Chapter 41

20.6K 359 8
                                    

Chapter 41 ~ Hidwaan

Mia's POV:

Sinabi ng doctor kani-kanina lang na pwede na raw akong umuwi. Gusto ko pa sanang mag-stay doon para hintayin na bisitahin ako ni Bryle.

Pero dahil sa tagal niya, hindi ko na siya nahintay.

Ang sakit lang sa pakiramdam na hindi magawang bisitahin ka ng asawa mo. Buti pa si Tey, binisita ako.

Pansin ko hindi na masyadong mataray si Tey tulad noon na ubod ng taray. Mas bumait ito kumpara noon ng ilang balde ng tubig.

Marami pa sana akong nais ikwento sa kaniya pero kailangan na niyang umuwi dahil gabi na. Tsaka bukas na ang flight niya pauwi ng Pinas.

Magbabakasyon raw.

Pare-parehas kaming uuwi ng Pinas pero sa pagkakaalam ko, mas mauuna lamang kami ni Bryle ng ilang oras. Sinabihan ako ni Lucas na umaga sa amin habang hapon naman kay Tey.

Naikwento rin niya sa akin na gusto niyang mag-aral ulit at ibang kurso ang kukunin niya sa sikat na unibersidad sa Australia. Nakalimutan kong tanungin kung nasaan ang nanay niya.

Miss ko na rin si Tita.

Matagal-tagal ko na rin itong hindi nakikita. Pati sa facebook ko, hindi pa niya kinonfirm ang friend request ko sa kaniya.

'Kala niyo wala ako 'nun noh?

~~~

Pagkapasok ko sa aming unit, wala akong nadatnang Bryle. Walang kailaw-ilaw sa buong unit at nakalock pa ang pinto na tandang hindi pa dumadating si Bryle.

Nakakaramdam ako ng pagtatampo sa kaniya. Siguro, hindi ko na lang muna siya hihintaying umuwi ngayon dahil mas iisipin ko ang kaligtasan ng anak ko.

Naalimpungatan ako nang may narinig akong parang may tao sa labas. Hindi ko namalayang nakatulog ako kanina. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nagtungo sa pinto.

Baka si Bryle.

Natigil ang pagkatok sa main door ng unit namin ni Bryle. Malalakas at talagang nakabubulabog ang paraan ng pagkatok nito. Halatang galit.

Nang makalabas ako ng pinto ng aming kwarto, nagtungo ako sa kusina. Nakabukas ang ilaw doon at sa pagkakaalam ko, wala akong iniwang nakabukas na ilaw kanina.

Sumilip muna ako bago tuluyang tumambad sa aking mga mata si Bryle na umiinom ng tubig. Tuluy-tuloy ang paglagok nito.

Hindi ito tumingin sa aking direksyon at matalim kung tumingin ito. Nakatalikod siya sa aking direksyon. Galit nga siya.

"Sa'n ka galing?"

Tanong ko. Napatingin siya sa akin at binigyan ako ng malamig na tingin. Inilagay nito ang basong ginamit sa lababo at hindi kumibo.

Inulit ko ang aking tanong.

"Pagod ako, 'wag ngayon."

Tanging isinagot nito at dinaanan ako. Sumunod ako sa kaniya. Ganun ba siya kapagod at hindi magawang sagutin ang tanong ko?

"Tinatanong kita kung saan ka galing at palagi ka na lang late na umuuwi." Inis kong saad. May karapatan akong tanungin siya dahil asawa niya ako.

Bukod doon, may lakas ng loob akong tanungin siya dahil napuno na ako. Hindi ko na kaya ang pambabalewala niya sa akin lalong-lalo na kanina.

"I'm busy with my company. So it's my turn to ask questions. Why don't you just fucking sleep? Baka nakakalimutan mong bukas na tayo uuwi?"

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now