Chapter 36

21.1K 383 16
                                    

Chapter 36 ~ Bodyguards


Mia's POV:

Sila ang nang-engayo sa aking tikman lahat ang mga pagkain dito. Sa una, naiilang ako dahil bukod sa mababait silang lahat, nalaman ko ring maalaga sila sa akin.

Tanging pagkain lamang ang nagawa namin. Hindi kami close, sadyang pinapakisamahan lamang nila ako. Siguro sa takot na masisante.

Nagpakuha rin kami ng litrato sa mga taong napadaan lamang. Hindi naman sila tumanggi at ipagpilitan ko ang bagay na ito.

Sila na mismo ang bumibili at ipapakain sa akin. Pati mga inumin ay ganun rin pero syempre, hindi ang alak. Sa awa ng Diyos, nagkakaunawaan naman kami lalo na si Lucas.

Higit sa lahat, nililibre nila ako.

Baliktad yata? Ako dapat ang nanlilibre dahil may pera akong dala pero hindi. Pero medyo nagtataka ako sa mga gamit nilang lenggwahe.

Iba-iba sila.

Hindi ko matanong dahil nahihiya akong manghinasok sa kanilang buhay. Ramdam ko rin ang awra nilang nagbibigay mensahe sa akin na hanggang boss lang nila ako.

Matatas silang magsalita ng kanilang sariling wika at iilan lamang sa kanila ang kayang makapagsalita ng wikang Ingles. Sa katunayan, si Lucas ang pinakamagaling sa kanila.

Kung minsan, naririnig ko ang usapan nila. Sinusubukan nilang magsalita ng Ingles pero wrong grammar lamang. Naiintindihan ko ang bagay na iyon.

Napansin ko ring nag-aasaran sila kung minsan. Tumatawa ng palihim sa kanilang kasamahang ginawan nila ng kalokohan. Napailing-iling ako.

Typically, boys.

Natatawa na lamang ako sa pinaggagawa nila. Kahit pala mga bodyguards na palaging seryoso ay nagagawa ring makipagkulitan.

Nang mapansin ako ni Lucas, sinabi niyang ganun daw talaga sila kaya dapat na masanay na ako. Pero kapag may nahuhulog lamang na baso, nagtatayuan sila agad at lilinga sa paligid-ligid.

In short, alerto pa rin sila.

"We need to go home."

Saad ni Lucas habang nakasulyap sa langit. Ang araw ay papalubog na at kitang-kita iyon sa pwesto namin. Nasa isang park kami ngayon at naglalakad-lakad lamang.

Lumalamig na rin ang klima.

Tumango ako kay Lucas at sinundan ang kanilang yakap. Maraming mga bata ang nandito at patakbo-takbo sa paligid. Malawak naman dito kaya ayos lang.

Masaya ko silang pinagmamasdan nang maalaala ko ang phone kong nasa sling bag. Kinuha ko ito mula sa loob at agad na tinignan kung may unread messages ba.

Pero wala.

Nagpadala ako ng mensahe sa kaniya na baka malate kami ng uwi pero hindi man lang ito sumagot. Pakiramdam ko tuloy, hindi na naman ako importante sa kaniya.

Bakit hindi nakapagreply ngayon si Bryle? 'E dati-rati naman, kahit na nasa bahay kami pareho, nagtetext pa rin siya.

Pero siguro, hindi pa niya nababasa ito lalo na't busy siya sa trabaho. Pero ano nga bang trinatrabaho niya ngayon? Anong uring trabaho?

Napailing-iling ako sa sariling naiisip at nagkibit-balikat. Nauna akong naglakad patungo sa aming nakaparadang kotse.

~~~

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now