Chapter 19

26K 512 46
                                    

Chapter 19 ~ Bakasyon

Bryle's POV:

I don't know why I felt this way? It was like, I was jelous. Yeah, jelous for pete's sake.

"Sorry po Madame. Bumili lang po kami ni Ma'am Mia ng Manga sa Nueva Ecija."

Agad na paliwanag nito at napayuko ako sa aking kinatatayuan. Alam kong sunod na akong pagagalitan ni Mom dahil sa kapabayaan ko.

"Mango wasn't her favorite fruit. How come na atat na atat siyang bumili?"

Pinili kong hindi na lamang sumabat sa kanilang usapan kahit na alam ko ang sagot. Napatingin ako sa mga braso ni Melon.

Tulog na tulog siya na animo'y pagod na pagod. Even if I don't love her, as long as she's living in this house, she was my responsibility also.

Unti-unting napatingin si Mom sa aking gawi. Masama ang kaniyang tingin. I am aware that it was my fault.

"She was craving a Mango right?"

Wala akong nagawa kundi tumango. Mas lalong sumama ang kaniyang tingin sa akin. Lumapit pa siya at isang sampal ang iginawad sa aking kanang pisngi.

"She's your fiance! Utang na loob Bryle, tumino ka naman!" Sigaw niya. Unexpectedly, I burst out.

"I am trying! Last night, I was exhausted doing my paper works at late akong natulog! Masisisi mo ba kung pinili kong matulog?!" Pabalik na sigaw ko.

"Then, you should called me para ako na lang sana ang bumili!" Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin.

Hindi ko ineexpect na ganun kahalaga kay Mom si Mia na isang dukha. Na nanggaling sa isang basura. Mas kinakampihan pa niya ito kaysa sa akin na sarili niyang anak.

Inis akong tumahimik sa isang tabi. Kunot na kunot ang aking noo sa labis na inis na aking nadarama.

"At ikaw naman Melon, nasan ba ang cellphone mo?! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo!"

Napatingin ako kay Melon. Hindi ito mababakasan ng konting kaba man lang sa kaniyang mukha. Kampante lamang itong nakatayo habang karga pa rin si Mia.

"Naiwan ko po Madame ang cellphone ko dito sa bahay. Pasensiya na po Madame, hindi na po mauulit."

Nagpresinta akong dalhin si Mia sa kaniyang kwarto. Bukod sa obligasyon ko ito, ayokong pumasok si Melon sa kaniyang silid.

Napuno ng tao sa salas ng bahay. Nandito ang medyo marami-raming bodyguards ni Mom dahil sa paghahanap kay Mia.

Hindi ba kayo nacucurious kung bakit isa lamang ang nagbabantay sa kaniya at iyon ay si Melon?

Dati kong bodyguard si Melon. Mapagkakatiwalaan siyang tao at matagal na siyang naninilbihan sa amin. Mula pagkabata, siya ang naging bodyguard ko.

But we aren't close.

Weird right? Hindi kami masyadong nag-uusap except kung importante ang sasabihin niya. He was a silent bodyguard.

Pabor naman sa akin ang pagiging tahimik niya.

I'm Pregnant (BOOK 1)Where stories live. Discover now