahig at nakanganga pa. May hawak pa itong bote ng alak. Hindi ko na lang kinuha mula sa kaniya dahil baka magising pa ito.

Pinicturan ko muna ito habang napapahagikhik ako sa tabi. Naghanap pa ako ng kumot dito sa loob ng kwarto niya at swerte naman ako dahil may nahanap ako.

Kinumutan ko naman siya kasama na ang alak niya. Humihilik pa ito at amoy na amoy alak siya. May ibinubugang hangin ang bunganga siya at ang baho!

Si Hera at Quira ay nasa kama. Magkayakap ang mga ito. Kinumutan ko na rin sila at pinictutan din. Ipapakita ko sa kanila ito kapag nagbonding ulit kami.

Si Glen ay nasa sofa. Ang isang braso niya ang ginawa niyang unan. Ang isa naman ay itinakip sa mga mata nito. Yung isang paa niya ay nakapatong sa sandalan ng sofa.

Sigurado akong malamig sa pinagtutulugan niya. Katapat nito kung nasaan ang aircon. Muli akong naghanap ng kumot pero wala na akong mahanap.

Naisipan kong lumabas sa kwarto niya at nagpunta sa isang guestroom. Kinuha ko ang comforter na nasa kama at binitbit papunta sa kwarto ni Quenos.

Nang maayos ko na lahat,muli ko silang tinignan at napangiti na lang. Ang swerte ko dahil naging kaibigan ko sila. Parang mga kapatid ko na 'tong mga to eh!

Kahit na patokmo-tokmol pa sila,mahal ko pa rin sila.

Lumabas ako ng kwarto ni Quenos na may ngiti hanggang sa makalabas ako ng bahay nila. Madaling-araw na at namomobrelama ako kung saan maghahanap ng taxi.

Nahihiya akong magpahatid sa driver nila Quenos dahil baka tulog na ito. Siguro lalakarin ko na lang hanggang sa makakita ako.

Nang isasara ko na ang gate,nagulat ako ng may humablot sa braso ko. Si Bryle pala ito at galit na galit ito sa akin. Mabibilis ang paghinga at gumagalaw rin ang panga niya.

Sa mukha nito parang gusto na niya akong patayin.

"B-b-bryle. A-anong g-ginagawa mo d-dito?" Nauutal kong tanong. Natatakot akong saktan niya ako muli. Nanginginig na rin ang labi ko at nagiging malamig na ang kamay ko.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now