Chapter 63

19.3K 321 8
                                    

WARNING: UNEDITED!!!

Mia's POV:

"A-ano bang klaseng tanong yan?" Kinakabahan niyang tanong sa amin. Napangisi naman ako. Mukhang nagiging lalaki na siya ulit.

Hindi lang physically kundi emotionally na rin. Bumabalik na siya sa dati. Mabuti kung ganoon. Para naman magkaroon ng apo ang mga magulang niya.

"Sino naman ang nagpakalalaki sayo?" Nakataas na kilay na tanong ko. 'Pag sinabi niyang nagbago ang isip niya,hindi ako maniniwala.

Ayaw na ayaw niyang tinatawag namin siyang Glen. Panlalake daw masyado kaya Len na lang daw. Palagi niyang sinasabi yan kapag tinatawag namin siyang Glen.

Pero ngayon,nawala ang ganoon niyang linya.

Matagal na namin siyang pinipilit na magpakalalake ulit pero sadyang makulit siya. Ipinagpilitan niya ang takbo ng puso niya.

"Hindi mo pa ba alam Mia? Nahuhuli ka na talaga sa balita." Takang sabi sa akin ni Hera. Wala naman kasing nag-u-update sa akin noh?

Si Glen naman ay nanatiling tahimik at malalim ang iniisip. Hindi na yata ito nakikinig sa amin. Kaming apat naman ay may ngiting tagumpay sa labi.

"Wala naman kasing nagsasabi sa akin." Sarkastiko kong sagot.

"Ano nga ulit pangalan nun Glen?" Makakalimutin na talaga si Quira. Sila yung nagsasama sa isang school pero hindi man lang matandaan yung pangalan ng babae.

"Caitie." Bulong sa hangin ni Glen. Napasigaw naman kaking lahat sa tuwa. Naaalala niya yung babae! Himala! Hindi magaling si Glen sa pagmememorize ng pangalan ng mga fans niya.

Pero ba't yung Caitie na yun ay naalala niya?

"Ay yun nga! Alam mo ba Mia,yung Caitie na yun pa mismo ang nanliligaw kay Glen." Tumatawang kwento niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

May ganoon na ngayon? Hanep ah! Hindi nahihiya yung babae na manligaw? Infairness,hindi mapride yung Caitie na yun.

"Tawa kami ng tawa nung ipagsigawan nung babae na yun na manliligaw daw siya kay Glen. Hiningi pa nga niya ang basbas namin. Sayang at wala ka!" Naghihinayang na saad ni Quenos.

Sorry naman!

Mas lalo akong nagulat sa narinig ko. Baka naman si Caitie ang nakatadhana kay Glen. Sana tuluy-tuloy na yan para bumalik na talaga sa dati si Glen.

Nakwento pala niya sa amin na grabe daw ang pinagdaanan niya nang magsimula na itong maging bakla. Hindi niya daw matanggap hanggang sa nagbago ang ihip ng hangin.

"Oh anong sagot ni Glen?" Nae-excite kong tanong. Gustung-gusto ko ang makinig ng love story ng iba. Wala kasi akong love story eh!

Napatigin naman ako kay Glen na namumula na ngayon. Hindi na siya makatingin sa amin at nakayuko na lang. May namumuo na ring pawis sa noo niya.

"Ewan! Yan lang naman ang isinagot ng mokong. Syempre na-offend yung babae. Napahiya yun tapos si Glen naman ay tumakbo na palayo. Sobrang akward nung scene na yun." Kwento naman ngayon ni Quira.

"H-hoy kilala kita Mia! A-alam ko ang tinatakbo ngayon ng i-isip mo." Kinakabahang singit ni Glen sa pagkukwento nila. Hindi ko namalayan na nakangiting aso na pala ako.

"Bakit? Eh sa gusto kong makita yung mukha nung babae eh!" Katwiran ko. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan sa dalawang kamay.

Kung hindi lang siya bakla baka napaghinalaan ko na itong may gusto sa akin. Kung makahawak naman sa akin parang syota niya ako tapos may kasalan siya sa akin.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon