Chapter 14

26.2K 483 29
                                    

Chapter 14 ~ Engagement Party Part 1


Mia's POV:

"Ma'am tignan niyo po oh! Andun si Sir sa TV, may sasabihin yata siya dahil seryoso siyang nakatingin sa camera!"

Excited na sabi sa akin ni Brenda. Nandito ako sa kwarto ko nang bigla-bigla na lamang siyang papasok at sasabihin na nasa TV raw si Bryle.

Dahil nacurious na rin ako, bumaba ako at pumunta sa sala para panoorin si Bryle. Ano naman ang sasabihin niya?

Tulad ng sinabi ni Brenda, nasa TV nga si Bryle at mukhang kakasimula pa lamang ang palabas. Pati ang ibang mga katulong ay naki-usyoso na rin sa sasabihin niya.

"Good Morning Everyone. You must be excited to hear what will I gonna say." Panimula nito. "I gather you all here to speak up about the rumor of my wedding. Well, I confirming the rumor. I'm getting married in less than 2 weeks from now."

Nagulat naman kaming lahat at napasinghap pa kami. Hindi namin inaasahan ang balitang ito. Wala namang nasasabi si Bryle sa akin na kokompirmahin niya ang isyu.

Pati ang mga reporters ay napasinghap rin sa kaniyanh isiniwalat na balita. Sino ba naman ang hindi? Alam lahat ng buong mundo na si Lian ang babaeng pinakamamahal niya.

"Unbelievable right? Well, it's fucking true and you cannot do about it." Dagdag pa niya at ngumisi sa camera.

"What about Lian Hidalgo? Did you two break-up?"

Tanong ng isang reporter. Napapikit muna si Bryle bago sumagot. Kita kong nahirapan siya sa pagsagot ng tanong na iyon.

"Yes. To be honest, we decided to end our relationship last year. We already knew that our relationship was getting worse, having cold treatment to each other and we fall out love. But she's happy now with her new boyfriend."

"Why did you choose her?" Tanong ng isa pa.

"Basically, my heart choose her. It was a love at first sight. I didn't meant that I forgot Lian instantly."

Walang gana akong nanonood kay Bryle. Alam naman nating lahat na puro kasungalingan lamang amg pinagsasabi niya sa Media.

"Ilang buwan pa lang kaming magkakilala and I already knew, she is the one for me. Luckily, she's pregnant!"

Nagulat ulit kami. Puno ng pasabog si Bryle. Hindi naman niya kailangang sabihin na buntis ako sa publiko.

"I decide not to expose them to public in the past few days but here I am, telling to the whole world about my soon-to-be my wife."

"Thank You and Congratiolations Mr. Aberla to your wedding and upcoming child of yours. I hope na sana maging masaya kayo."

"We hope na sana ipakita niyo samin ang picture ng magiging anak ninyo. We are all excited about it."

Ngumiti na lamang si Bryle at nagpaalam na dahil may aasikasuhin pa raw ito. Bago mag-end ang Press Con, nakita ko ang ilang mga mukha ng mga photographer.

Pawang nakangiti ang mga ito. Makikita sa kanilang mukha na masaya sila para samin ni Bryle. Napangiti rin ako pero agad ring nawala.

Kung alam lang nila ang totoo. Napabuntong-hininga ako sa naisip kong iyon.

Sana nga matanggap na ni Bryle na anak niya ang dinadala ko. Ang tingin kasi niya sakin ay isang hamak lang na malandi, bayaran at gold-digger.

"Naku po Ma'am! Ba't malungkot na naman kayo? Dapat pa nga po maging masaya kayo 'e dahil sinabi ni Sir Bryle sa buong mundo ang relasyon niyo." Napatingin naman ako kay Brenda.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now