Chapter 25

26.2K 471 38
                                    

Chapter 25 ~ Ikalawang Araw


Mia's POV:

"Next time, 'wag kang magsusuot nang ganoong klaseng damit kung hindi mo ako kasama. Naiintindihan mo?" Pangaral sa akin ni Bryle nang makabalik kami sa resthouse.

Kakatapos lang naming lumangoy sa dagat at basang-basa pa ang katawan namin. Dere-deretso kaming nagtungo sa kaniya-kaniyang kwarto para magbihis.

Tanghalian na nang matapos kami sa paliligo. Ramdam ko ang init sa aking balat at uso sa tawag na sunburn. Pati ang aking mukha ay namumula.

Tanging pagtango lamang ang aking ginagawa sa mga bilin niyang hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin.

"Bryle may tanong ako."

Saad ko matapos ang mabaha-haba niyang sermon. Saktong nakarating kami sa tapat ng pinto sa aming silid. Nauna akong naglakad papasok.

"What?"

"Nasan na 'yung isang kaibigan mo? Si Helios lang ang nakita ko simula kaninang umaga."

"Hinahanap mo siya?" Inis niyang tanong at matalim na namang nakatingin sa akin.

"Hindi ah! Nagtataka lang naman ako. " Bago sumagot, umirap ito sa akin at bumulong-bulong na hindi ko naman rinig.

"Umuwi na! Nagtext sa akin kaninang umaga si Helios na nauna nang umuwi sa Maynila ang gagong 'yon."

Agad siyang nagtungo sa banyo at rinig ko ang agos ng tubig, marahil naliligo na ito. Buti na lang at naka-off ang aircon kaya hindi ako nilamig lalo na't basa pa rin ako.

"Galit ka pa rin sa kaniya?" Tanong ko.

"Sino naman ang hindi magagalit sa inasta niya kagabi?!" Nag-isip ako ng malalim. Tama nga naman siya, kung ako ang nasa posisyon niya, magagalit rin ako kay Ivan.

"May tanong ka pa tungkol sa kaniya?!" Sarkastikong pasigaw niyang tanong mula sa loob ng banyo.

"Wala na! Gamutin ulit natin 'yang sugat mo pagkatapos kong maligo. Namamaga na naman kasi." Lihis ko sa usapan para mawala ang galit niya.

~~~

Ikalawang araw. Medyo nabobored na ako. Wala na kasing ibang magawa kundi maligo sa dagat. Kaso nga lang, nakaligo na ako doon. 

Ano pa kaya ang pwedeng gawin dito?

"Bryle pahingi ng popcorn."

Saad ko sa aking katabi habang nakatutok ang paningin sa TV. Gabi na at wala sina Lola dahil magkakasiyahan sila sa swimming pool doon sa 3rd floor.

Naiwan kami ni Bryle dito sa sala at nagmomovie marathon. Hindi ko alam kung bakit naisipan ni Bryle na samahan ako imbes na maglasing at magparty sa taas.

Inilahad niya sa akin ang popcorn na si Manang mismo ang nagluto na sinadyang dinamihan niya.  Nanonood kami ng horror at minsan napapayakap ako kay Bryle.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now