Chapter 26

24.7K 511 30
                                    

Chapter 26 ~ Isang kwarto


Mia's POV:

Mataman siyang nakatingin sa akin at nandoon na naman ang galit niyang mga mata. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama.

"Nagpahangin ako sa labas." Matipid kong sagot ko. Tinatamad akong mag-explain at inaantok na.

"May nagpahangin ba na nagkakasiyahan kasama ang mga pinsan ko?"

Sarkastiko niyang tanong. Medyo nagulat ako dahil ang akala ko, mahimbing siyang natutulog pero minamanmanan niya pala ang mga kilos ko.

"Bakit mo alam?"

"I texted Zero and asked him about you. You were hanging out with them in the middle of the night imbes na maagang matulog."

Wala akong naisagot.

Humiga ulit ito sa kama at nagkumot. Tumalikod ito sa akin. Napabuntong-hininga ako. Tumabi ako sa kaniya sa kama at natulog na nang may bigat sa dibdib. 

~~~

Nakalimutan kong ngayon na pala kami aalis at babalik na sa Maynila. Nawala sa aking isipan ang bagay na iyon kaya yamot akong sumunod kay Bryle.

Flashback:

Nakayakap si Bryle sa akin nang hindi ko namamalayan. Nanatiling pikit ang aking mga mata at tamad na buksan ito.

Kakatamad.

Naramdaman kong mas humigpit ang yakap ni Bryle sa akin at hindi na ako komportable sa aking posisyon. Baka gising na rin ito o kaya'y nananaginip lamang.

Mga ilang minuto ang lumipas, may kumatok sa pinto ng biglaan. Paulit-ulit itong kumakatok at hindi tumitigil.

Dahil wala yatang balak si Bryle na pagbuksan ang pinto, unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at handa na sanang tumayo pero may mga nakapulupot pa ring mga braso sa aking bewang.

Sinubukan kong tanggalin ang mga braso niya pero mahigpit masyado. Hindi ko kayang tanggalin.

Nakadantay ang mga paa niya sa binti ko at ramdam ko ang munting mga balahibo niya sa hita. Nakikiliti ako.

Kaya mas lalo akong hindi makagalaw para sana pagbuksan kung sino man ang kumakatok. 

"Bryle."

Pagtawag ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Marahil tulog pa ito o 'di kaya'y tinatamad na bumangon rin.

"Gising ka na ba?"

Tanong kong muli sa kaniya at umaasang sasagot na siya tanging ungol lang ang naging sagot niya. Siguro tulog pa ito.

"Layuan mo'ko. Bubuksan ko ang pinto dahil may kumakatok." Saad ko sa kaniya.

Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang kaniyang mga braso na syang ikinangiti ko. Buti naman at nakinig siya sa akin.

"Bryle?!" Saad ng nasa pinto.

Dali-dali akong tumayo at tumingin sa kaniya na mahimbing na ulit ang kaniyang tulog. Nakakumot pa ito hanggang leeg.

"Sandali lang po!" Sagot ko.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now