Chapter 51

19.7K 362 49
                                    

Chapter 51 ~ Ob-gyn

Mia's POV:

Ilang araw nang hindi umuuwi si Bryle dito sa Pilipinas kaya sobra na akong nasasaktan at nangangamba na rin.

Napag-isipan na ba nitong hiwalayan ako at sumama na lamang kay Mia? Pero paano kami? Anak niya ang dinadala ko.

"You look pale again. What's bothering you Iha?" Tanong sa akin ni Mama nang mabungaran ako nito na pababa ng hagdan. Napailing-iling ako sa kaniya at ngumiti ng peke.

Ilang araw na rin ang nakalilipas magmula nang makapag-usap kami ng masinsinan pero naiilang pa rin ako sa kaniyang presensya.

"Wala 'ho ma."

Pababa ako ng hagdan habang papaakyat naman ito. May inilahad itong dyaryo na syang ikinataka ko.

"It's about Lian."

Napatango-tango ako at binasa ang nakasulat. Totoo ngang naroon si Lian sa Paris. Nakuhanan ito ng litrato na mag-isang bumibili ng mga damit.

Balot na balot ito at muntik ko nang hindi mamukhaan. Bukod doon, nakasaad rin na pinaghahanap siya ng ilang mga bigating tao upang mabayaran ang utang ng kaniyang pamilya.

"May gana pa itong lumabas to buy some branded clothes. I think, Bryle gave her money."

"Hayaan niyo na po."

Sabay kaming bumaba ng hagdan. Nais niyang umakyat kanina dahil gusto nitong makita ko ang nakasaad sa dyaryo.

Dumiretso kami sa kusina dahil hapon na. Kumakalam na rin ang aking sikmura sa labis na gutom. Ipinagbanda kami nina Manang ng makakain.

"I called him awhile ago and really busy in his company. He even told me sooner or later, he'll come home."

Agad na nagdiwang ang aking puso ng malaman kong uuwi na ng Pinas si Bryle. Pero natatakot pa rin ako sa surpresa niyang balita sa amin.

Makikipagdivorce na kaya siya?

"Paano po si Lian ma?"

Tanong ko. Akala ko ba nagkabalikan na sila? 'O baka naman naghiwalay ulit sila? Uuwi kaya siya para ayusin ang annulment namin?

"I guess, babalik si Bryle dito at aayusin na niya ang buhay niya." Walang kangiti-ngiti niyang sagot. Suminsim ito ng juice na nakalaan para sa kaniya.

Napainom rin ako. Nawalan ako ng gana sa balita ni Mama. May parte sa aking hindi naniniwala na nagkahiwalay na talaga sila ni Lian.

"Baka naman po nag-away lang sila?" Malisosyang tanong ko. Hindi ko mapigilan ang aking bibig dahil binabagabag ako ng aking kuryosidad.

"I don't think so."

Kibit-balikat nitong sagot. Kumagat ito sa tinapay na kaniyang hawak habang nakatingin sa akin. Napayuko ako at natahimik sa aking upuan.

Napaisip ako ng malalim. May pag-asa pa kayang maayos nila ang kanilang pinagtaluhan? Nananalangin ako na 'wag na sana.

"Don't overthink Mia. Why don't we go shopping?" Suhestiyon nito. Napaangat ako ng tingin at ngumiti ng alanganin sa kaniya.

Napapaisip ako kung bakit kailangan pa nilang magshopping 'e halos na lahat na ng bagay ay nasa kanila na. Hindi pa ba sila kuntento?

"Mag-aayos lang po ako saglit."

Wala ako sa mood na magliwaliw ngayon. Gusto ko sanang tumanggi pero tiyak na hindi niya iyon magugustuhan bagkus ay pinilit ko na lamang ang aking sarili.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now