Chapter 34

23.1K 384 20
                                    

Chapter 34 ~ Numero


Bryle's POV:

Naramdaman ko ang pagbigat ng ulo ni Mia sa aking balikat. Palihim akong napangiti sa sarili at dahan-dahan hinaplos ang kaniyang buhok.

Malalim na ang ginagawa nitong paghinga kaya kampante akong hindi na ito maaalimpungatan pa. Inilapag ko ang kaniyang ulo sa kama at kinumutan siya.

And I was amaze again by her looks. Bakit palagi kong nakikita si Lian sa kaniya noong kabataan pa lang namin? By her inocent smile and carefree moves.

Why can't I see herself?

Kaya natatakot akong tuluyan nang itali ang puso ko sa kaniya dahil sa bagay na 'to. Bukod doon, hindi pa ako sigurado kung tuluyan ko na bang nakalimutan si Lian.

Nag-alala talaga ako sa kaniya kanina nang maramdaman kong wala siya sa aking tabi. Kabilan-bilinan pa naman ni Mom na bantayan ko siyang maigi lalo na't palapit na palapit na ang takdang oras na mangangananak siya.

I felt somehow excited.

But it keeps fading away about the thought na maraming problema sa kompanya. Ang bakasyon na inaasam ng pamilya ko para sa akin ay hindi mangyayari.

I can't focus also on Mia. Maraming sagabal na minsan, iniisip kong magpakalayo-layo muna at makapag-isip-isip kung tama pa ba ang mga desisyon ko sa buhay.

My company was free in bankrupsy kaya hindi ako namomorblema doon. Ang talagang nagpapasakit sa aking ulo ay ang mga traydor na nakapasok sa kompanya.

And that makes me angry all the time.

My secretary called me awhile ago at sinabi ang panibagong problema. Nag-aalanganin akong sabihin kay Mia na hindi kami matutuloy bukas sa pamamasyal.

Dumagdag pa si Lian.

Mahinang napahilot ako sa sentido at bumungtong-hininga. Tawag ito ng tawag sa akin at nagtataka ako kung paano niya nakuha ang number ko.

She was sending me her pictures with only her underwares na syang mas lalong nagpapainit sa dugo ko. Wala na ba siyang natitirang kahihiyan sa katawan?

Hindi naman kami inosente sa mga ganitong bagay dahil dumaan na kami sa prosesong iyan. Afterall, it's a part of growing.

And I'm wondering, naghihirap na sila sa mga oras na 'to kaya how can she still afford to hire private investigators para lamang makuha ang private number ko?

Not to mention na pamilya ko lamang ang nakakaalam nito. Mas lalong kumunot ang aking noo at napatalikod sa pwesto ni Mia.

May posibilidad na nakahanap na naman siya ng iba na makakapitan niyang makapangyarihang tao.

Nagbabalik muli ito sa akin at targetin ako para umangat muli ang kanilang negosyo at malinis ang kanilang pangalan kasama na doon ang kaniyang mga magulang.

Maraming mga katanungan ang gumugulo sa aking isipan tulad na lamang ng taong kinakapitan niya ngayon. Bakit mas pinipili nitong ako ang balikan niya imbes na ang boyfriend nito kamakailan lang?

Ngayong nakakaya ko nang mabuhay nang wala siya sa piling ko. Sa pagkakaalam ko, mayaman ang ipinalit niya sa akin. I think her boyfriend dumped her dahil wala na silang pera na maipagmamalaki pa.

But Lian is a smart girl. Hahanap ito ng paraan para umangat muli ang kanilang pangalan. Kung ako sa kaniya, I'll find a person na kayang labanan ako at plaplanuhing pabagsakin ako.

She's desperate enough to be on top.

Bumagsak ang kanilang kompanya at lahat ng mga ari-arian nila ay kinuha ng bangko. I don't know the real story but ang sabi-sabi ng mga tsismosa, her family was a drug addicts including her.

I'm Pregnant (BOOK 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant